7
ALEXANDER
"Sinagot ba niya tanong ko?"
"Oo."
"Talaga? Ba't di ko narinig?"
"Tanga mo kasi, bingi pa."
"Sapukin kita diyan, eh. Saka ano namang pinunta niya dun?"
"Saan? Sa rooftop? Magpapakamatay."
"Sama ka."
"Mauna ka."
Tokwa. Nabwibwisit ako sa mga 'to,eh.'Di ako makapag-isip ng maayos.
"Shut the f*ck up." I told them coldly at diretsong umupo sa sofa.
Marami kasi talaga akong iniisip ngayon. Isa na dun ang panaginip 'kuno' ni Jin, pati na din 'yung rank ko sa school na napalitan. And most importantly, kung pa'no ko liligpitin ang langhiyang babaeng 'yun. Luckily, may naisip na akong plano. And I'm sure it'll work.
She's just a normal and smart high school girl na madaling patahimikin kagaya ng ibang babae sa school. Kung matalino nga siya, dapat alam niyang hindi tama ang agawan ako ng pwesto. Pero ginawa niya. I must say ang lakas ng loob niyang gawin 'yun. But let's see hanggang saan ang lakas ng loob niyang 'yun. Well, hindi ko pa talaga siya kilala at hindi ko pa alam ang pangalan niya dahil sa letseng pagsesekreto ni Jin pero madali namang hanapin 'yun.
Sa ngayon, play cool muna.
Now that I'm back, humanda siya. She dared mess with me, I will mess with her too. Kahit babae siya, hindi ko siya uurungan. At hindi ko palalampasin ang ginawa niya.
May magandang outcome din pala ang pangungumbinsi nilang bumalik ako. I instantly have my new toy.
Naisip ko na naman ang pinapatulong ni Mom sakin. Damnit. Tutulungan ko daw kasi siyang mahanap ang pesteng lost heir na 'yun. Kahit clues or konting lead man lang daw. But, I have other business other than that kaya okay lang na uunahin ko ang mga 'yun kesa sa paghahanap ng lost heir. Dahil nga d'yan, busying-busy sina Jin. At dahil din d'yan, hindi niya nasabi agad na may pumalit na pala sa pwesto ko.
Badtrip kasi. So, ako pa ang mag-aadjust para isingit ang pesteng paghahanap ng pesteng lost heir?
Ano sila sinuswerte? Asa silang tutulong ako. Psh.
Hindi ako hanapan ng nawawalang tao para hingin ang tulong ko. May problema ako at ayokong idagdag pa 'yan.
And why was she lost anyway? It's not as if hindi niya alam kung pa'no buhayin ang sarili. Marami siyang alam tungkol sa kung paano maging madiskarte. Independent din naman siya. At isa pa, detective at secret assassin ang kasama niya kaya walang problema. She can defend herself because she is a skilled fighter. I'm sure malaki na din siya ngayon at kaedad lang namin kaya sigurado akong nakahanap na 'yun ng paraan para mabuhay. Siguro nga nakahanap na 'yun ng boyfriend o di kaya ay lalaking maging kapalit namin na poprotektahan siya-
Ay, sh*t! What the hell am I saying? Fvck!
Kumuha nalang ako ng alak at sinalinan ang baso ko. Tutungga na sana ako ng marinig kong tumunog ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Hindi ko iyon pinansin at patuloy lang sa pag-iinom. Alam ko naman kung sino ang tumatawag, eh. It's either my Mom or Dad. At isa lang ang alam kong sasabihin nila 'pag tumatawag, ang ireto ako sa kung sino mang babae. Psh. Letse. Ayoko nang dagdagan pa ang sakit sa ulo ko.
Nang hindi pa rin ito tumigil sa pag-ring, kinuha ko 'yun at pri-ness ang 'answer' button nang hindi tinitingnan ang caller at pagkatapos ay inilagay sa tenga ko. Hindi na rin ako nag-abalang bumati at hinihintay lang na ang kabilang linya ang unang magsalita. Calling me when they need something. Tsk.
BINABASA MO ANG
Arielle and Eclipse
Teen FictionArisxandra, a cold woman striving to find her concealed identity. Eclipse, a group of young men set on a mission to find their lost heiress. All were on a quest on finding something yet there's no assurance that either of them would succeed. Would t...