11

527 24 0
                                    

11


ALEXANDRA

Pesteng panyo 'to. Pa' no ba kasi 'to napunta dito? Ni wala ngang alam ang mga kaklase ko, eh. Imposible namang tumalon 'to sa bag ko. Psh.

Baka tumalon nga, noh?

Napairap ako sa kawalan. Okay pa ba 'tong utak ko? Nagfa-function pa ang brain cells?

Hindi ko nalang muna 'yun ininda at nagsulat muna. Baka kung anu-ano pang pumasok sa isip ko, eh. La naman akong pakialam sa panyong 'to tsaka baka hahanapin din to ng nagmamay-ari mamaya.

Isa pa, vacant lang ang linggong ito para sa amin ngayon kaya wala kaming masyadong ginagawa. Schedule at rules and regulations lang naman ang pinapapakopya nila. 'Yun nga lang, tokwa, nakakainis dahil ang taas-taas ng rules and regulations na binigay nila. 'Kala mo naman Malacanang Palace ang eskwelahang 'to para magpatupad sila ng libo-libong rules. Hindi din naman nasusunod. Psh. Tsaka nakakatamad kayang magsulat, noh? Kung pwede lang pictur-an ko nalang 'to, eh, kanina ko pa ginawa.

Ilang dekada pa bago ko natapos ang madugong pagsusulat ng libo-libong rules and regulations ng Malacanang Palace naming eskwelahan. Sana nga mapirmahan 'to ni Duterte. Nang ma-appreciate niya kung gaano ka determinado ang mga magtuturo sa pagtuturo ng kabutihang panlahat sa sanlibutan. Para naman worth it ang pagkokopya ko dito, noh. Sayang ang tinta.

Pagkatapos kong magsulat, napagpasyahan kong kilatisin ang panyong nakita ko sa bag. Baka may infectious disease 'to at ako pa ang maging simula ng lagim ng kadiliman. Mahirap na.

Ang totoo, hindi ako interesado sa panyong 'to at wala akong balak kupkupin 'to. Pero may nagtutulak kasi sa'kin para ampunin 'to, eh. Well, kung walang maghahanap, bakit hindi diba? Hindi ko din kasi ma-identify kung lalaki o babae ba ang may-ari nito. Mukha kasing unisex ang design ng panyo.

Inayos ko 'yun sa pagkakatupi kaya naamoy ko ang kakaibang pabango na ginamit ng may-ari.

Infairness, ang bango, ah?

Baka babae ang may-ari nito. Base kasi sa amoy, mukhang pambabaeng pabango ang ginamit.

Wala naman sigurong masama kung tingnan ko 'to, noh? Wala naman siguro dito ang may-ari, eh.

Nilakihan ko ang paglatag ng panyo kaya mas nakita ang ko ang mga disenyo nito. Take note, kakaibang disenyo. Ang weird ng designs, eh.

Stripes kasi ang panyo. Black and white ang kulay. 'Tas sa gitnang parte, may nag-iisang disenyo. Bilog 'ata? Bilog kasi siya na parang tinatabunan din ang isa pang bilog sa likod. Mas tiningnan ko 'yun ng mabuti at isa lang ang lumitaw sa isip ko. Para kasing may...

Eclipse?

'Di rin kasi ako sigurado. Pero parang eclipse nga. Hindi ko na 'yun pinansin at binasa ang mga letrang nakasulat sa ibaba. In cursive letters pa, ha.

Arrielle.

Napatigil ako at wala sa sariling napatingin sa pangalang nakuburda sa panyo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit.

A-arrielle?

Paulit-ulit na nare-rewind sa utak ko ang mga panaginip ko.

Narinig ko na 'yun, ah? 'Yun ang pangalang binanggit ng lalaking nasa panaginip ko na ilang linggo ko na ring napapaniginipan. Ang pangalang tinawag ng batang lalaki sa batang babae.

Letse, ba't ganun?!

This is insanely insane. This insane handkerchief is making my insane mind an insane one because of this insane happening. Hell.

Arielle and EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon