Agad kong binitawan ang braso ng babaeng espasol nang makita ang papalapit na mala-tigreng mukha ng Guidance Counselor namin. Kunot ang noo at salubong ang mga kilay na naglakad siya papunta sa direksyon namin at agad pumagitna. She took one look at Avhianna and proceeded on glaring at me.
"Sagutin mo ang tanong ko, anong nangyayari dito?"
The fuck. She's asking me?
"Sinugo–"
"She hit me!"
Hindi pa man ako nakapagtapos sa pagsasalita ay rinig na sa lahat ang malakas na boses ni Avhi. Agad namang napabaling ang lahat sakanya nang putulin nito ang sasabihin ko and even Mrs. Salabsab gaped at her situation as she showed a pitiful state.
"S-Sinaktan po ako ni Xandra..." Patuloy niya at ngumiwi pa sa sakit kuno. Her expression from before totally did a 360 and now she looked like she was ready to cry while pointing fingers at me. Talagang itinodo niya ang kaawa-awang kalagayan niya sa harap ni Mrs. Salabsab.
Mas lalong tumalim ang titig ng Guidance Counselor sa akin at namumula ang mukhang pinagkatitigan ako. "Mrs. Mendoza..."
"Bigla nalang po niya akong sinugod kahit wala naman akong ginagawang masama sakanya. I was just sitting down when she approached me and started shouting nonsense. It was horrible!" Sumbong nito at may paawa effect pang ngumawa sa harap ng lahat.
Putangina, at hindi pa talaga siya tapos? This bitch is a seasoned liar. Just how far would she go on narrating things that didn't even happen?
Hindi ako makapaniwala sa narinig at pasimpleng tiningnan ang mga kaklase sa paligid, baka sakaling may maglakas-loob na pipiliing maging witness at sabihin kung ano talaga ang nangyari. But waiting for someone to speak up and catch her from her own lies is like waiting for a miracle to happen. Nakalimutan ko 'atang walang gustong kumontra at bumangga sa walang kwentang babaeng 'to.
Everybody here is a coward.
"Is it true?" Mariing tanong ng ginang at hindi pa rin tinatanggal ang matatalim na titig mula sa'kin. She pointed at Avhi who still acted so pitiful in front of everyone while whining stupidly. "Totoo bang ikaw ang nauna at sinugod mo nalang si Avhianna bigla?"
Avhianna? Wow, first-name basis towards a student?
Kitang-kita ko ang maliit na ngisi ng babaeng espasol nang balingan ko ito ng tingin. Hindi maipagkakailang nagpapanggap lang talaga ito pero dahil halatang mas pinapaboran siya ng ginang ay mas maniniwala talaga ito sakanya kaysa sa'kin. Walang kwenta ang pag- aarte ng babaeng 'to that it was so pathetic to see. But who cares?
Mas pipiliin ng mga kagaya ni Mrs. Salabsab ang magbulag-bulagan at hayaang magpaka-alipin sa kasinungalingan.
I stared at the Guidance Counselor in the eyes. Walang ekspresyon ang mukha ko nang salubungin ang maririin nitong titig. "Kapag sinabi ko po bang hindi totoong sinugod ko siya ay maniniwala po ba kayo?" Balik- tanong ko rito.
Hindi agad ito nakasagot. Kumukurap-kurap lamang ang mga mata na tila nag-iisip ng kung anong sasabihin at nang makabawi ay nanlalaki ang mga matang pinagsisigawan ako. "Ayusin mo ang sagot mo, Ms. Mendoza! I am not playing around in here!" She frustratedly shouted.
Fuck! And I'm not playing around either!
Anong saysay ba ng pagsasabi ko ng totoo kung sigurado naman akong hindi ako papaniwalaan? Ubos na ubos na ang pasensya ko sa lahat ng nangyayari sa araw na 'to.
"Sabihin ko man ang totoo, I'm sure you still won't believe me," I am not admitting to that stupid lie of hers. Never. Hinding-hindi ko ibibigay ang gusto ng babaeng espasol na 'yun. At hindi porke't nananahimik lang ako dito ay hahayaan ko lang siya sa gusto niya. "Sa walang kwentang pagda-drama pa lang ni Avhianna ay paniwalang- paniwala ka na, pa'no pa kaya sa pagsisinungaling niya? My words wouldn't matter to you anymore."

BINABASA MO ANG
Arielle and Eclipse
Ficción GeneralArisxandra, a cold woman striving to find her concealed identity. Eclipse, a group of young men set on a mission to find their lost heiress. All were on a quest on finding something yet there's no assurance that either of them would succeed. Would t...