4

931 55 0
                                    

4


"What's the matter?" 'Di napigilang tanong ko nang makita ang reaksyon ng dalawa nang sabihin ni Jin na may rason din siya.

Bigla namang napataas ang kilay ko nang makita ang pinanggagawa ng dalawa kay Jin. Hinatak nila ito mula sa pagkakaupo sa sofa at pagkatapos ay dinala sa isang sulok. Nag- uusap usap silang tatlo habang pasulyap- sulyap naman si Kean sakin habang may sinasabi kay Jin. Mukhang nagtatalo 'yung tatlo.

Nakakunot- noo lang si Jin habang nakikinig sa pinagsasabi ng dalawa sa kanya. Ano naman kayang pinag- uusapan nila at kailangan pa talagang hindi iparinig sa'kin?

Mga traydor na kaibigan. Kainis 'to.

Ilang minuto lang ay bumalik na sila sa kinauupuan nila kanina. Walang- emosyon ang pagmumukha nina Jin at Cj habang nakangisi lang si Kean.

"Ano bang pinag- usapan ninyong tatlo at kailangan niyo pa talaga akong iwan dito?" Irita kong sabi at isa- isa silang tiningnan. Agad naman din nilang tinuro si Kean na nagpapainosente pa.

"Anong ako?" Tanong pa nito.

"Baluga! Sapukin kita d'yan, eh!" Sigaw ni Cj sakanya.

"Xander..."

Napabaling ang tingin ko kay Jin na seryosong nakatingin sakin. Ba't sobrang seryoso nito? Kanina lang bangag na bangag siya, ah.

"Why?" Tanong ko sakanya.

"Ano bang rason mo at parang hindi ka kumbinsido sa sinabi nina Kean at Cj?" Takang tanong niya habang nakatitig pa rin sakin.

Napatigil naman sa pagkukulitan ang dalawa at sabay na tiningnan ng masama si Jin. Nag- uusap sila pero gamit ang mga mata. Binalewala lang 'yun ni Jin atsaka ay hinarap ako para marinig ang sagot ko.

"Simple. Their reasons are so lame." Tipid na sagot ko at humalukipkip.

'San ba patutungo 'tong pagtatanong niya? Naiinip na talaga ako. Kailangan ko nang marinig ang side niya. Sa tingin ko ay iniikot- ikot lang ako ng mga 'to kaya hindi na nila ako idinidiretso sa totoong rason.

"What's lame with those?" Singit pa ni Cj.

So, kailangan ko pa talagang i- explain 'yun, noh? Para namang interested sila. Tss.

Pero wala na din akong choice since mukhang seryoso din naman sila.

"You may have a point with your sides pero pakiramdam ko, kulang pa 'yun. And, that doesn't mean, nakumbinsi niyo na ako. First, oo, totoong hindi pa ako nakakamove- on sa mga nangyayari pero hindi sapat na dahilan 'yun para tumuntong ako ulit dun. I can just visit it whenever I want to just to make sure na wala na akong nararamdamang kung anong sakit kapag pumupunta ako sa SHU. In short, going back is not a solution." Sabi ko habang pinagmasdan ang reaksyon ng tatlo.

"Second, 'yung tungkol sa mga nabubuong grupo ng mga gang sa SHU, madali lang lutasin 'yun. They are teens like us at may kalayaan din sila. They can build any group they want from their circle of friends whenever they want to. Hindi na'tin sila mapipigilan dun. And, the fact na sinabi mong baka ay babanggain nila kayo o tayo balang araw is not a big problem at all. Alam nilang sa oras na ginawa nila 'yun, masisira lahat ang pinaghirapan nila sa SHU. Masisira ang reputasyon nila at pati na din sa mga pamilya nila. Before they entered in that damn school, they signed and agreed in the terms and conditions. Kasalanan na nila 'yun kung bakit hindi nila 'yun binasa. I can always kick and expel them from that school and possibly will not be accepted in any schools kapag gumawa sila ng hindi kaaya-aya sa SHU. It depends kung gaano kalala ang ginawa nila. And about that conclusion na baka ay paraan nila 'yun para balang araw ay bigla kayong atakihin, well, I have trust in my members. At hindi naman kayo bakla para hindi lumaban ng kayo- kayo lang. Isa pa, alam nilang nasa puder ko kayo at lahat ng mga estudyanteng nasa SHU kaya aware din silang hindi nila pwedeng galawin ang sinuman sa lugar na 'yun unless it's ME who told them to do so. Lastly, wala silang rason para gawin ang lahat ng bagay na nabanggit ko because we treated them well. All of the facilities are in our school. Kumpleto at walang sira. We treated them well so expected that they'll also treat us well. They are not juvenile to do such foolishness and leave on that wonderful school. Lahat ng kailangan nila, nandun na. So why bother?" Mataas na pahayag ko habang isa- isa silang tiningnan.

Arielle and EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon