PROLOGUE

6.4K 81 6
                                    

‘’Wala na dapat makaalam ng lagusan na ito Gideon, ano mang mangyari pagkaingatan mo ang susi.’’

‘’Pero mahal ko ang lagusan na ito lamang ang tanging daan ko sa inyong mag ina’’

‘’Alam ko mahal, pero ito rin ang wawasak sa balanse ng ating mga daigdig, balang araw magkakasama rin tayo . Kunin mo ang anak natin at alagaan mo siyang mabuti’’

‘’Hindi mo ba siya isasama sa inyo mahal ko? Kailangan ka ng anak natin, ikaw ang Ina.’’

‘’Mapanganib na manatili ang anak ntn dito mahal ko, siya lamang ang tangi kong tagapag mana at balang araw siya rin ang magbabalik ng balanse sa mga nasirang pagkakaunawaan sa pagitan ng bawat angkan at lahi dito sa Netopia. Sa pagdating ng tamang panahon, at sa tamang oras muli tayong mabubuo bilang isang pamilya. Humayo na kayo mahal ko, paparating na sila kailangan ko ng isarado ang portal na ito, mahal na mahal ko kayo ng ating anak.’’

‘’Sumama ka na samin mahal ko, pls wag mo kaming iwan.’’ Pagsumama ni Gideon sa asawa, ngunit dahan dahan na nawawala ang portal na lagusan sa pagitan ng mundo ng mga tao at ang mundo ng NETOPIA. 

‘’Paalam mahal ko, aking Cassiopea magpakatatag ka mahal na mahal ko kayo ng iyong ama.’’


Hi, ako nga pala si Cass, hmmm wala naman ako masyadong ma kwento as buhay ko aside sa isa lang akong typical na teen ager. My Papa is a geologist , my Mama nmn died nung bata pa ako so thts why im a DADDY’S GIRL. Oh well my life is so boring , u know walang thrill saka adventure. BF? Nah the last time na nagka bf me he just broke my heart so now im a man hater hehe. My life started to change nung 18th birthday ko and this is the beginning of my adventure.

‘’Ate, gising na po pinapatawag na po kayo ni Sir sa baba.’’

‘’(yawn) Yaya, nmn eh aga2 pa pakisabi nmn kay Papa na maya nalang me sasabay as dinner kumain antok pa ako eh pls’’

‘’Anong maya na? Pagalit na wika ni Gideon as kanyang spoiled na anak.

‘’ Papa!’’ pagulat na tugon ni Cass

‘’Hindi mo na ba ako mahal anak kaya ayaw mo na akong kasabay kumain?’’ Sabay puppy eyes ng kanyang cute na ama. Kahit na nasa 40’s na ito ay walang kupas parin ang kagwpuhan at kakisigan ng kanyang ama na para bang di ito tumanda.

‘’Papa nmn ofcourse I love u,’’ sabay lapit at halik as pisingi ng ama.

‘’Then bakit ayaw akong samahan ng aking magandang anak? Sabay taas ng kilay at yakap sa unica hija.

‘’Eh, inaantok pa ako eh hayz kapagod kaya mag aral noh? pero total ginising mo na rin ako sasabay na ako sa pagkain hehe ‘’

‘’Ay sus busy as pag aaral o pag facebook? Oh siya bumaba na tayo at kumain at kailangan ay maaga tayo umalis baka gabihin tayo as biyahe.

‘’ Ok Papa, ung pupuntahan natin dun ba nakalibing si Mama? First time ko mapuntahan ung puntod na un ni Mama di nmn kasi natin dinadalaw nun eh im so excited na’’

Isang malungkot na mukha ang maaninag ni Cass sa kanyang ama. Alam nito kung gaano nito kamahal ang kanyang ina kahit wala na si Leona ay wala na itong inibig pang babae maliban as kanyang Mama.

‘’Papa wag na malungkot alam ko na kung nasan man si Mama shes watching over us.’’
‘’I know she will anak, I just so miss her so much. Lalo ko siyang naalala pag nakikita kta.’’
‘’ Papa I miss her too , sana kahit papano may alaala me sa kanya but its ok andyan ka nmn eh love you Papa.’’ Sabay yakap sa ama ng mahigpit.
‘’ Oh siya tama na ang drama at baka mahuli tayo sa flight and its your birthday tomorrow , aww my little girl is now a lady huhu.’’ Pakunwaring iiyak na siya nmn ikinatuwa ni Cass
‘’ Hahaha Papa ang cute mo po talaga ur the best Kalog Papa sa buong universe hahaha’’sabay tawa ng mag ama.


Nung araw na iyon masaya kami ni Papa na papunta sa province nila ni Mama. May bahay bakasyunan kmi sa Siquijor, hehe di kami lahing mang kukulam o mambabarang ah. It just happen na taga dun ang parents ko. Siquijor is called LA ISLA DE FUEGO or CITY OF FIRE nung panahon ng mga kastila before dahil sa mga kapag gabi para itong nagliliwanag sa dilim sa dami ng alitaptap. Sabi din nila na ito ay dahil sa mga espiritu at dark and white magic na nakapalibot sa isla. Maraming psychics and pumupunta dun para sa mga paranormal activities. Actually di ako naniniwala sa mga ganung bagay, pero nag iba ung pananaw ko the moment na umapak ako sa islang iyon I dnt knw parang may welcoming force na kahali halina sa pakiramdam.

‘’Wow, ang ganda naman dito Papa, malapit pala tong bahay natin sa beach tpos white sands pa ang ganda ng scenery.’’ 

‘’Well I hope u enjoy ur stay in here anak, though mag ingat ka dahil sa ganda ng lugar na ito ay maraming mapanganib na mga bagay na nakapalibot dit. Be cautious sa pamamasyal ok?.’’ Bilin ng ama sa kanyang anak.
‘’Si Papa nmn tinatakot ako haha, well ksama ko naman si Yaya Celly kaya don’t worry ok?.’’

‘’Just be careful lang ok? Saka don’t go near that shrine sa may east side ng gubat ng mag isa. And by the way here wear this , it will protect u from entities na naninirahan sa lugar na ito.’’

‘’ Ay sir may engkanto po ba ito?’’ tanong ng katulong nila na si Celly.

‘’ Engkanto, laman lupa, at kung ano ano pa pero di nmn sila mananakit kung di mo sila gagambalain kaya mag ingat kayo lalo ka na Cass. Huwag kang sasama o makikipag usap basta basta kung kanino ok?.’’

‘’Hay naku si Papa, mapamahiin pero ok il be careful. Ang ganda nmn! Balahibo ng pakpak ba to ng ibon papa?.’’

Nagbago ang anyo ng mukha ni Gideon hindi na ito nagsalita pa at umalis ito at tumungo sa kanyang silid.

‘’I think kay Mama to noh Yaya, nakita mo nagbago ung mukha ni Papa after ko tanungin about dito sa kwintas hayz namimiss niya talaga si Mama.’’

‘’ Ganun talaga pag mahal mo ang isang tao, ang swerte ni Maam dahil mahal na mahal siya ni Sir kahit wala na siya dito.’’

‘’ Hay oh well ,buti pa Yaya samahan mo ako sa beach gusto ko maligo eh .’’

‘’Oh siya sige magdadala narin ako ng makakain natin.’’

Sa loob ng silid, hawak ni Gideon ang litrato ng kanyang asawa na si Leona.

‘’Mahal ko ito na ba ang tamang panahon para malaman ni Cass kung ano tunay niyang pagkatao. Hindi ko alam kung ano ang nakatadhana sa kanya, ipagkakatiwala ko sa iyo at sa tadhana ang kapalaran ng anak natin. Naway gabayan mo ang ating anak ngaung nasa panganib at pasan niya ang malaking responsibilidad na kanyang haharapin.’’

Habang hawak niya ang litrato ng kanyang asawa isang malakas na hangin at biglang pumasok sa bintana at pumaikot sa kanya.

‘’Panahon na mahal ko.’’isang pamilyar na tinig ang maririnig kasabay ng malakas ng ihip ng hangin.

‘’ Anong dapat kong gawin mahal ko?’’

Sa isang iglap biglang naglaho si Gideon at maiiwan sa kama ang isang liham at isang susi na korteng tatsulok. Sa pagkawala ni Gideon ay magsisimula ang panibagong buhay na haharapin ng ating bida si Cass. 

ANG LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon