CHAPTER 18

1.3K 25 1
                                    

Agad nagpaaalam si Cass at Vladimir kay Tandang Mawi at sa anak nitong si Frank dahil nakaramdam na ng pagkahilo at skit ng ulo ang dalaga mula sa malansang amoy at nakakadireng mga naagnas naka katawan ng tao.

''Matanong ko nga kayo muna Tandang Mawi, ano bang dahilan ang nagkalat ang mga bangkay sa bahay ninyo.'' tanong ng nagtatakang si Cass


''Hahaha alam kong itatanong mo yan mahal na prinsesa, ang mga katawang ito ng tao ay nakolekta namn mula sa gubat. Ang balak ko sana ay muli silang buhayin upang magkaroon ng panbagong buhay dito sa Netopia tutal di rin nmn matatahimik ang kanilang mga naliligaw na kaluluwa.'' paliwanag ni Tandang Mawi


''Ah ganun pala, hayz kawawa nmn ang mga taong napadpad dito wala silang tinatawag na REST IN PEACE dahil wala silang huling hantungan sa buhay. Anyways salamat po ng marami sa mga impormasyon niyo Tandang Mawi medyo sumakit ulo ko sa kakaisip kung ano ang dpt kng gwin.'' tugon ni Cass


''Basta tandaan mo lang mahal na prinsesa, sundin mo ang iyong puso at ito ang magdidigta sa iyong dapat isipin. Mag iingat ka at huwag kang magtitiwala kahit kanino, nagagalak ako at nawala ang gayuma na ibngay sayo ng mga mangkukulam ng ikay papunta pa lamang dito.'' tugon ng matanda


''Gayuma? anong ibig mong sabihin Tandang Mawi.'' tanong ng prinsesa


''Nung ikaw ay malapitan ng halimaw na INCUBUS ay nilagyan ka ng gayuma na magpapaibig sa iyo sa unang lalakeng iyong makikita. Ngunit dahil sa malakas mong paninindgan ay nagawa mong mapalaya ang iyong sarili at lumayo sa mga tukso na magtatanggal sana ng awa mo sa mga mortal na tao.'' paliwanag ni Tandang Mawi.


Napaisip si Cass sa sinabi ng matanda, iyon pala ang dahilan bakit nahalina at naakit siya kanila Vladimir, Apolo at Mushka doon sa mansyon ng bampira.


''Lagi kitang susubaybayan mahal na prinsesa, basta magtiwala ka sa iyong puso at lahat ng bagay ay iyong makakayanan.'' tugon ng matandan


''Salamat Tandang Mawi, sana magkita ulit tayo.'' tugon ng prinsesa


Muling nagbagong anyo si Cass at Vladimir upang lumipad pababa ng napakataas na puno ng Sycamore. Habang kanyang pinapagaspas ang kanyang mga pakpak ay kanyang naisip ang mga nalaman nito kay Tandang Mawi tungkol sa kanyang kapalaran.Ilang saglit pa ay narating nanila ang pinaka baba ng puno at agad niyang hinanap ang dyos na si Apolo.

''Sashka asan si Apolo? '' tanong ni Cass sa dalaga


''Siyay kinuha ng kanyang kapatid na si Athena upang dahil sa kanilang kaharian ng sa gayoy mapa galing ang kanyang mga natamong sugat'' tugon ni Sashka


''Malayo ba ang kaharian nila Apolo? gusto ko sana siya bisitahin bago tayo magtungo sa Netopia. Kailangan ko rin kasi mag isip ng mabuti kung ano ang dpt koing gawin sa aking misyon.'' wika ng dalaga


''Mabuti ang iyong naisip Cass, makakapag relax ka sa kaharian ng mga dyos sa Netopia lalo pat puno ito ng mga hotspring at mga magagandang tanawin.'' wika ni Mushka


Agad ikinatuwa ni Sashka ang suggestion na iyon ni Cass dahil muli niyang makikita ang kanyang iniibig na si Apolo. Sobrang nag alala ito sa kalagayn ng binata at gustong gusto niyang malaman kng ano na ang naging kalagayan nito.


''Kung gnon tayo na at maglakbay at mas mabuti kung sumakay ka sa likod ni Mushka upang mapabilis ang ating pagtungo sa kaharian ni Apolo.'' wika ni Vladimir


Sumang ayon nmn si Cass sa gusto ng bamprang si Vladimir at dahan dahan siyang isinakay ng binata sa likod ng taong lobong si Mushka.


Samantala sa kaharian ng mga dyos ng Netopia makikita si Apolo na ginagamit ng dyos na si Asclepius ang dyos ng pang gagamot at ng medisina . Unti unting naghihilom ang mga sugat ng kanyang amang si Apolo mula sa asawang si Coronis na napatay nito nung ito ay magtaksil sa asawa. Nakatakda na sanang masunog ang kanyang ina noong ito ay nagdadalang tao kay Asclepius ng ito ay mailigtas ni Apolo sa pmamagitan ng pag hiwa sa tyan ng kanyang asawa at pagkuha sa kanilang anak mula sa paraan ng kanyang pagsilang ay ipinangalan si Asclepius dito.

ANG LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon