FINALE

1.9K 41 17
                                    

Sa kanyang pagbabagong anyo taglay ng prinsesa ng Ionia ang isang bagong kapangyarihan at kakayahan na magbbgay ng pag asa sa sangkatauhan. Balot ng ginto at tansong baluti, mga pakpak na nagliliyab ng apoy, isang espadang gawa sa diamante at isang natatanging kapangyarihan may kakayahang tawagin ang hukbo ng mga anghel sa langit. Maski siya mismo ay di makapaniwala sa bagong tuklas niyang kapangyarihan , pagkatpos niyang magbagong anyo ay dahan dahan siyang lumipad pababa sa kinaroroonan ni Mushka at agad na hinagkan ang walang buhay na katawan ng binata.


‘’Mushka’’ tanging nasambit ng dalaga habang pinagmamasdan ang maamong mukha ng binata habang dumadaloy sa kanyang mga mata ang luha.

‘’Hindi ko man lang nasuklian ang pagmamahal na inalay mo para skin……huhuhu. Ang daya daya mo…….bakit mo ko iniwan?... Mahal na mahal kita alam mo ba?.... Im so sorry…. Kasalanan ko kung bakit nawala ka……. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa nangyari sayo……ipapangako ko……ipaghihiganti kita……I love u so much Mushka’’ pag tangis ni Cass habang niyayakap ng mahigpit ang binata sabay hawak sa pisngi nito at pagdampi ng kanyang labi sa labi ng mga binata. Isang matamis at makabuluhang halik ang huling pamamalaam ni Cassiopea sa taong lobong nag alay ng kanyang buhay para lamang sa minamahal nitong dalaga.

‘’Humanda ka sakin Beel zebub, hinding hindi ko hahayaan na magtagumpay kayo sa inyong plano.’’ Wika ng galit na glit na si Cassiopea na agad lumipad pataas ng Ionia at wasiwas ng kanyang mga kamay na nagbgay ng napakalakas na kulog at kidlat sa buong lupain ng Netopia.

‘’Hindi to maari!’’ nangngarag na nasambit ni Beel zebub na abala sa pagpaslang sa mga taong dragon na pumapatay sa mga diablong paakyat sa lagusan ng mga mortal.


Ang lahat ay nagimbal at nagulat ng Makita ang isang bagong anyo na si Cassiopea na lumilipad sa taas ng nakalutang na Ionia. Namangha at nabuhayan ng pag asa ang mga konseho ng Netopia mula sa kanilang duguang pakikipaglaban sa mga heneral ng Diablo na unang nakalabas sa lagusan na pinagkulungan nito sa impyerno.

‘’Ako si Prinsesa Cassiopea ang itinakdang susi ng mga Lagusan at ngaun ang siyang lulupil sa kampon ng kasamaan. Mga kapanalig ko manampalataya tayo ipagtanggol natin ang mundo ng mga tao. Mga kapwa ko Ionia tulungan ang hukbo ng Netopia patayin ang lahat ng Diablo at malign na gusting lumupil sa lahi ng mga tao! Laban!’’ sigaw ni Cassiopea na buong pagmamalaki na ipinakilala ang sarili sa lahat ng nilalang ng Netopia.

Ang lahat ng kapanalig ng kabutihan ay nagsigawan at nagdiwang ng marinig ang boses ng kanilang tagapagligtas. Ang kaninang natatalong hukbo ay nabigyan ng karagdagang lakas na siyang ikinabahala ng mga kampon ng kadiliman.

‘’Mahal na Beel zebub nasan na ang haring Lucifer? Unti unti ng natatalo an gating hukbo!’’ wika ng nababahalang si Balaam.

Bago pa man magsalita ang prinsipe ng kadiliman ay biglang tinamaan siya ng nagaalab ng apoy na nagmumula sa death reaper na si Cassiopea. Malubha ang natamo nitong sugat at ganun na lamang ang kanyang gulat na siya lamang ang nakaligtas sa atakeng iyon na ginawa ng prinsesa dahil ang lahat ng diablong nakapaligid sa knya at nangalusaw sa kapangyarihan ng dalaga.

‘’Sumuko ka na Beel zebub, bumalik ka na sampu ng iyong mga tauhan sa impyerno kasama ang diablong mong ama.’’ Wika ni Cassiopea na nagsisimulang iwasiwas ang kanyang espada para atakihin ang prinsipe ng kadiliman.

‘’Nagkaroon ka lang ng bagong kapangyarihan naging mataas na ang tingin mo sa iyong sarili mahal na prinsesa.’’ Wika ni Beel zebub na agad inilabas ang espadang kulay itim at sabay tawag sa heneral na si Leviathan na nagbagong anyo at naging isang napakalaking ahas na mas malaki pa sa lahat ng halimaw at nilalang sa mundo ng Netopia.

‘’Oh well what do I expect duh make sure na matatalo mo ako dahil ako sureness ako na pupugutan kita ng ulo.’’ Wika ng dalaga na agad sinugod ang prinsipe ngunit agad nahawakan ng buntot ng ahas na siyang nagbgay ng pagkakataon na atakihin ni Beel zebu bang dalaga.

ANG LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon