CHAPTER 14

1.2K 24 0
                                    

Biglang nailang si Cass pagkatpos ang isang mainit na paghahalikan nila ni Mushka. Hindi na niya nagawang tumingin pa sa binata at pinilit na ibaling ang kanyang pag iisip kung pano niya magagawa ng maayos ang nakatadhana sa kanyang tungkulin.


''Hoooo, hoooo.'' sigaw ni Vladimir sa mga kabayo upang ito ay tumigil.

''Ano problema Vladimir?'' tanong ni Sashka sa bampira.

''Mabuti pa magpahinga muna tayo at ipagpabukas ang paglalakbay patungo kay Tandang Mawi, mapanganib na para sa prinsesa lalo pat sa dilim lumalakas ang kampon ng mga demonyo.'' paliwanag ni Vladimir.

Agad naman sumang ayon si Sashka sa ideya ni Vladimir at agad niya itong ipinagbgay alam sa mga kasama. Bumaba mula sa karwahe sila Cass at Mushka kung saan ay nag hanap sila ng magandang pwesto na pwede nilang pansamantalang tulugan.

''Hindi dba natutulog ang mga bampira.'' tanong ni Cass kay Vladimir habang nilalatag nito ang higaan ng dalaga.

''Hmmm kung ikaw ang makakatabi ko sa unang pagkakataon makakatulog ako.'' pambobola ni Vladimir sabay kindat sa dalaga.

''Hay naku paniki ka tigilan mo nga si Cass, kung ako sayo gawa ka ng pick up line gaya nung kay Bob Ong.'' tugon ni Sashka

''Bong Ong? at sino naman yang tunog insik tokwa nayan?'' tanong ni Vladimir.

''Hahaha naku nakalimutan ko nga pala, taga europe nga pala ang lahi mo hay naker wag mo ng alamin.'' sagot ng natatawang si Sashka.

''Asan si Mushka? bat di natin siya kasama.'' tanong ng naghahanap na si Cass.

''Kumuha siguro na makakain at pang gatong natin mahal na prinsesa.'' tugon ni Apolo.

''Ah gnun ba?'' tugon ng walang ka buhay buhay na si Cass.

''Cass ok kalang ba? kanina ko pa kasi pansin wala ka sa sarili mo.? tanong ni Sashka sa dalaga.

''Ah ako hihi ok lang ako, cguro napagod lang ako sa byahe.'' tugon ng dalaga.

''Bakit di ka na magpahinga, hinanda na ni Vladimir ung matutulugan mo prinsesa.'' wika ni Apolo.

''Sige guys matutulog lang muna ako ha, magpahinga na rin kayo ok.? paanyaya ng dalaga sa mga kasama.

''Were going to be fine Cass sleep ka na ok?'' tugon ni Sashka

Isang malamig at nakakahalinang musika ang pinatugtog ni Apolo gamit ang kanyang plauta upang mapadali ang pag tulog ng dalaga hindi rin nagtagal ang dumating si Mushka na may mga dala dalang sorpresa para sa mahimbing na natutulog na si Cassiopea.

''Ano yang dala mo kuya.'' tanong ni Sashka

''Mga kasama, kahapon ay kaarawan ng ating prinsesa, gusto ko sana sa kanyang pag gising ay bigyan ntin siya ng sorpresa.'' suhestyon ni Mushka sa kanyang mga kasama.

Ang lahat ay sumang ayon sa plano ni Mushka, alam nila ang hirap na pinag daanan nito mula ng makarating ng Netopia at dahil dito ay nakaligtaan na niyang magsaya at sariwain maski ang kaarawan niya.

Isang malamig na hangin ang nagpagising sa natutulog na si Cassiopea. Sa pagmulat ng kanyang mga mata makikita ang mumunting ilaw na nagmumula sa mga alitaptap na naglipana sa buong paligid. Agad niyang hinanap ang kanyang mga kasama ngunit ni anino ay di niya makita. Agad niya itong ikinalungkot at ikinabahala dahil pakiramdam niya ay nagsawa na ito sa pagbabantay at pag aalaga sa kanya. Mula sa dilim ay lumitaw ang isang kabayo na may sungay sa noo at pakpak. Laking mangha ni Cassiopea sa nakita, hindi siya makapaniwala na makakakita siya ng isang napakagandang Unicorn.

''Nagustuha mo ba mahal na prinsesa.'' sabay litaw ni Apolo mula sa kanyang likuran.

''Oh my God! anong meron, ano to.'' tugon ng namamanghang si Cass

ANG LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon