CHAPTER 15

1.2K 18 0
                                    

sang napakagandang palasyo ang bumungad sa namamanghang si Cassiopea. Agad siyang binati ng Haring Odin at ang kanyang angkan ng ito ay humarap sa bulwagan.

''Maligayang pagdating mahal na prinsesa, ikinararangal namn na kayo ay mapadpad at magpalipas ng araw sa aming abang kaharian.''pagbati ng hari.


''Marami pong salamat sa mainit ninyong pagbati.'' tugon ni Cassiopea


'' Ako nga pala si Haring Odin ang namumuno sa Kaharian ng Yelo, maaring narinig mo na ang aking pangalan sa mundo ng mga mortal.'' wika ng hari.


''OMG di nga? kaw po si Odin? ung tatay ni Thor na nagbgay nung martilyo ng kidlat?alam niyo po ba na sikat na sikat kayo sa mundo nmn '' tugon ng namamanghang si Cass.


''Hahaha ganun ba mahal na prinsesa, abat akoy nalulugod kung ganun hahahaha.'' masayang tugon ng hari.


''Mahal na hari maaring nagugutom napo ang prinsesa at napagod sa kanilang paglalakbay.'' wika ni Yuki 


''Abay oo nga naman, ipaghanda ng makakain ang prinsesa at ang kanyang kasama.'' utos ng hari sa kanyang nasasakupan.

Isang masaganang handa ang inalay ng hari kay Cass at sa kanyang mga kasama. Puno ng prutas, karne at alak ang hapag kainan na siya namang ikinalugod ng dalaga. Lalo pang ginanahan ang prinsesa sa kanyang pagkain sa pag aaliw ng mga mananayaw at mga taga pag aliw ng palasyo. Nang matapos silang kumain ay isa isang inihatid ni Yuki si Cass at ang kanyang mga kasama sa kani kanilang silid.

''Wow napakaganda nmn ng silid nato Yuki.'' wika ni Cass pagkahatid sa kanya ni Yuki sa kanyang silid.


''Nalulugod akong marinig na nasiyahan ang prinsesa sa kanyang pagtuloy dito sa aming kaharian.'' tugon ni Yuki


''Yuki pwede ba akong magtanong sayo.'' wika ni Cass


''Magtanong lamang kayo mahal na prinsesa.''magiliw na tugon ni Yuki.


''Ano ang dahilan ng iyong pagtira dito at papano ka napadpad sa lugar na ito.'' tanong ni Cass


Sa mga sandaling iyon ay nag bago ang masayang mukha ni Yuki at itoy biglang nalungkot at napaupo sa gilid ng kama na hinihigaan ni Cass.


''Isa akong dalagang naninirahan sa bundok ng Mumashi kung saan nakatira ang aking pamilya. Isang araw ay isang demonyo ang sa akin ay nagdala dito sa mundo ng Netopia. Ng nasa kalagitnaan kami ng aming paglalakbay patungo sa lugar ng demonyong ito ay sinalakay kmi ng mga tao mula sa kaharian ng Demacia at akoy napadpad sa kaharian ng mga yelo. Dala ng lamig,gutom at mga sugat na aking natamo pumanaw ang aking katawang tao at naligaw ang aking kaluluwa sa kagubatan ng kahariang ito. Nakita ng Haring Odin ang aking katawan at hinanap ang akin kaluluwa, at ibinalik ang aking buhay na nasayang at nawala. Akoy kanyang hinatid sa mundo ng mga mortal upang ibalik sa aking pamilya ngunit sinabhan ako na may katumbas na sumpa ang aking muling pagkabuhay. Ng akoy makarating samin ay nalaman kong matagal ng panahon ang lumipas at matagal ng pumanaw ang aking mga magulang.Nang ako ay mapadpad sa kabundukan upang doon ay nanirahan ay biglang nanghina ang aking katawan. Sa aking panghihina isang taong naliligaw ang sakin ay tumulong ngunit sa di ko malamang dahilan ay napatay ko ito at nakain. Ito marahil ay ang sumpa ng aking pagbabalik sa mundo ng mga mortal. Marami narin akong naging biktima sa aking paglalagi sa mundo ng mga mortal kasama na dito ang ama ng aking asawa.''sabay hinto sa pagkwekwento at pahid sa kanyang luha.


''Ibig mong sabihin nagkapamilya ka pa sa mundo ng mga tao? at saka bakit walang death reaper ang sumundo sa kaluluwa mo?'' tanong ng dalaga.


''Ang bawat tao na napapadpad at namamatay sa mundo na ito ay hindi na kailanman masusunod ng Anghel ng kamatayan dahil ang kanilng kaluluwa ay naisumpa na rin tulad ng mga nilalang na nakakulong dito. Tama ka nagkaroon ako ng pamilya ngunit dahil din skn ay namatay sila kayat minabuti kong bumalik dito sa Netopia.''malungkot ng tugon ni Yuki.

ANG LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon