CHAPTER 16

1.2K 23 0
                                    

Tahimik na naglakbay si Cass at ang kanyang mga kasama patungo sa kinaroroonan ni Tandang Mawi. Hindi niya magawang kausapin ang mga kasama nito dahil narin sa mga naganap sa pagitan nila ni Vladimir. Samantala si Apolo na nasa taas ng karwahe ay nakatitig sa malayo na para bang malalim ang iniisip. Agan nmn itong napansin ni Sashka na sa mga oras na iyon ay kasama ni Apolo na nagbabantay sa kaligtasan ng prinsesa. 

''Apolo ok ka lang ba?'' tanong ng nababahalang si Sashka


Napalingon ang binata kay Saska ng mabasag nito ang kanyang pag mumuni muni, kita sa mata ng binata ang lungkot na nadarama nito.

'' Ano masasabi mo tungkol sa mahal na prinsesa?'' tanong ni Apolo sa dalaga.

'' Hmmm bukod sa napakaganda ay hanga ako sa tatag ng kaniyang loob at angking katapangan. Batid nating lahat kung ano gaano kbgat ang kanyang dinadalang responsibilidad. Sana ay malagpasan niya ang mga ito, napakalaking bagay ang nakataya sa kanyang muling pagbabalik dito sa Netopia.'' tugon ni Sashka sa binata.


Napatingin sa kakahuyan si Apolo, tama si Sashla napakalaki ng responsibilidad na dinadala ng dalaga at sa mga oras na iyon ay kailangan niyang maituon ang kanyang pag iisip sa mga bagay na dpt unahin kesa ang pagibig.


''Apolo maari ba akong magtanong sayo?'' tanong ni Sashka


''Oo nmn Sashka , ano ba iyon?'' tugon ng binata

''May pag tangi ka ba sating mahal na prinsesa.'' wika ng dalaga


Nagulat ang binata sa tanong na iyon ni Sashka, hindi niya ito matingnan ng deresto dahil nahihiya siya na sabihin nito sa dalaga ang nararamdaman niya kay Cassiopea.


'' Sa tingin mo ba kung meron ay maari din siyang umibig skn?'' tanong ni Apolo

Agad nalungkot si Sashka sa tanong iyon ni Mushka, tama ang kanyang hinala, may gusto nga ang binata sa prinsesa. Nasaktan ito ng bahagya dahil lihim itong umiibig kay Apolo simula pa noong una nilang pagkikita sa Kaharian ng mga Engkanto. 


''Bkit hindi? Napaka kisig at napakgandang lalake mo, kahit sinong babae ay mapapaibig sa isang dyos na tulad mo bukod pa ito sa mgagandang musika na pinapatugtog mo.


Napangiti ang dyos ng musika sa sinabing iyon ni Sashka, kahit papaano ay gumaan ang loob nito sa mga sinabi ng dalaga.


'' Hmmm ikaw Sashka? mayroon ka na bang tinatangi sa iyong puso.'' tanong ni Apolo na nagpamula sa mukha ng dalaga dahil itoy nakatitig sa kanya ng deretso na siyang dahilan ng mabilis na pagtakbo ng kanyang puso.


''Ako? ah? meron nmn kaso di ko alam kung magkakagusto siya sa tulad kong taong lobo.'' tugon ng dalaga.


'' Bakit hindi mo sabihin sa taong iyon ang iyong nararamdaman? isa kang magandang babae at kahit isa kang taong lobo nakakasigurado ako na kaya ka niyang mahalin dahil na rin sa iyong mabuting katangian.'' tugon ng binata na siyang lalong ikinakilig at ikinatuwa ng dalaga.


''Siguro sa tamang panahon ay masasabi ko rin sa kanya ang aking nararamdaman, pero sa ngaun ang aking misyon muna ang dapat kong atupagin. Kailangan ako ng prinsesa at walang lugar ang pagibig sa mga sitwasyong dpt suungin ng mahal na prinsesa.'' wika ng dalaga na agad nmn sinang ayunan ni Apolo.


''Tama ka Sashka, walang lugar ang pag ibig sa mga oras na ito. Maraming salamat sa iyong pagdamay aking kaibgan, lugod kong ikinangangaral na makilala ka Sashka.'' malambing na wika ng binata na sa kanya ay umiibig.


''Naku wala iyon ikaw talaga basta kung kailangan mo ng makakausap andito lang ako para sayo.'' magiliw na tugon ng dalaga na nagpangiti sa binata.

ANG LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon