CHAPTER TEN

1.3K 26 1
                                    

Tandang Mawi, isang dating tao na naghangad ng kapangyarihan upang mabuhay ang minamahal na asawa. Siya ay isang pantas na nag aaral tungkol sa sinaunang sibilisasyon at ang mundong tinatawag na Netopia. Dahil sa kasawian ay tinawag ni Mawi ang kapangyarihan ng demonyo upang mabuhay ang kanyang asawa. Ito ang dahilan kung bakit tinawag din siyang Necromancer,tao na gumagamit ng isang uri ng mahikang tumatawag at nakikipag communicate sa mga patay at kaluluwa. Ngunit sa kasawaiang palad, tanging ang katawan lamang ang naibalik sa buhay ni Mawi pagkat ang kaluluwa ng kanyang asawa ay naihatid na sa huling hantungan nito walang iba kungdi ang langit. Dahil sa pagkasawi ay gumawa ng hakbang si Mawi upang marating ang kinaroonan ng kanyang asawa. Kung ano anong mahika at espiritu ang kanyang tinawag hanggang sa humantong siya sa pagbubukas ng portal patungong Netopia. Ngunit ang pagbubukas ng portal na iyon ang naging dahilan ng kaguluhan sa kanyang panahon dahil sa kanyang mahika ay nagsipag buhay ang mga patay sa kanilang lugar at dahil sa kapangahasang ito ay kinulong siya ng ANGHEL GABRIEL sa Netopia at mula noon ay dun na siya tumira at kailan man ay di na nakabalik pa sa mundo ng mga mortal.


'' Mushka, hindi ba nasabi mo na ang mga kaluluwa ng tao ay may kanya kanyang hantungan pag ito ay namatay.'' tanong ni Cass kay Mushka.

''Oo tama ka lahat ng kaluluwa ay may hantungan ito ay mapa langit o impyerno.''tugon ni Mawi.

''Kung ganon ano pala yung mga kaluluwang ligaw, u know mga white lady?''wika ni Cass.

''Bawat tao ay naglalabas ng enerhiya na siya namang kumakalat sa kapligiran na kanyang tinitirhan o kinaroroonan. Ito ay pwedeng negativo o positbong enerhiya na nagmumula sa kanyang emosyon. May mga nangamatay na hanggang kamatayan dala niya ang matinding emosyon na ito, at madalas ang mga ito ay negatibo tulad ng glit, lungkot at pighati. Ang mga nakikitang multo ay hindi mga kaluluwa, sila ay mga mahihinang demonyo na kumakain ng enerhiya ng isang kaluluwang namatay na puno ng ngatibong enerhiya na siyang nag mamanifest sa anyo ng taong namatay.Maaring mag magnifest ang negatibong enerhiya sa anyo o bagay na naiwan ng taong namatay.''paliwanag ni Mushka

''Ah gnun pala so ung mga manifestation o tinatawag na multo pwede rin bang manakit ng tao? saka pano ung na poposses?.'' muling tanong ni Cassiopea

''Kapag malakas ang negatibong enerhiya na nailabas ng taong nasawi at napakain ng husto ang mga mahihinang demonyo na nagkalat sa mundo ng mga tao ay nagkakaroon sila ng kapangyarihan upang macontrol ang mga bagay at makapanakit. Sa kaso nmn ng mga sinasapian, madalas ito ang mga demonyong habang buhay pa ang tao ay kumakain na ito ng enerhiya na nang gagaling sa taong punong puno ng negatibong enerhiya sa katawan. Ang taong may malakas na negatibong enerhiya ang nag aakit sa mga demonyo na kainin at agawin ang katawang lupa ng tao kaya minsan ay nagkakaroong ng pagsapi.Ngunit maagapan ito kung ang taon iyon ay makakakita ng paraan upang labanan o palakasin ang kanyang pananaw o emosyon sa buhay. '' muling paliwanag ni Mushka

''Saka di basta basta nakakapasok ang demonyo sa katawan ng tao, dahil bawat tao ay may nakatalagang anghel na siyang pumoprotekta sa kaluluwa at katawan nito, maliban na lamang kung ang katawan at kaluluwa ay nakatakdang subukan o mamatay.'' paliwanag ni Apollo

'' What do u mean by nakatakdang mamatay o subukan? Hindi ko kasi maintidhan kung ano ang timeline ng buhay ng tao.'' muling tanong ng naguguluhang si Cass

''Ang bawat tao ay ipinanganak na may tadhana, lahat ng bagay na ginawa ng diyos ay nakaplano, hindi ko alam kung pano niya nagagawang maging balanse ang mga bagay pero bawat bagay masama man o mabuti ay may nakaakbang mga pagsubok at tadhana na nakalaan sa kaniya. Sa mga mortal bawat kamatayan ay may kapanganakan at bawat kapanganakan ay may kamatayan, ang pag ikot ng buhay ng tao lahat ito ay nakatakda na. Hindi nagbbgay ng pagsubok ang MAY LIKHA na di nalalagpasan ng tao dahil laging may nakagabay sa kanya dito maliban na lamang kung ang tao mismo ang umiwas at piliin ang mas maikiling solusyong sa kanyang pagsubok un ay ang kamatayan.''paliwanag ni Apollo 

Bago pa man sang ayunan ni Cass ang mga paliwanag ni Apollo ay bigla ito nakaramdam ng matinding sakit sa likod at sa noo.

''Ouch, aray aray ang sakit araw!!!.''sigaw ni Cass

''Kuya anong nangyayari sa kanya?''tanong ni Sashka

''Maaring ito na ang panahon ng kanyang pagbabagong anyo.''tugon ni Vladimir

''Araaaaaaaaay!! tulungan niyo ako! Ang sakit, pls make it go away aray!''

Itutuloy.....

ANG LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon