CHAPTER 17

1.2K 18 0
                                    

Hawak ang kamay ni Apolo ay pinagmamasdan ni Sashka ang binata habang itoy mahimbing na natutulog. Ilang saglit pa ay biglang dumating ang isang napakagandang babae na kabilang sa lhing pinagmulan ng binata. Ito ay walang iba kungdi si Athena ang dyosa na pakikidigma at karunungan. Agad niyang nakita ang kapatid na duguan at walang malay habang nasa kandungan ng taong lobo na si Sashka.

''Narito ako upang kunin ang aking kapatid, nabatid agad ng aking amang si Zeus ang mga naganap sa kanya at dahil sa kanyang natamong pinasala ay kailngan ko siyang ibalik agad sa aming kaharian.'' wika ng dyosa


Ayaw sana pumayag ni Sashka na ibigay ang lalaking iniibig sa kanyang kapatid ngunit wala din siyang magagawa sa mga oras na iyon dahil may misyon din siyang dpt unahin.

''Mabuti pa nga at ng mabigyang lunas ang kanyang malalim na sugat. Naway maalagaan niyo siyang mabuti at pakisabi sa pagbabalik ng kanyang malay tao na kami na ang bahala sa mahal na prinsesa Casiopea.'' malungkot na tugon ni Sashka


Agad isinakay sa kabayong may pakpak na nagngangalang Pegasus si Apolo sabay lipad nito kasama ang kanyang kapatid na si Athena habang naiwan si Sashka na malungkot at nag iisa.


Samantala sa taas ng puno ng Sycamore kung saan lumilipad pataas si Cass at Vladimir ay bigla itong dinagit ng isang halimaw na may katawan ng leon at ulo ng agila ngunit may mukha ng isang babae. Sa sinaunang Griyego tinatawag itong Sphinx ngunit sa ibang bersyon ng sinaunang Egypt ay ito ay may katwan ng leon at ulo ng pusa na may mukha ng babae o lalake. Dali daling sinundan ni Vladimir ang halimaw na pataas sa isang puno kung saan tanaw ang isang napakalaking pugad ng isang ibon. Agad bumaba ang halimaw sa pugad na iyon at nagakmang ito ay kaininng dumating ang isa pang kapwa halimaw na pumigil sa ksama nito.


''Huwag!'' sigaw ng lalakeng Sphinx ng makita nito ang asawa na akmang kakainin ang mahal na prinsesa.


''Ngunit mahal ko bakit?'' naguguluhang tanong ng babaeng Sphinx


''Hindi mo ba alam na ang anghel na yan ay walang iba kungdi ang prinsesang si Cassiopea. Kapag napahamak ang mahal na prinsesa ay magagalit at tayoy tutugisin ng lahat ng nilalang dito sa Netopia.'' paliwanag ng kanyang asawa.


Hindi na nakipagtalo ang babaeng Sphinx at padabog na umupo sa gilid ng kanilang pugad na halatang imbyerna sa pagpigil ng asawa na kainin ito.


''Patawarin mo ang kalapastanganan ng aking asawa mahal na prinsesa Casisiopea.'' pagpapaumanhin ng Sphinx


''Naku ok lang un, pero thank u ha kung di ka dumating malamang naging pagkain na ako ng asawa mo.'' pabirong tugon ni Cassiopea


''Pasalamat ka at dumating ang aking asawa dahil wala akong sinasanto at lahat ay kinakain ko mapa anghel man o prinsesa.'' masungit na tugon ng Sphinx na agad nmng sinaway ng kanyang asawa.

Napangiti na lamang si Cassiopea sa mag asawang Sphinx ng ito ay nagtalo tungkol sa pagiging pagkain ng mahal na prinsesa. Pinag masdan niya ang buong paligid ng pugad at pumunta sa pinaka gilid ng pugad sabay tanaw sa buong kapaligiran ng Netopia.


''Napakgnda ngunit napanganib na lugar. Nakakaakit ang buong paligid ng mundong ito ngunit sa kabila ng ganda nakatago ang mga lagim na magdudulot ng kapahamakan sa bawat taong papasok dto.'' wika nito sa sarili

''Mahal na prinsesa ok k lang ba?'' sigaw ni Vladimir na pawisang tumalon pataas ng pugad na kinaroroonan ng prinsesa.

Akmang sasalakay sana ang babaeng Sphinx ng bigla itong pigilan ng kanyang asawa. 


''Mahal na prinsesa ok ka lang?'' tanong ng nag aalalang si Vladimir


''Ah ako? ok lang muntik lang nmn ako makain kanina hehe.'' pabirong tugon ni Cass sa bampira.

ANG LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon