CHAPTER FOUR

1.7K 27 0
                                    

Sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, nakatayo sa harap ng puno ng balete si Mushka at Cassiopea, naghihintay sa pagbukas ng portal patungo sa daigdig ng Netopia. Nang maaninag na ang buwan at tumama sa gitnang bahagi ng puno ay makikita ang isang sinaunang kasulatan na biglang nagliwanag at nagbukas sa portal papasok sa isang lagusan. Isang madilim na lagusan ang bumungad kay Cass papasok sa loob kaya gnun na lamang ang kanyang pangamba, napansin ito ni Mushka sabay hawak sa kamay ng dalaga. Alam ni Mushka ang takot na nanaig sa dalaga, at alam din nia ang panganib na kanilang susuungin ngunit sa pagkakataong ito ay kailangan niyang maging panatag para sa misyon ni Cass. Mga ilang sandali pa ay naaninag na nila ang liwanag. Ganun na lamang ang pagkamangha niya ng Makita ang kabuuan ng Netopia mula sa isang burol kung san sila lumabas. 


Isang daigdig na puno ng magagandang halaman at bulaklak. Mga dramatic scenery and view na tanging sa pelikula mo lang makikita. May napansin na kakaibang burol si Cass na para bang buhay na gumagalaw ito habang tinitingnan ng maigi.

‘’Isa yang halimaw.’’ Paliwanag ni Mushka

‘’Halimaw? Anong ibig mong sabihin?

‘’ Sa mundo ng mga tao tinatawag yang GODS MOUTH, isa yang burol na may kweba at sino mang pumasok dito at makakain ng buhay.’’

‘’Reall? Nakakatakot naman pala yan grabe.’’ Sambit ng pagkamangha ni Cass.

‘’Mabuti pa humayo na tayo.’’ At biglang nagbagong anyo si Mushka ito ay naging isang malaking lobo, mas malaki pa sa dati nitong anyo na tila ba kasing laki ng kabayo.

‘’Ito ay isa ko pang anyo, mapapadali nito ang paglalakbay natn , mabuti pa sumakay ka sa likod ko kailangan natin maghanap ng masisilungan bago pa man tayo madatnan ng mga manananggal.’’

‘’Huwat manananggal? Teka lang.’’

Dali daling sumakay sa likod ni Mushka si Cass di na siya nagtanong sa pangamba na bka dumating ang mga manananggal. Mabilis ang takbo ni Mushka parang gusto na niyang sumuka dahil sa sobrang bilis nto pero dapat siyang kumapit ng maige baka kung san siya pulutin pag nahulog siya sa likod nto.

Sa wakas ay nakarating na rin sila sa isang kakaibang puno na napapalibutan ng mga napakaraming ugat. Lumapit si Mushka at hinila ang isa sa mga ugat at laking mangha ni Cass ng biglang nagbukas ang katawan ng puno. D na nag atubili pa ay pumasok na ang 2, sa loob ay makikita ang ibat ibang klase ng engkanto. Mga lambana, diwata,dwende at engkanto na nagkakasiyahan ang ang bumungad kay Cass.

‘’My God, sa mga libro ko lang to nakikita ang gaganda nila.’’ Manghang nasabi ni Cass.

Isang babaeng mhaba ang buhok na nakaputi ang lumapit kay Cass at binate ito sa pamamagitan ng halik sa pisngi.

‘’Maligayang Pagbabalik mahal na prinsesa Cassiopea, malugod kami at mapalad na Makita at makilala ka.’’ Tugon ng babaeng engkanto.

Sari saring mga engkanto ang nagsilapitan dito at nagbgay ng papuri at pag galang kay Cass. May nag alay ng mga bulaklak at may nag alay ng pagkain dito. Tuwang tuwa at manghang mangha si Cass habang pinapanood ang mga engkanto. Ang mga lambana na maliit na nilalang na may pakpak ay nagsasayawan habang lumilipad palibot sa kanya. Mga Diwata na may pakpak katulad ng lambana ngunit kasing laki ng tao ang nag aalay sa kanya ng pagkain. At ang mga engkanto na parang tao rin ngunit puti o maitm ang buhok at may umiilaw na mata ang nag gabay sa kanya patungo sa isang upuan.

‘’ Salamat po sa mga pagbati niyo sakin, ngunit marami po akong katanungan na kailangan ko po ng kasagutan.’’

Tiningnan ng seryoso si Cass ng mga engkanto, isa isa silang lumayo dito at mula sa isang sulok isang matandang babae ang lumapit at tumabi sa kanya.

‘’Prinsesa Cassiopea, alam mo ba ang kahihinatnan ng iyong pagbabalik sa mundo ng Netopia.’’ Tanong ng matandang engkantada.

Sa isang sulok makikita si Mushka na nakatingin ng masama sa isang partikular na engkantanda, sa labas ng puno sa lagusan paloob sa kaharian ng mga engkanto maririnig ang isang alululong ng aso.

ITUTULOY……………..

ANG LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon