CHAPTER 23

1.2K 13 0
                                    

’Hindi ka ba masaya na muli mong makakasama ang iyong pamilya mahal na prinsesa Cassiopea.’’ Wika ng prinsipe ng kadiliman na si Beel zebub.


Hindi makapag salita si Cass sa sobrang pagkagulat ng Makita niya ang kanyang ina na si Reyna Leona. Lumapit si Leona at lumuluhang niyakap ang anak na kanyang kinasabikan dahil sa matagal nitong pagkakawalay sa kanyang piling. Dahan dahan umangat ang mga kamay ng dalaga at pinakiramdaman ang taong yumayakap sa kanya. 

‘’Ito ba ang tunay kong ina? Bkit ganito pakiramdam ko? Bakit di ako Masaya na Makita siya’’ wika ni Cassiopea sa sarili.

Nang kumalas sa pagkakayakap si Leona ay agad niyang hinagilap ang mukha ng kaisa isang anak. Hindi siya makapaniwala na sa wakas ay mabubuo na ang pamilyang nawalay sa kanya ng matagal na panahon.


Ngiti lamang ang itinugon ng dalaga sa kanyang ina habang hawak ang kanyang kamay at gabay sa kanya patungo sa loob ng palasyo kung saan naroroon ang kanyang ama. Mga kapwa niya death reaper ang sumalubong sa kanya ng itoy makapasok sa palasyo na makikita ang bahid ng lungkot sa kanilang mga mata. Pinagmasdan niya ang bawat haligi at paligid ng palasyo ng Ionia at hinanap ang kasiyahan sa kanyang puso ngunit tila lungkot at pagkasawi ang kanyang naramdaman sa mga oras na iyon.

‘’Cass anak ko’’ wika ng amang si Gideon na butot balat nakahiga sa kama

‘’Papa, papa ko huhuhu.’’ Wika ni Cass sabay takbo at yakap sa ama na sobrang niyang pinanabikan.

‘’Hindi ka na dapat pumunta dito, patawad baby di kita nagawang protektahan im so sorry.’’ Wika ni Gideon sa anak na lumuluha habang siyay kausap.

‘’Anong ginawa niyo kay Papa?’’ wika ni Cass na tumingin kay Leona at kay Beel zebub ng matalim na ikinasakit ng damdamin ng Reyna

‘’Walang ginawang masama ang iyong ina Cassiopea, ang tanging kasalanan niya lamang ay ang umibig sa isang mortal na itinakda ng mamatay na siyang lubos na pinagbabawal sa batas ng mga death reaper na tulad mo. Ang pagsuway na iyan ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ang iyong ama, hindi kaya ng kanyang mortal na katawan na ang tanging bumubuhay lamang ay dahil sa aking kapangyarihan ang pananatili nitong buhay at unti unti naagnas at nasisira sa pagtagal ng panahon.’’ Paliwanag ng Diablo.

‘’Anak, ilang taon kung tiniis na malayo sa inyong mag ama dahil sa aking pagkakakulong dito sa Ionia at ngaun na tayoy muling nagkita at nakasama ayoko ng muli tayong magkahiwalay. Buksan mo ang Lagusan Cassiopea at hindi na mahihirapan ang iyong ama,nangako sa akin si prinsipe beel zebub na pananatilihin nitong buhay ang katawang tao ng iyong ama.’’ Wika ni Leona sa anak nitong si Cassiopea

‘’Maari ho bang iwanan niyo muna kami ni Papa, wag niyo akong madaliin sa mga desisyon ko hayaan mo akong makasama ng sarilinan ang ama ko.’’ Mapait na sagot ni Cassiopea sa kanyang ina.

Nirespeto ng Diablo at ni Leona ang kahilingan ni Cassiopea na iwanan sila ng kanyang ama at hayaang magusap ng sarilinan. Buong pagmamahal na niyakap ng dalaga ang kanyang ama at halik sa noo nito habang nakatingin sa kumukulubot at naagnas na mukha ni Gideon.

‘’Anak huwag mo akong alalahanin,isipin mo ang kapakanan ng nakakarami. Makinig ka Cassiopea gusto ko ng magpahinga parusa sakin ang pananatiling buhay sa mundong ito, panatag akong lilisan na alam ko na nakagawa ka ng tama sa buhay mo. Mahal na mahal kita anak kayo ng mama mo at isang karangalan sa akin na iaalay ang buhay ko para sa mundo ng mga tao.’’ Wika ni Gideon sa anak na lumuluha sa kanyang tabi

Samantala nalaman na ng hari ng konseho ang muling pagbabalik ni Cassiopea sa mundo ng mga mortal dahil sa pagdating ni Mushka sa labas ng kaharian ng Ionia na siyang nagbalita sa konseho ng mga naganap sa dalaga.

ANG LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon