CHAPTER FIVE

1.7K 29 0
                                    

‘’Prinsesa Cassiopea ang pagbabalik mo sa Netopia ay isang pagbubunyi ng bawat nilalang dito sa aming daigdig, ngunit ito rin ay ang simula ng panganib sa mundo ng mga tao.’’ Pagbabanta ng matandang engkantanda.


‘’Ano pong ibig niyong sabihin? Hindi ko maintindhan anong kinalaman ng aking pagbabalik sa banta ng panganib sa mundo ng mga tao.?’’

‘’ Maaring may nabanggit na sa iyo ang iyong kaibgang si Mushka sa iyong pagkatao,tama ba ako mahal na prinsesa?.’’ Tanong ng matandang engkantada

‘’ Opo nabanggit na po sakin ni Mushka na ako ay isang kalahating ANGHEL NG KAMATAYAN, ang d ko maintindihan yung huli niyong sinabi?.’’ Naguguluhang tanong ni Cass.

‘’ Ang pagbabalik mo at ang pagpapalaya sa iyong mga kalahi ay may nalaang kapalit. Ang mga Ionian ay nakakulong sa pagitan ng pananggalang ng mga tao at mundo ng mga tao. Ikaw ang susi sa pagpapalaya sa iyong lahi ngunit ito rin ang daan para masira ang pananggalang na pumupoprekta sa mga tao. Lahat ng mga nilalang na kinulong sa daigdig na ito ay Malaya ng makakapasok sa daigdig ng mga tao. Kaya mo bang pasanin ang ganito kalaking responsibilidad?.’’

Nagulat si Cass sa kanyang narinig, hindi siya makapaniwala sa kanyang natuklasan. Parang gusto niyang magising sa bangungot , ano ba ang kasalanan nia at bakit kailangan niya pasanin ang ganitong kalaking responsibilidad. Umiling iling siya, lumingon sa paligid at pinagmasdan ang buong kapaligiran.

‘’Mahal na prinsesa kaming mga engkanto ay di na naghahangad pang sirain ang balanse na ginawa ng May likha,namuhay kami ng payapa sa mundong aming kinagisnan. Ang tangi ko lamang payo sa iyo ay pag isipan mong mabuti kung ano ang dapat mong piliin. Ito ba ay kapakanan mo na makasama ang iyong pamilya o kapakanan ng sangkatauhan.’’

Habang nag iisip si Cass sa kanyang mga nalaman, sa isang sulok makikitang lumalapit si Mushka sa isang engkantada.

‘’Kung ano man ang binabalak mo huwag mo ng ituloy, hayaan mo ang prinsesa ang mag desisyong ng kung ano ang tama at mali.’’wika ni Mushka sa nilapitang engkantada

‘’Matapat ka talagang alagad Mushka, ngunit naninigurado lang ang Panginoong Rammus sa kinahihinatnan ng pagbabalik ng mahal na prinsesa. ‘’ tugon ng engkantada.

‘’Kung ganun sabihin mo as panginoon mo na hayaan na ang prinsesa ang magpasya dahil kung ito ay inyong gagambalain ako ang inyong makakatunggali.’’ Pagbabanta ni Mushka

‘’Mushka’’ isang pagtawag gling kay Cass ang pumukaw ng kanilang atensyon.

Nilapitan ni Cass si Mushka at bigla itong niyakap ng napakahigpit.

‘’Mushka d ko na alam anong gagawin ko,bakit ito ang naging kapalaran ko, its so unfair.’’ Hagulhol ng kawawang si Cass.

‘’Mahal na prinsesa tahan na, magpakatatag ka ano man ang mangyari manalig ka sa iyong sarili. Andito lang ako para sayo.’’ Kalmang sagot ni Mushka

Lubos na kinalungkot ni Cass ang mga rebelasyong nalaman sa kanyang pagkatao at pagbabalik na siya naming ikinahina ng kanyang pangangatawan at biglang pagkawala ng kanyang ulirat.

‘’Mahal na prinsesa, mahal na prinsesa.’’ Wika ni Mushka.
‘’Mahal kong anak, tulungan mo kami ng iyong ama’’ isang tinig na pamilya ang pumukaw sa natutulog na si Cass.

‘’Mama, Papa? San na kayo? Please don’t leave me?.’’pagsusumamo ng dalaga sa kanyang panaginip ngunit biglang naglaho ang mga boses dahil siya nagising sa mga halakhak ng mga lambana.

‘’Panaginip lang pala.’’ Wika nito as kanyang sarili.

‘’Nagising na pala kayo mahal na prinsesa.’’ 

Isang lalake ang nakatayo sa isang sulok ng silid ngunit ito ay hindi si Mushka.

‘’Nagagalak akong Makita ang aking magandang mapapangasawa.’’ Sabay ngiti ng misteryosong lalake.

‘’Sino ka? At anong mapapangasawa? Tanong ni Cass sa lalake.

‘’Pasencia na di pa pala ako nagpapakilala sayo, ako si Vladimir mula sa lahi ng mga bampira. Ako ay ikaw ay itinakda para sa isat isa andito ako upang gabayan ka patungo sa aking palasyo upang dun makapag pahinga. ‘’ pa anyaya ni Vladimir sa dalaga.

‘’Woah! Wait a second, I cant marry you! Ni d nga kita kilala, saka no way mag aasawa ko ng isang blood sucker na tulad mo. Ewe mahiya ka sa sarili mo.’’

‘’Hahaha nakakatuwa ka naman pala, akala ko isa ka sa mga babaeng medaling mahumaling sa mga matipunong lalake na tulad ko.’’

Pinagmasdang mabuti ni Cassiopea si Vladimir, tama siya isa nga siya matipuno at napaka gwpong lalake. Matangkad, maputi,kulay pula ang buhok at mata matangos ang ilong at napaka kisig na lalake.

‘’ Not bad for an arrogant guy’’ wika nito sa sarili.

‘’Prinsesa Cassiopea ok k lang ba?’’ biglang pasok ni Mushka tangan ang isang baso ng tubig.

‘’Cass nalang Mushka, dnt call me princess ok? No more formality pwede?.’’

‘’Ah ok cge hehe medyo nahihirapan narin ako sa mga pormalidad na itetch hahaha.’’pabirong tugon ni Mushka.

‘’Aba kaloka ka ha marunong ka rin pala ng gay lingo, I love it.’’ Sabay tawa ni Cass na siya naming ikinatuwa ni Mushka. Sa loob niya ay masaya siya na kahit papano ay napangiti niya si Cass sa biro niyang iyon alam nia madami na itong napag daanang hirap simula ng dumating ito sa Netopia.

Itutuloy..

ANG LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon