CHAPTER 22

1.3K 17 0
                                    

Lumipas ang dalawampung minute ay di parin nagpapakita si Mushka na agad ikinabahala ni Cassiopea na matiyagang naghihintay ng nakahubad sa isang puno kung saan siya nagkukubli. Maya maya pa ay nagdilim ang langit na senyales ng paparating na ulan na lalo niyang pinag alala. Isang malakas na kulog at kidlat ang maririnig kasabay ng napakalakas na ulan at parang basing sisiw si Cassiopea na naghahanap ng masisilungan dahil narin sa lamig na nadarama niya sa kanyang walang saplot na katawan. Unti unti siyang nakaramdam ng awa at pangamba na baka iniwan na siya ng kanyang kaibgang si Mushka. Hindi niya napigilang lumuha dahil narin sa patong patong niyang problema at naransanan sa buhay dahil na rin sa pagiging susi sa LAGUSAN ng Netopia.Nawawalan na siya ng pag asa at napatingin sa langit na kasabay niyang lumuluha mula sa karimlan ng mga maiitim na ulap.



‘’Cass! Cass!’’ sigaw ni Mushka na pumukaw at nagbgay ng pag asa sa dalagang napupuno ng kalungkutan. Hindi na niya namalayan ang kahubaran ng kanyang katawan at patakbong pinuntahan si Mushka sabay yakap sa binata ng napakahigpit. Ramdam ni Mushka ang mga hikbi ng dalaga, at dahandahan hinimas ang buhok ng dalaga na nakayuko sa kanyang mga balikat samantalang ang isa nmn nitong kamay ay nakayakap sa likod nito ng mahigpit. Unti unting kumalas mula sa pagkakayakap si Cass at napatingin sa mukha ng maamong kaibgan.

‘’Please don’t leave me alone,.’’ Lumuluhang wika ng dalaga na nagpakirot sa puso ng lalaking umiibig sa kanya. Niyakap ng napakahigpit ni Mushka ang dalaga at sa mga sandaling iyon ang tanging nasa isip ng binata na kahit anong mangyari ay di niya hahayaang may manakit sa babaeng lubos niya minamahal.

‘’I wont leave u Cass, kahit anong mangyari andito ako para sayo.’’ Wika ng binata sa dalagang si Cassiopea sabay tabon ng kumot sa hubad na katawan ng dalaga at buhat nito patungo sa isang lugar na pwede nilang masilungan. 


Ang buong hukbo ng mga hari ng Netopia ay nakaabang sa paligid ng kaharian ng Ionia. Mula sa loob ng palasyo nakita ito ng ina ni Cassiopea na si Leona na siyang REYNA ng IONIA sa mga oras na iyon. Hindi niya inaasahan na magiging ganun ang mga mangyayari sa kaniyang minahamahal na kaharian at sa kanyang pamilya. Nilibot ng kanyang paningin ang lahat ng kanyang sinasakupan at napansin ang isang batang death reaper na nagsasanay lumipad kasama ang kanyang mga magulang. Isang patak ng luha ang dumaloy sa pisngi ng Reyna at agad itong pumasok sa loob ng kanyang silid kung saan makikita ang kanyang asawang si Gideon na nakaratay sa kama at malubha ang karamdaman. Lingid sa kaalaman ni Cassiopea, ang kanyang ama ay may malubhang sakit na cancer na matagal na nitong iniinda. Lubos na ikinalungkot ni Leona ng Makita mula sa salamin na portal kung saan maari niyang Makita mula rito ang nagging buhay ng kanyang pamilya habang siya ay nakakulong sa Ionia at malayo sa kanyang pamilya. Kung tutuusin ay dapat matagal ng pumanaw si Gideon ngunit dahil sa pakikipag sabwatan ni Leona sa prinsipe ng mga demonyo ay nagawa nitong pahabain ang buhay ng asawa hanggang sa lumaki ang kanilang anak na si Cassiopea. Dahil sa kasunduan niya sa demonyong si Beel zebub ay napakalaki ang kanyang utang dito at ang kabayaran ay ang pagbabalik ni Cassiopea sa Netopia na siyang magiging daan sa pagbubukas ng Lagusan na magdurugtong sa dalawang mundo.

‘’Tandaan mo Leona na nakasalalay ang buhay ng asawa mong si Gideon sa aking mga kamay. Wala naming masama kung makakauwi si Cassiopea ditto sa Netopia at muli kayo magkakasama. Makakaasa ka na walang mangyayaring masama sa inyo at sa iyong kaharian oras na makalaya ang aking amang si Lucifer. Tandaan mo na ang nagkulong sayo ay ang tinuturing niyong tagapag likha, hindi niya naintindhan ang pagiibigan niyo ni Gideon na siyang dahilan kung bakit kayo nagdurusa. Sa pamamagitan ng aking amang si Lucifer mabibigyan kayo ng kalayaan na mabuhay ng payapa at magkakasama. Ibalik mo ang iyong anak sa Ionia at lahat ng inaasam nio na kalayaan ay iyong makukuha.’’wika ni Beel zebub sa ina ni Cassipea at Reyna ng Ionia na si Leona.

‘’Makakaasa ka kamahalaan, muli kong ibabalik ang aking anak sa Ionia.’’ Wika ni Leona sa prinsipe ng kadiliman.

‘’Mahal ko wag mo akong intindihin, hayaan mo na akong mamatay wag mong hayaan na mawasak ng kadiliman ang kabutihan sa iyong puso. Nagmamakaawa ako sayo Leona wag mong idamay si Cassiopea ditto, maawa ka sa mundo ng mga tao.’’nagsusumamong wika ni Gideon sa asawa.

‘’Eh ako Gideon? Hindi ka ba naawa sakin? Ilang taon akong nakakulong na malayo sa inyo ng anak natin. Masama bang kahit minsan man lamang maranasan ko na tayong maging kumpleto?aanhin ko ang kaligayahan ng iba kung ang sarili kong kaligayahan at sarili kong pamilya di ko kayang pangalagaan. Kahit di ako ang magbalik kay Cassiopea ditto sa Netopia may mga tauhan si Beel zebub na pwede niyang utusan na lalo pang ikapahamak ng ating anak. Hindi ko kaya na mawala ka sakin Gideon, sinuong ko lahat, sinuway ko pati ang batas ng langit makasama lang ang tanging lalaking inibig ko sa buong buhay ko. Wag mo naman ipagkait sakn un mahal ko, gusto pa kitang maksama ng matagal at kung maari magpakailanman.’’ Wika ni Leona habang lumuluhang nakahawak ang kamay sa minamahal na asawa.

Wala ng magagawa pa si Gideon, naiintindihan niya ang kanyang asawa. Matagal na nawalay sa kanyang piling ang iniibig at ang pangungulila sa nag iisang anak kayat di niya itong magawang pigilan sa mga balak nito na makalaya sa kulungan.Ang tanging magagawa lamang niya ang manalig sa kabutihan ng kanyang anak na si Cassiopea na gawin ang tama na nararapat sa lahat. Mula sa bintana natatanaw ni Gideon ang bughaw na langit ng Netopia, taimtim siyang nanalangin sa May likha na patnubayan nawa niya ang kanyang anak sa mga pagsubok na susuugin nito sa buhay bilang death reaper at taong mortal.


‘’Kung ganun nakabalik na pala si Cassiopea sa mundo ng mga mortal.’’ Wika ni Zeus ng malaman nito mula sa knyang tauhan na nakabalik na ang prinsesa sa mundo ng mga tao

‘’Ama gusto kong sundan sila Musha at Cassiopea, may kutob akong papasundan din ito ng mga tauhan ni Beelzebub at gagawa ng paraan na maibalik ditto ang prinsesa. ‘’wika ni Vladimir kay Count Dracula na kanyang ama

‘’Mabuti pa ang iyong naisip, mas mabuti kung mag sama ka ng isa pang tauhan upang lalong mapangalagaan ang prinsesa sa mundo ng mga mortal. Kami ng mga hari ng Netopia ang siyang magbabantay sa Ionia at sisiguraduhin naming na hindi kailanman makakapasok ang prinsesa sakaling maibalik siya ditto ng mga kampon ng demonyo.’’wika ni Dracula sa kaisa isa nitong anak na si Vladimi

‘’Sasama ako kay Vladimir, kaya kong pangalagaan ang prinsesa at alam ko kailangan din niya ng kaibgan na makakaramay sa mga oras na ito.’’ Wika ni Apolo na agad sinang ayunan ng lahat.


‘’Siguraduhin niyo na kahit anong mangyari ay wag hahayaang makabalik ang prinsesa ditto sa Netopia, at kung sakali man ay makuha siya ng mga kampon ni Beel ze bub agad niyo itong ipaalam samin.’’ Wika ni Zeus sa dalawang lalaki ng malapit sa dalagang si Cassiopea

Sa isang yungib kung saan matatagpuan si Cass at Mushka nakabaluktot na nakahiga si Cassiopea sa isang tabi na ginaw na ginaw at mataas ang lagnat. Alam ni Mushka na kahit baliktarin man ang mundo si Cass ay isa paring tao at hindi immune sa mga sakit at sugat kahit isa pa man syang death reaper. Kumuha siya ng ilang mga dahon na herbal at ipinatong ito sa ulo ng dalaga sa pagbabasakali na maibsan ang init na nararamdaman ng dalaga dahil sa mataas na lagnat. Napag pasiyahan na rin niya na magbagong anyo sa pagiging lobo upang matabihan ang dalaga at ng itoy mainitan na agad naman ikinagaan ng pakiramdam ng prinsesa. Agad na nakahinga ng maluwag si Mushka ng Makita na komportable ang dalaga sa pagkakahimlay nito sa kanyang mabalihibong dibdib at agad kinakitaan ng paggaling. Pinagmasdan niya ito at dinilaan ang mala rosas na pisngi ng dalaga sabay hilig ng kanyang ulo sa tabi ng ulo ng prinsesa. Habang mahimbing na natutulog ay panganib ang nagaabang sa dawalang bida dahil sa labas ng yungib nakaabang ang dalawang tiktik at isang manananggal na naghihintay sa paglabas ng prinsesa at sa taong lobong si Mushka.



‘’Uha….uha…..uha.’’ tunog ng sanggol na maririnig sa labas ng kweba na pumukaw sa natutulog na si Cassiopea. Agad nitong napansin na siyay nakayakap sa mabalahibong dibdib na naka anyong lobo na si Mushka na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Npatingin siya sa binata at bingyan ng tapik sa tenga ang lobo at tumayo upang silipin ang narinig nitong tinig ng sanggol na umiiyak. 

Sa kanyang paglabas ng kweba ay tila nasilaw ang kanyang mga mata sa liwanag ng bilog na buwan. Hinanap niya ang iyak ng sanggol na kanyang narinig hanggang sa napako ang kanyang mga mata sa isang matandang puno ng balete na may napakaraming ugat at sanga na nakabitay sa paligid nito. Agad nilapitan ng dalaga ang puno upang Makita ng malapitan ang sanggol ng biglang may humawak sa kanyang mga braso at dali dali siyang dinala sa may bukana ng kweba.

‘’Apollo!’’ wika ng nabiglang si Cassiopea ng Makita ang kaibgang humatak sa kanya pbalik ng kweba.

‘’D ka talaga nag iingat mahal ng prinsesa ano na lamang ang gagawin mo kung wala kami ni Apolo sa tabi mo.’’ Wika ni Vladimir na biglang lumitaw sa kanilang harapan ni Apolo.

‘’At andito na pala ang buong tropa.’’ Wika ng kagigising na si Mushka na biglang nag anyong tao.
‘’ Mukhang pursigido si Beel ze bub na sundan ka at ibalik sa Netopia Cassiopea, andito kami upang pangalagaan ka at siguraduhing d mapapahamak laban sa mga kampon ng Diablo.’’ Wika ni Apolo na nakangiti sa dalaga.

Hindi magkamayaw sa tuwa ang nararamdaman ni Cassiopea na muli silang magkakasama ng kanyang mga kaibgan sa mundo ng mga tao. Halos maiyak siya sa pagmamalaskit ng mga tinuring nitong kaibgan simula ng mapunta siya sa mundo ng Netopia. Hindi na siya nakapagsalita at isa isang niyakap ang tatlong binata ng mahigpit at pagkatapos ay magalang na yumuko bilang tanda ng pasasalamat sa tatlo niyang magigiting na tagapagtanggol.

‘’Tama na ang drama mabuti pa tapusin na natin yang mga impakto sa labas.’’ Wika ni Vladimir na umiiwas na tumingin sa prinsesa na kanyang iniibig dahil na rin sa selos at kumpetensya sa mga kaibgan.

‘’Warfreak naman, minsan na nga lang makapag senti. Sige na nga paki ligpit nalang kung ano mang halimaw ang mern dyan.’’pabirong wika ng dalaga sa binata na agad lumabas upang harapin ang mga kalaban

Nag anyong taong paniki si Vladimir at lumipad sa kalangitan upang harapin ang mga manananggal na naglipana sa paligid. Sampung malalakas na mga babaeng manananggal ang isa isang sumugod kay Vladimir na kumakalmot at kumakagat sa ibat ibang parte ng katawan ng binata. Dahil sa hawak ng mga ito ang mga kamay at paa ng taong paniking si Vladimir ay napag desisyunan niyang lumipad pataas sabay pabulosok na inilipad ang mga kaaway pababa sa lupad na sanhi ng kanilang pag tilapon sa ibat ibang lugar n gubat. Isa isang hinanap ng binata ang mga aswang at sabay pinagkakagat at pinagwawatak watak ang katawan ng mga ito. Walang itinira ang binata sa mga nakalabang manananggal na agad naman niyang nagapi dahil sa taglay nitong lakas bilang isang bampira ng biglang may dumakit sa kanya na isang mandurugo, isang taong aswang na tulad sa mga mananangal ay nakakalipag na may mahabang nguso at dila at ang mga paa ay may korteng agila. Ang mga manananggal at mandurugo at karamihan ay mga kababaihan na isinumpa mula sa kanilang ninuno na pinarusahan dahil sa kanyang pagpatay sa isang bata. Ang pinagkaiba ng dalawang aswang na ito ay ang manananggal ay nahahati ang kanilang katawan at naiiwan ang parte ng pang ibabang bahagi nito sa isang lugar na ligtas sa mga tao. Sila ay mga babaeng nasa edad 19 pataas na medyo matured kesa sa mga mandurugo na tinatawag na batang manananggal na nasa edad 18-15 taong gulang. Sila ay mga kadalagahan na nagpapakita ng senyales ng pagiging aswang, sa pagdaan ng tamang panahon ay nagiging ganap na ang kanilang pagiging manananggal sa pagdating ng wastong gulang.

Samantalang si Vladimir ay abala sa pakikipag laban sa mga halimaw na lumilipad si Apolo naman ay di magkamayaw sa pakikipaglaban sa mga tiktik at sigben na nagkalat sa paligid at si Mushka naman ay sa mga malignong itim na pilit siyang hinahatak papalapit sa mga buhay na puno. 

‘’Kahit anong mangyari wag kang lalabas Cassiopea.’’ Sigaw ni Mushka na hirap na hirap sa pagkilos dahil sa pagkakagapos nito sa buhay na puno habang nilalatigo ng isang itim na engkanto.

Nagalala na nakaupo sa isang sulok si Cassiopea habang nakikiramdam sa paligid, wala pa siyang sapat na lakas upang makipag laban sa mga kampon ng kasamaan at sa mga oras na iyon ang tanging magagawa niya ang magkubli sa loob ng kweba habang hinahayaang makipag laban ang kanyang mga kaibgan.


‘’Lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo mahal na prinsesa.’’ Wika ng munting tinig na biglang narinig ni Cassiopea na pumasok sa loob ng kweba.

‘’Sino ka? Anong kailangan mo sakin?’’ wika ng dalaga

‘’ Bumalik ka na sa Netopia at palayain mo ang iyong lahi, hindi mo ba naiisip na lalo mo lang pinapahamak ang iyong mga mahal sa buhay dahil sa katigasan ng iyong ulo. Pagmasdan mo ang iyong nagdurusang ama at ang mga kaibgan mong sugatan at malubha sa labas ng kweba.’’ Wika ng tyanak na lumapit sa dalaga.


Nataranta si Cassiopea sa narinig nito mula sa tyanak at agad siyang lumabas upang Makita ang kanyang mga kaibgan na kanyang lubos na ikinagulat. Isa isang nakatali ang mga binata sa mga buhay na puno na binabantayan ng mga malign, aswang at mga Diablo na nagkalat sa buong paligid. Sugatan at malubha ang mga ito lalo na ang si Mushka na mukhang napakalaki ng sugat na natamo sa may parting dibdib na nagdulot sa kanya ng pagkawalan ng malay. Naluluhang pinagmasdan ni Cassiopea ang mga kaibgan na handing magbuwis ng buhay alang ala sa kanyang kapakanan.


‘’Mamili ka ngaun mahal na prinsesa, ang buhay mo o ang buhay ng iyong mga kasama.’’ Wika ng tyanak na kumakain ng parte ng laman ni Mushka na halos ikasuka ng dalaga.

‘’Sasama na ako sa inyo basta pakawalan niyo muna ang mga kaibgan ko. Gusto ko Makita silang ligtas bago ako umuwi ng Netopia.’’ Wika ng dalaga sa mga maligno na agad naman nilang sinunod at pinakawalan ang mga bihag nitong mga binata na walang malay at sabay iwan sa mga ito sa loob ng kweba na nilagyan ng harang upang di agad makasunod sa prinsesa.

‘’Patawad Mushka, Apolo, at Vladimir ito lang ang alam kong paraan para di na kayo nila masaktan. ‘’wika ni Cassiopea na nakasakay sa tikbalang papalayo sa kweba papasok ng lagusan pabalik ng Netopia.



’Mahal na Zeus dakilang hari ng mga Titans nabigo ang inyong anak na si Apolo at ang kanyang mga kasama na ma protektahan ang mahal na prinsesa. Muling ibinalik ng mga Diablo ang susi ditto sa Netopia at ngaun ay naghahanda ang buong hukbo ng mga demonyo at mga kapanalig nito upang mapasok ang Kaharian ng Ionia.’’ Ulat ng mensaherong agila na nagging espiya ng mga Netopian sa mundo ng mga tao.


‘’Kung ganun kailangan na ntin kumilos, paigtingin ang depensa sa palibot ng Ionia siguraduhing di makakapasok ang susi sa Lagusan. At kung mangyari man na magawang makapasok ni Cassiopea sa Ionia Athena kapatid ko gawin mo ang nararapat.’’ Wika ni Zeus

‘’Anong ibig mong sabihin mahal na haring Zeus.’’ Tanong ni Maria ang Reyna ng mga Engkanto at Diwata

‘’Kailangan may isang mag sakripisyo para sa nakakararami, hindi ko man nais na humantong sa gnitong paraan…….kailangan mamatay ng prinsesa.’’ Wika ni Zeus na ikinawindang ng konseho.


Samantala sa mundo ng mga tao kung saan nakakulong parin sa kweba ang tatlong magigiting na binata ay nagsisimulang maghilom ang mga sugat ng taong lobong si Mushka habang ang dalawa naman ay gumagawa ng paraan na masira ang harang na ginawa ng mga itim na engkanto upang d sila makalabas.

‘’Sa mga oras na ito malamang ay nasa pugad na ng mga Diablo ang mahal na prinsesa.’’ Wika ni Apolo habang sinusubukang wasakin ang barrier sa bukana ng kweba.

‘’Kailangan natin maka alis ditto bago pa man humantong sa marahas na paraan ang konseho laban sa prinsesa.’’ Wika ni Vladimir na pinagtaka ng dalawang binata

‘’Anong ibig mong sabihin Vladimir?’’ tanong ng sugatang si Mushka habang pinipilit na tumayo at tulungan ang dalawa sa pagwasak ng harang.

‘’Kung di magawang pigilan ng konseho ang prinsesa sa muling pagbabalik sa Ionia ay maaring ang tanging paraan upang di maisakatuparan ang pagpapalaya sa diablong si Lucifer ay ang kamatayan ni Cassiopea.’’ Wika ni Vladimir na ikinabigla ng dalawang binata.

‘’Hindi ko hahayaan na masaktan ng konseho ang mahal na prinsesa, kung kinakailangan ay kalabanin ko ang aking lahi gagawin ko alang alang kay Cassiopea.’’ Wika ni Apolo na may hawak na espada na biglang lumitaw sa kanyang mga palad at agad itinarak sa harang na nag dulot ng pagkabitak bitak nito.

‘’Konti pa Apolo, teka hayaan mo akong tumulong.’’ Wika ni Mushka na muling nagbagong anyo sa pagiging taong lobo at buong lakas na kinalmot ang harang.

‘’Aba malapit na mga kasama konti nalang.’’ Wika ni Vladimir na nagbagong anyo na rin sa pagiging taong paniki at buong lakas na sinuntok ang harang na nagdulot ng pagsabog ng harang at pagkawala nila sa loob ng kweba.


‘’Mabuti pa ay magmadali na tayong pumunta sa kuta ng kalaban at iligtas ang ating mahal na prinsesa.’’wika ni Mushka sa dalawang magiting na kasama.


Sa kaharian ng mga demonyo kung saan malugod na tinanggap at binati ni Beel zebu bang bagong dating na si Cassiopea sa kanyang palasyo. Kilabot at takot ang naramdaman ng dalaga ng Makita ang palasyo ng pinamumunuan ng prinsipe ng mga demonyo dahil na rin sa mga nagkalat na kalansay ng tao sa mga pader nito. Ganun na lamang ang kanyang pandidiri ng Makita din niya nakasabit ang ibat ibang tao sa tila isang stuffed toy na dekorasyon sa bawat haligi at paligid ng palasyo. Mga bata at babae karamihan ang mga naka display dito at mga laman loob ng mga mortal ang mga makikita na nakatusok sa hapag kainan na inihanda ng mga kampon ng kadiliman.

‘’Hmmm mukhang di ata nagustuhan ng mahal na prinsesa ang ambiance ng paligid ng palasyo, mabuti pa ay dalhin natin siya sa isang lugar na makakapag bgay ng panatag sa puso ng prinsesa.’’ Wika ni Beel zebub na agad hinawakan ang kamay ng prinsesa at biglang dinala siya sa isang lugar na kaaya aya at tila ba pamilyar sa dalaga.
‘’Maligayang pagbabalik mahal kong anak.’’ Wika ng isang pamilyar na boses na yumakap sa dalaga na lubos niyang ikinabigla.


‘’Mama?’’ gulat ng wika ni Cassiopea ng una nitong masilayan ang mukha ng pinakakamahal na ina.



Lumusong ang mga sirena na kapanalig ng konseho ng Netopia sa ilalim ng karagatan na malapit sa Ionia papunta sa mga tubig at ilog ng nasabing kaharian. Tahimik na nagmatyag ang mga espiya ng konseho sa paligid ng kaharian ng biglang may sumulpot sa kanilang likuran.

‘’Huli kayo!’’ wika ng mga shokoy na kapanalig ng demonyong si Beel ze bub.

‘’Huwag! Maawa kayo!.’’ Sigaw ng isang sirena habang kinakaladkad sa lupa ng isang shokoy sabay tarak ng kutsilyo nito sa dibdib ng sirena at taga sa kulay abong buntot ng dalaga.

‘’Marina tumakas ka na! dalian mo!’’ wika ni Agua habang hinaharangan ang iba pang shokoy upang makatakas ang kasamahan nitong sirenang si Agua palabas ng palasyo. Luha at pighati ang naramdaman ni Agua ng Makita niya kung pano pinaslang ng mga shokoy ang kanyang mga kasama. Dali dali siyang lumangoy pabalik ng karagatan kung saan naghihintay ang kanyang mga kasama.
‘’Magmatyag ka muna ditto Mushka, hayaan mo muna akong maglibot sa paligid ng palasyo habang si Apolo ay humihingi ng tulong sa mga kapanalig natin na malapit ditto.’’ Wika ni Vladimir na nagbagong anyo at nagging paniki

Sumang ayon naman si Mushka sa suhestyon ng binata at tahimik na nagmatyag sa isang sulok ng puno na malapit sa palasyo ng mga demonyo. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sinimulang hanapin ang amoy ng dalaga ng mapansin nito na wala roon ang hinahanap niyang prinsesa.

‘’Wala na ditto si Cassiopea, luma na ang halimuyak ng kanyang bango sa lugar na ito. Isang lugar lamang ang pwede nitong puntahan, kailangan kong magmadali bago pa man mahuli ang lahat.’’ Wika ni Mushka at nagbagong anyo at nagging taong lobo at mabilis na tumakbo papunta sa kaharian ng Ionia.

ANG LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon