CHAPTER 21

1.3K 23 1
                                    

Dumating ang mga hari at kinatawan ng bawat kaharian na kapanalig ng mga Dyos ng Netopia sa palasyo kung saan naroroo si Prinsesa Cassiopea. Ito ay sila Odin,ang Hari ng Kaharian ng Yelo,Tandang Mawi, ang tagapaglikha ng mga patay na nabuhay sa pamamagitan ng kanyang itim na mhika,Maria, ang Reyna ng mga Engkantada,Atlas mula sa kaharian ng Atlantis ang nawawalang sinaunan ngunit modernong sibilisasyon sa mundo ng mga tao,Arthagartis, Reyna ng mga sirena, shokoy at mga nilalang ng dagat,Drako,hari ng mga taong Dragon at siyang nag cocontrol sa iilang mga sinaunang dinosaurs na nabubuhay sa Netopia at ang huli ay si Garuda ang hari ng mga taong ibon at mga nilalang na lumilipad.

''Cass dumating na ang lahat ng kapanalig natin upang maghanda sa iyong muling pagbabalik sa iyong kaharian. Sa ngaun ay naguusap usap ang mga pinuno ng ibat ibang kaharian dito sa Netopia upang mapangalagaan ka at ang iyong misyon na mapalaya ang iyong lahi.''ulat ni Apolo ng itoy pumunta sa kwarto ng dalaga.

''Hay gnun ba?.''matamlay na wika ni Cass habang nakatingin sa labas ng bintana at nagiisip kung papaano niya malalampasan ang pagsubok na nakaatang sa kanya.


Hindi na inabala pa ni Apolo ang dalaga at agad umalis sa silid ng dalaga. Habang si Cass nmn ay iniisip kung papano niya magagawang maligtas ang kanyang mga magulang at maprotektahan ang lahi ng mga tao. Sa kanyang pag muni muni ay napahawak siya sa kwintas na pakpak ng balahibo ng ibon na iniwan sa knya ng amang si Gideon.


''Papa anong gagawin ko, and God i know u have a purpose why u brought me here kung ano man ang plano mo sakin then ur will be done in my life , just guide me wat to do please ?'' wika ni Cass sa kanyang sarili habang nakapikit at nanalangin sa maylikha ng lahat ng bagay.


''Cass!'' wika ni Gideon ng habang hawak ang kamay ng asawang si Leona.

''Naramdaman mo rin pala iyon mahal ko, sa ngaun alam ko kailangan tayo ng anak natin wag kang mag alala gagawa ako ng paraan upang makausap natin siya.'' tugon ni Leona sa nag aalalang asawa.

Tinitigan lang ni Gideon ang mukha ng kanyang iniibig, lingid sa kaalaman ni Leona ay gustong umalis nito upang sabihin sa anak na wag ng isa alang alang ang kapakanan nila ni Leona at hayaan na lamang sila na makulong sa Ionia upang maprotektahan ang lahi ng mga tao. Alam ni Gideon na ginawa siyang bihag ng asawa nitong si Leona upang mapilitan si Cassiopea na iligtas nito ang kanyang ama at mapalaya ang lahi ng mga Ionia. Wala ng pakialam ang asawa nitong si Leona sa kinahihinatnan ng lahi ng tao at ang sarili na lamang ang kanyang iniisip simula ng makulong ito sa sarili niyang palasyo.


''Patawarin mo ako mahal ko ngunit hindi ako sumasang ayon sa plano mo na isugal ang lahing aking pinagmulan. Ayoko rin na mapahamak ang anak natin dahil sa pansarili mong kapakanan.''wika nito sa sarili habang naka tingin sa asawang si Leona.

Samanatala sa Kaharian naman ng mga demonyo nag tipon tipon din ang mga kapanalig ng Prinsipeng si Beel ze bub. Ang mga ito ay karamihan sa mga pinatapong mga nilalang mula sa mga naitatag na kaharian sa Netopia. Sila ang mga halimaw at mga nilalang na sumuway sa batas ng kanilang mga hari ng Netopia.Kung sa paramihan ng bilang ng mga sakop ay mas nakalalamang ang panig ng mga demonyo dahil sa dami ng mga gustong makalabas sa mundo ng Netopia at makapag hasik ng lagim sa mundo ng mga tao. Ang mga ito ay sabik sa laman at dugo ng tao at gustong makapaghigante sa pamamagitan ng paglupil sa lahi ng mga mortal, karamihan sa mga ito ay mga aswang,itim na engkantado,mababangis na hayop,higante,taong ahas,mga halimaw at demonyo.Nagplanong mabuti ang mga ito sa gagawing pagsalakay at pagkuha kay Prinsesa Cassiopea kapag ito ay nasa Ionia. Ang lahat ay nanabik sa muli nilang paglaya sa mundong isinumpa, ang mundong nagkanlong sa mga tulad nilang mga halimaw, ang mundo ng Netopia.

''Mukhang makakalaya ka na mahal na Haring Lucifer.'' wika ni Iridya ang anak ni Hades at Persephone nang mapadpad ito sa kulungan ng demonyo.

Isang lalaking may itim na pakpak, matipuno at may ka akit akit na mukha ang makikita loob ng isang kwarto na pinalilibutan ng isang panang galang at sa labas ay may bantay na Cerberus isang halimaw na may dalawang ulo at buntot ng ahas.

ANG LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon