CHAPTER ONE

2.7K 54 1
                                    

Enjoy na enjoy si Cass sa paglangoy habang tinitingnan mula sa kalayuan ang magandang tanawin. Pakiramdam niya para siyang nasa langit habang pinagmamasdan ang kalikasan. Tanaw niya ang kanyang Yaya na naghahanda ng kanilang makakain sa dalampasigan.

‘’Ate nakahanda na po yung merienda niyo kain na po kayo’’ sigaw ni Celly sa kanyang amo.

Dahan dahan na umahon sa tubig si Cass, ramdam niya ang tindi ng init ng araw na nanunuot sa kanyang malasutlang kutis. Mganda ang dalaga, matangkad at may magandang korte ng katawan.Ngunit ang pinaka asset nito ay ang kanyang bughaw na mata. Ito raw ay katulad sa kanyang Ina, minsan ay napagkakamalan siyang anak ng kano dahil as kanyang kakaibang mata .Madalas sabihin ng kanyang ama na ang kanyang ina ay may lahing dayuhan na kung saan niya pinagmanahan ang bughaw nitong mga mata.Marami ring nanligaw sa dalaga at madalas siya ang MISS POPULAR sa mga eskwelahan na kanyang pinapasukan. Isang lalake ang nagpaibig as kanya ng husto ngunit sa di mawaring dahilan ay pinagpalit siya nito sa ibang babae. Kaya simula noon ay di na siya muling umibig at nagconcentrate na lamang as kanyang pag aaral.

‘’Yaya asan si Papa di ba siya sasalo satin?’’

‘’Ay ate di ko alam eh, baka andun sa kwarto nag eemote .’’ pabirong tugon ni Celly

‘’Hayz kawawang nmn si Papa, im sure tungkol na nmn ito kay Mama, ill better check him nalang. Buti pa maligo ka narin ang sarap ng tubig mag eenjoy ka promise.’’ Paanyaya ni Cass as katulong.

Agad nagtapis ng tuwalya si Cass upang puntahan ang kanyang ama. Habang patungo ito sa kanilang bahay ay biglang may sumulpot na isang puting lobo na bigla niyang ikinagulat.

‘’Shit ‘’ pasigaw na sambit ng dalaga.

Nanginig sa takot ang dalaga habang pinagmamasdan ang mabangis na hayop sa kanyang harapan. Hindi niya alam kung san siya tatakbo, alam niyang mabilis itong tumakbo at isang maling pagkilos ay maaring katapusan na niya.

‘’Pano nagkaroon ng wolf sa pinas? My God sinong walang kwentang tao ang magaalaga ng hayop di nmn kayang bantayan ng maayos.’’ Wika niya sa sarili

‘’Huwag kang matakot Cassiopea, hindi ako kaaway.’’ Isang tinig na mula as lobo ang kinagulantang ni Cass.

‘’Nagsasalitang lobo? Oh no nababaliw na ata ako.’’

Muli niyang tiningnan ang lobo, tinitigan niya ang mala grayish na matang nakatutok sa kanya. Pinakiramdaman niya kung may badya ba itong atakihin siya ngunit nanatili lang itong naka upo at nakaharap sa kanya na para bang nakikipag usap.

‘’Hindi ka nagkakamali ng akala, ako ang nagsasalita Cassiopea. Pinapunta ako dito ng iyong Ina upang maging gabay at tagapagtanggol mo.’’

‘’ Ha? Ano? Sinong Ina? Mtagal ng patay si Mama! Saka pano ka nakakapag salita? Tanong nito as lobo

‘’Buhay ang iyong ina Cassiopea at naghihintay siya sayo sa Netopia. Akoy iyong naiintindhan gmit ang iyong isip. Ikaw ang isang Netopian kaya naiintindihan mo ang aking lingwahe.’’

‘’ Netopian? D ko maintindhan ?’’ naguguluhang tanong ni Cass as lobo.

‘’ Ang iyong ama ang pwedeng makasagot ng iyong mga katanungan, mabuti pa ay puntahan natin siya para maipaliwanag niya sayo ito ng maayos.’’

‘’Si Papa? Ibig mong sabihin alam ito lahat ng aking ama? Ok sige puntahan ntn si Papa pero u wont bite me ok?’’

‘’ Haha kakatuwa ka nmn d ako kumakain ng tao wag kang mag alala at gaya ng sinabi ko ako ay iyong tagapagtanggol.’’

Dali daling pumasoks at hinanap ni Cass ang kanyang ama sa kanyang silid. Ngunit laking gulat nito ng Makita ang gulo as kwarto na parang may mabangis na hayop na sumalakay dito.

‘’OMG, wat happen in here? Wat did u do to my Papa? Akala ko ba kaibgan ka? Papa!! Papa!!‘’sigaw ni Cass
‘’Wala akong kinalaman dito, kararating ko lang nung Makita mo ko papunta sayo. ‘’ paliwanag ng lobo

Nanghina sa kakasigaw si Cass sa paghahanap sa ama at ito ay napaupo sa kama. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon ng bigla niyang nakita ang isang liham at susi na korteng tatsulok. Agad niyang kinuha ang liham at dali dali itong binasa.

Mahal kong Cassiopea,

Malamang sa mga oras na ito ay nagkita na kayo ni Mushka ang lobo na pinadala ko upang maging gabay mo sa paglalakbay pabalik ng Netopia. Anak ko patawarin mo kami ng iyong ama kung kami ay naglihim sayo sa iyong tunay na pagkatao. Ikaw ay isang Netopian, at tagapag mana ng aking kaharian. Kailangan ko kayong ilayong mag ama dahil sa kaguluhan na mayroon sa daigdig natin. Kailangan ko munang kunin ang iyong ama upang mapangalagaan laban sa mga kalaban. Anak ikaw ang tanging pag asa ng buong NETOPIA. Nasa iyong mga kamay nakasalalay ang pagbukas ng Lagusan na magpapalaya samin at sa ating lahi. Alam kong mahirap itong paniwalaan ngunit ang ating lahi ay nananalig sa iyong kakayahan aking anak. Sa iyong paglalakbay ay kailangan mong hanapin ang pantas na si Tandang Mawi isa rin siyang necromancer at si Mushka ang lobo ang magdadala sa iyo patungo sa kanya. Siya na ang magbibigay sayo ng mga payo at gabay upang kmi ay makalaya. Mahal na mahal ka naming ng iyong ama at anak mag ingat ka at huwag magtitiwala kahit kanino maliban as iyong sarili.

Nagmamahal,
Leona ang iyong Ina

Isang patak ng luha ang bumagsak gling sa bughaw ntong mata. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nalaman. Naguguluhan siya as mga pangyayari at di niya alam kung pano niya haharapin ang pagsubok na dapat niyang suungin.

‘’ Hindi to totoo, panaginip lang to, no way this cant be true.’’

‘’Lahat ng ito ay totoo , kaw lamang ang tanging magpapalaya sa ating lahi Cassiopea at lahat ng itoy dapat mong harapin ng buong tapang.Huwag kang mag alala akoy andito upang ikaw ay gabayan at protektahan asahan mo yan.’’

Lumapit ang lobo at nilatag ang kamay nito as kandungan ng dalaga. Dahan dahan hinimas ni Cass ang kamay nito sa ulo ng lobo. Kailangan niyang mag desisyon dahil buhay ng kayang mga magulang ang nakasalalay ditto.

‘’Mushka right?’’

‘’Oo ang pangalan ko ay Mushka.’’

‘’Where is Netopia? ‘’ 

IPAGPAPATULOY……

ANG LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon