CHAPTER 20

1.2K 19 0
                                    

Hindi makatulog si Sashka kakaisip sa dyos na si Apolo at sa mga huli nitong sinabi sa kanya. Talagang umiibig ang dalaga dito at kung ano ano ang pumapasok sa kanyang mga imahinasyon, mga ilusyon ng kanilang pagsasama at masasayang tagpo ng kanilang pagmamahalan.

''Ako ba ang naiisip ng magandang dilad?'' wika ng pamilyar na boses na agad ikinagulat ni Sashka


''Apolo? anong ginagawa mo dito? akala ko pupuntahan mo si Cass?'' wika ng tila bang nahihiya na si Sashka


''Mas nag aalala ako sa kalagayn mo dahil ikaw ang mukhang lubhang nasugatan sa labanan.'' wika nito sabay upo sa tabi ni Sashka at himas sa maganda nitong buhok na nagpamula sa mga pisngi ng dalaga.

''Maraming salamat sa pag aalala mo sakn Apolo.''tugon ni Sashka sa binata.

''At bakit hindi? maganda ka at kaakit akit, Sashka.'' wika ni Apolo habang hawak ang magandang mukha ng dalaga.

''Totoo ba yan Apolo?''wika ni Sashka na di makapniwala sa sinabi ng binata


''Oo Sashka at matagal na akong may gusto sau sana bigyan u me ng pagkakataon na maipakita at maipadama ang nararamdaman kong ito para sau.''wika ng binata

Agad bumangon si Sashka at kahit sugatan ito ay bigla niyang itinulak ang bintana palayo sa kanya at nagbangong anyo sa pagiging taong lobo.


''Sino kng lapastangan na nagpapanggap na si Apolo? sa tingin mo ba ay ganun kahina ang utak ko para malinlang ng isang katulad mo?'' wika ng galit na galit na si Sashka sa pan loloko ng demonyo sa kanya,alam niya na di ito ang tunay na Apolo dahil ang puso ng binata ay nakalaan lamang para sa prinsesa.


''Hahaha matalino rin pala ang isang asong gubat na tulad mo Sashka.''wika ng demonyo na nagpapanggap bilang isang Apolo

''Hmmp hindi ang isang katulad mo ang pwedeng luminlang sakn tanga.'' wika ni Sashka sabay sugod sa demonyo na agad nmng nakaiwas


''Ah ako ba ang tanga o ikaw na isang hangal na nagpapantasya ng pagibig ng isang lalake na di ka nmn kailanman magagawang mahalin dahil may iniibig na itong iba. Kawawang Sashka isa ka lamang sa mga kawawang babae na nabulag sa babaerong si Apolo.''panglalait ng demonyo

''Gnun ba wala ka ng pake dun, kung ako sau magpakasaya ka na dahil dito matatapos ang buhay mo.'' tugon ni Sashka sabay labas ng kanyang mga matatalim na kuko at sabay sugod nito sa demonyo na biglang umilag at sabay labas ng latigo at hampas nito sa likod ni Sashla na nagdulot ng pagbubuka ng kanyang sugat at pagdurugo nito.


''Ah'' sigaw ni Sashka ng maramdaman niya ang skit at hapdi ng mga sugat nito.


''Asan ang angas mo ngaun lobo.'' tugon ng demonyo kung saan ay ipinilipit nito ang kanyang latigo sa leeg ng dalaga.

Dahil sa kawalan ng maraming dugo at nawalan ng malay si Sashka na senyales ng demonyo upang itoy buhatin at dalhin ang dalaga pabalik ng kanilang kuta ng biglang pumasok si Vladimir at agad inatake ang demonyo na may hawak kay Sashka.


''Bitiwan mo siya demonyo'' sigaw ni Vladimir 


Isang malaking dagok para kay Cass ang pagkawala ng nakababatang kapatid ni Mushka na si Sashka. Sa isang altar na napupuno ng mga bulaklak inilagay ang katawan nito na pinalilibutan ng mga ibat ibang klaseng dyamante at mga krystal.Nagtipon ang lahat ng mga tao sa kaharian ng mga Dyos ng Netopia sa lugar na pinaglalagyan ng nasawing dalaga at nag alay ng simpatya para sa kapatid nitong si Muskha. Sa isang sulok makikita ang umiiyak na si Cass at pilit na inaaliw ng mga kasama nitong si Vladimir at Apolo samantalang si Mushka nmn ay nasa tabi ng bangkay ng kanyang kapatid at hinihimas ang buhok ng dalaga habang tinitingnan ang magandang mukha nito.

ANG LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon