CHAPTER TWO

2.6K 36 3
                                    

Netopia, ang daigdig ng mga anghel na naligaw at mga tinakwil ng DIYOS pagkatpos ng digmaan na pinamunuan ni Lucifer. Karamihan sa mga anghel na ito ay isinumpa at nagbagong anyo ayon sa mga kasalanang nagawa nito laban sa tao at sa may likha.


Pagkatapos gawin ng Diyos ang tao ay kinainggitan ito ni Lucifer na kanang kamay ng Diyos nung mga panahon ng bagong likha. Dahil sa kawangis ng Diyos ang tao ay nagselos si Lucifer at gumawa ng plano upang magkasala ang TAO. Dito nagsimula ang digmaan sa pagitan ng mabuti at masama marami ang sumapi kay Lucifer dahil inaakala ng mga kasapi nitong anghel na magtatagumpay siya. Sa huli sa tulong ng ANGHEL GABRIEL ay nagapi si LUCIFER at mga kasama nito at ipinatpon sa lupa kasama ang mga nilikha ng DIYOS pati na ng tao.

Ngunit dahil sa pagtapon ng mga tiwaling anghel ay ang tao naman ang pinerwesyo ng mga ito. Gumawa ng paraan si Lucifer upang pahirapan ang mga nilalang na lubos na minahal ng DIYOS sa lahat ng kanyang nilikha. Dahil dito ay binago ni Lucifer ang anyo ng kanyang mga kasama kawangis ng mga mababangis na hayop na kayang pumatay sa tao at magpaminsala dito.

Mula sa mga hayop na ito nagmula ang mga TAONG LOBO, BAMPIRA, , TIKBALANG,MANANANGGAL, at iba pang mga mababangis na halimaw. May mga anghel rin na nakipag siping sa mga tao na siya nmng pinagmulan ng mga DWENDE , ENGKANTO DIWATA at mga kakaibang nilalang na kawangis ng tao. May mga tao nmn na naghangad ng kapangyarihan gling as kadiliman at dahil dito ay isinumpa sila na kahit kalian man ay di nila mararating ang langit kapag silay datnan ng kamatayan. Ang mga ito ay tinatawag sa makabagong panahon na mambabarang at mang kukulam.

Dahil sa pamemerwisyo ng mga nilalang na ito sa tao ay gumawa ang DIYOS ng isa pang daigdig na maghihiwalay sa mundo ng mga tao at mundo ng mga maligno. Ito ngayoy tinatawag na NETOPIA,isang mundong nakalaan para sa mga anghel na napatapon sa lupa. Nilagyan ito ng pananggalang sa pagitan ng mundo ng tao at Netopia at ang tanging magpapahina dito ay tuwing kabilugan ng buwan at kamatayan ni Jesus na ipinagbubunyi bawat nilalang sa Netopia maliban sa angkan ng mga IONIA. 

Ang mga IONIA ay mga anghel na nagbalik loob as kabutihan ngunit di pinayagang umakyat sa langit. Pero dahil sa sila ay nagbalik loob ay di sila nakialam as mga likha ng diyos lalo na sa tao. Nanatili ang kanilang mga pakpak at anyo at nanirahan sa pinaka sulok ng Netopia ng tahimik.

Ang Netopia ay nahahati base sa mga nilalang at angkan. Dito rin matatagpuan ang mga hayop na d na makikita sa mundo ng mga tao. Mga mababangis na hayop tulad ng mga dinosaur , dragons mga saber tooth at mammoth na naglaho sa mundo ng tao dahil narin as pinsala na maaring maidulot nito sa sangkatauhan. 

Sa pinaka ilalim na bahagi ng Netopia matatagpuan ang tinatawag na impyerno. Dun nalalagi si Lucifer at ang kanyang mga kampon. Bawat nilalang sa Netopia ay may kanya kanyang teritoryo at batas na dapat sundin. Ang pag lalakbay ng mga nilalang papunta sa mundo ng mga tao ay limitado lamang. Madalas ang mga mahihinang diablo lamang ang nakakapasok as daigdig ng mga tao. Sila itong mga lumalakas as pamamagitan ng negatibong enerhiya na nilalabas ng mga tao tulad ng takot, glit, pagkapoot, kawalang pag asa at iba pa. May mga pagkakataong naliligaw na mga tao sa mundo ng Netopia pero madalas sila ay dinadala ng mga maligno upang kainin o palahian. 

Tanging ang IONIA lamang ang mga nilalang na bingyan ng kapangyarihan upang pangalagaan ang pananggalang sa pagitan ng mga tao at Netopia. Sila rin ay tinatawag na ANGHEL NG KAMATAYAN dahil sila ang inuutusan upang kunin ang mga kaluluwa naghahatid sa lagusan papuntang langit o impyerno. Dahil sa kanilang espesyal na katayuan maraming nilalang ang nagtangkang sakupin ang kanilang kaharian ngunit dahil sa kanilang espesyal na kapangyarihan ay madali nila itong magapi. Maliban sa isang kaganapan na nagpahina sa kanilang pwersa at ang dahilan ng kanilang pagkakakulong as NETOPIA, ito ay ang kapanganakan ni Cassiopea.

Si Leona ay isang Ionian na umibig sa isang lalaking nagngangalang Gideon , isang tao na nakatakdang mamatay dahil sa leukemia sa edad na 22. Bago malagutan ng hininga si Gideon ay dalidali siyang dinala ni Leona sa Netopia upang dun mabuhay at mamalagi. Dahil sa ginawang pagsuway na ito ni Leona ay hinyaang matalo ng DIYOS ang kanilang lahi sa isang digmaan na dhilan ng pagkakakulong ng kanilang lahi sa Netopia. Tanging ang mga anghel lamang na pinapasundo ng DIYOS ang may karapatang lumabas upang sumundo ng mga kaluluwang pumanaw sa sanlibutan. Ang tanging paraan lamang upang sila ay muling mapakawalan ay kung ang anak nilang si CASSIOPEA ay magbabalik upang buksan ang LAGUSAN na magpapalaya sa lahi ng mga IONIA. 

‘’Mahal ko, alam mo ba ang gnagawa mo? Tanong ni Gideon sa asawa.

‘’Mahal ko, hindi ko pa alam sa ngayon pero kailangan ni Cassiopea makarating at mabuksan ang lagusan para makalaya ang aking lahi, ito lamang ang paraan upang makabawi ako sa aking kasalanan.’’tugon ni Leona.

‘’Ngunit ito rin ang magpaparusa sa aking lahi mahal ko, maaring ito na ang katapusan ng lahi ng mga tao.’’ Pangamba ni Gideon.

Hindi na muling nagsalita si Leona at niyakap na lamang ang kanyang asawa. Nasa kamay ni Cassiopea kung ano ang pipiliin niya ang lahing di nya kalian man nakilala o ang lahing nakagisnan at minahal niya.

‘’Mushka malayo ba ang Netopia?’’ tanong ni Cass as lobo

‘’Medyo pero wag kang mag alala ako ang bahala sayo.’’tugon ng lobo

Isang paglalakbay ang naghihintay sa bida nating si Cass. Ano at sino sino kaya ang kanyang makikilala at makakasagupa sa kanyang paglalakbay patungong Netopia

ANG LAGUSANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon