kabanata 10

615 28 2
                                    

Nakakainis bakit sa lahat lalaki sa mundo bakit sya pa yung prinsipe, mukhang hindi na matatahimik ang buhay ko dito sa palasyo dahil sa kakagawan ko di nila din ako pinaalis mabuti nalang.  Nandito pala kami ni lara sa isang kwarto nagpapahinga lang at tapos nadin kaming kumain pero hindi naman lang ako nakakain ng maayos dahil iniisip ko yung nangyari.

"Mukhang totoo ang sabi nung lalaking yung tanga yata ako."- sabay untog ng ulo ko sa lamesa.

"Alam mo walang magagawa yang pagpukpok mo ng ulo sa lamesa"-napasimangot ako at tumingin sa kay lara.

"Kasi naman, bakit hindi mo agad sinabi na sya pala ang prinsipe sa mundong ito"-problemado kong wika.

"Mundong ito? Bakit di mo ba mundo to."- nagtatakang tanong nya kaya nanglaki ang mata ko.

"Sinabi ko ba yun?, parang hindi naman tsaka isa lang ang mundo no. "-mukhang nagdududa pa sya kaya nginitian ko nalang sya para kapani-kapaniwala ang mga sinabi ko.

"Nasisiraan ka na nga ng bait, tsaka diba nilarawan ko na din sya sayo."

"Nilarawan mo nga hindi mo naman sinabi yung pangalan"-reklamo ko pa.

"Aba, hindi ka nag-tatanong kaya kasalanan mo yan"-sabay ikot ng mata nya. Kainis naman ang isang to ako na nga ang napahamak tinatarayan pa ako.

"Alam mo maglinis na tayo para matapos na ang gawain natin dito"-wala ma akpmg magawa kaya napatango nalang ako kung poproblemain ko pa ito wala din namang mangyayari dahil di naman mababago ang nagawa ko kaya tumayo  na ako pero bago pa sya tuluyang umalis ay may sinabi pa sya saakin.

"Sa silid aklatan ka pala mag-linis ngayon, medyo madumi na dun alam mo naman kung saang parte ang silid aklatan diba?"-tumango ako dahil nilibot na din namin yun.

Nag simula na akong maglakad papuntang silid aklatan dala ang gamit na gagamitin ko sa paglilinis, pagkatapat ko sa pinto ng silid aklatan ay binuksan ko na ito at tumambad saakin ang napakaraming libro siguro nasa ikalawang palapag ang taas ng bawat lagayan ng mga libro dito.

Pumasok na ako sa loob at nagsimula ng magpunas ng bawat lalagyan ng mga libro pero syempre habang nag pupunas ako ay binabasa ko din ang bawat pamagat ng mga libro, napakarami ng mga libro dito, nabasa na kaya nila ang lahat sa paaralan ko kasi hindi ganito karami ang mga libro baka wamport lang siguro nito ang aklayan namin at habang binabasa ko ang mga pamagat ng mga libro ay may nakita ako na libro na nakatawag ng pansin saakin.

Tumingin muna ako sa paligid ko para malaman kong meron bang tao o wala nag nakita kong malinis ang paligid ay kinuha ko ang librong ito at binasa ang pamagat.

"Ang babaeng galing sa ibang Mundo"-basa ko sa pamagat, Sa katunayan ang gamit na salita o titik sa librong ito ay ang salita o titik naming mga taga immortal, kaya nag-taka ako kung may ganitong libro dito, imposible kayang pagmamay-ari ito ng taga saamin.

Binukasan ko ito at napaubo ako dahil sa alikabok na nagmula dito mukhang matagal na panahon na itong nakatambak kaya ganon nalang kakapal ang alikabok nya.

"Ano ba yan, magkakaubo pa yata ako dahil sa kapal ng alikabok neto."-habang pinunasaan ang mga pahina nya at nagsimula na akong mag basa.

"Ikaw ang naging daan kung bakit ng ka isa ang lahat.

Ikaw ang dahilan kung bakit patuloy parin akong lumalaban at patuloy kang iniibig.

Alam mo ba noong pahanon na una kitang nakita, nasa ilog ako noon dahil tumakas ako sa mga kawal ng aming palasyo, dahil sawa na akong mag-hensayo, kaya nag-pasya akong tumakas.

Habang nasa ilog ako bigla nalang may bumaksak sa likod ng puno kaya pinuntaan ko ito para makita  kung anong bagay na nahulog doon at laking gulat ko nang makalapit ako sa puno ay  nakakita ako ng isang babaeng sugatan pero kahit na ganoon ay kapansin-pansin ang iyong kagandaan".

The girl from the other WORLD (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon