kabanata 15

569 20 0
                                    

"Pwede ba tayong mag-usap?"-malamig na tanong ni prinsipe lucian saakin, oo tama kayo si prinsipe lucian ang taong lumapit saakin.

Umiwas lang ako ng tingin dahil hindi ko kayang tignan sya ng deretso sa mata, magsasalita sana ako ng bigla sya tumalikod at nag-umpisa ng maglakad.

"Kainis di nya ba nakikita na ayaw ko syang makausap"-inis na bulong ko at tumayo na tsaka pinagpagan ang suot ko pagkatapos ay sinundan sya.

Sunod lang ako ng sunod sakanya dahil kanina pa kami naglalakad wala naman akong magagawa dahil sya parin ang prinsipe, pero ilang saglit lang ay huminto na din sya tumingin naman ako sa paligid at mga puno lang ang nakikita ko siguro kaya gusto nyang dito kami mag-usap ay para walang taong makakakita o makakarinig saamin kong may sigawan mang magaganap.

"Bakit mo ako iniiwasan?"- bungad na tanong nya sa akin na at tsaka humarap saakin ng seryoso, kaya napatayo ako ng tuwid.

"Ha? Anong iniiwasan ka dyan, di naman kita iniiwasan kasi madami din gawain sa palasyo kaya di kita mapansin"-palusot ko sakanya mukha na akong natatae dito dahil sa pilit na tawa ko.

Mas lalong nandilim ang mukha nya kaya bigla akong kinabahan , sa labing walo ko na nabubuhay ay hindi ko pa naranas na kabahan ng ganitong katindi. Wala na yata syang sasabiin dahil nakatingin nalang sya saakin kaya nagsalita na ulit ako.

"Prinsipe lucian kung wala na po kayong sasabiin mamari na po ba akong umalis."-magalang na paalam ko na kinagalit na nya.

"Ano bang problema mo denisse bakit ka ba nagkakaganito, parang hindi ikaw yan."- galit na sigaw nito saakin.

"Ano po ang ibig nyong sabiin? Ako parin po ito si denisse mahal na prinsipe."-magalang na sabi ko habang nakangiti.

"Hindi dahil kilala ko si denisse at si denisse na kilala ko ay hindi nagpapa-po saakin at di nya ako tinatawag na prinsipe."- halos mangalambot ako dahil sa sinabi nya kilalang-kilala nya na nga ako at nasasaktan ako ngayon dahil nagkakaganito sya nang dahil saakin.

Huminga muna ako ng malalim bago mag salita. Kaya mo yan Denisse para sa kapakanan ng lahat.

"Gusto mo po bang malaman ang dahilan?"

"Oo dahil di nakita maintindian"- medyo mainahon na sya ngayon.

"Dahil yun ang dapat"-sabi ko habang naka yuko.

"Ano ang ibig mong sabiin."-alam ko na naguguluhan na sya kaya kailangan kong ipaintindi sa kanya ang lahat..

"YUN ANG DAPAT NA GINIWA KO SIMULA PALANG, DAHIL IKAW ANG PRINSIPE NA DAPAT GINAGALANG."-sigaw ko sa kanya.

"Pero ayaw kong gawin mo yun saakin."- naaawa na ako sakanya ayoko syang nakikita na ganito ng dahil saakin.

"Ang isang prinsipe ay dapat ginagalang, pero ano ang pinag-gagagawa ko imbis na igalang kita ay para akong siga kung kausapin ka."-paliwanag ko.

"Pero gusto ko kung paano mo ako tratuhin"- umiling ako dahil di sang-ayon sa sinabi nya.

"Pwede ba lucian wag ka ding maging tanga prinsipe ka at ako ay alipin lang ng palasyo. Baka na kakalimutan mo na i kaw ang susunod na hari, tapos ano gusto mo kung paano mag-usap  ang isang alipin na katulad ko at ng isang prinsipe o hari na parang normal lang."-galit na sabi ko sakanya.

"Sinasabi ko na nga ba. Dahil sa posisyon ko dahil nagkakaganyan ka."-madiin na sabi nya sabay hilamos sa mukha dahil na nalaman nya gusto ko sana na di dahil doon kaya ako nagkakaganito ngunit mas mainam na ito para layuan nya na ako.

"Magkaliwanagan nga tayo lucian, bakit ba ganito ka lang kung umasta sa simpleng pag-iiwas ko lang sayo nag-gaganito kana."- tanong ko dahil naguguluan na din ako sakanya.

The girl from the other WORLD (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon