Nakahiga ako ngayon habang pinapakinggan ang tunong ng orasan na nakasabit sa dingding sa labas ng selda..
Bakit nga ba ako nagtitiis na mamalagi dito sa seldang ito kung kayang kaya ko naman itong sirain para makalabas.
Pang anim na araw ko na dito at bukas na ang labas ko at hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang ginawang paghalik saakin ni lucian.
Ang unang halik ko wala na bwisit kasi sya, pagkatapos nya akong halikan iniwan lang nya ako na nakatulala habang nagpo-proseso pa sa utak ko ang nangyari.
Buti nalang at hindi kami nakita nung kawal kung hindi nako panibagong gulo na naman yun panigurado. Tapos ako lang yung mapaparusaan at sasabian na nilalandi ko sya tsk.
Gulong-gulo na rin ang isip ko kung ano na ba dapat kong gawin ka lucian ang akala ko ng dahil sa ginawa ko at mga masasakit na salitang sinabi ko sakanya ay lalayuan nya na ako ng tuluyan pero mukhang nagkamali yata ako.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa kakulitan nya.
"Anong iniisip mo?"- napabangon ako ng wala sa oras habang hawak ang dibdib ko dahil sa gulat.
"HAY LUCIAN"-gulat na sigaw ko habang nakatingin sa kanya ng masama at ang gago nakangisi lang.
" may balak kabang patayin ako sa gulat"-sinamaan sya ng tingin ngunit nakangisi parin sya.
"Ano? Anong nginingisi mo dyan"
"Ngayon alam ko na kung sino ang iniisip mo."-nakangising parin na sabi nya.
Kaya biglang namula ang mukha ko dahil na pagtanto ko na naisigaw ko pala ang pangalan nya sa gulat.
"A-ano na naman ba nag ginagawa mo dito?"-tanong ko sakanya sabay iwas ng tingin, at ang bwisit na dila ayaw tumawid yung salita bat ba ako nauutal e si lucian lang to.
"Bakit? Binibisita ko lang ang SWOT ko"- nakangiting sabi nya napakuno't noo naman ako dahil sa sinabi nyang SWOT.
"SWOT?"-takang tanong ko, umupo muna sya sa tabi ko bago sya magsalita ulit.
"Oo, kasi ikaw ang Strength, Weaknesses, Opportunity at ang aking Threats. "-paliwangag nya.
"Sandali narinig ko yan ay hindi pala nabasa ko na sa mga libro sa aklatan nyo."-sabi ko at inisip kung saan ko ba nabasa yong Swot na yon.
Habang iniisip ko kung saan ko ba nabasa o nakita yun ay abala naman syang nakatitig saakin kaya medyo nailang ako bigla hanggang sa pumasok sa isip ko yung libro tungkol sa negosyo na nabasa ko .
"Sira na ba tuktok ng ulo mo at pati yun naisip mo"-sabi ko sabay hampas sa kanya at sya ay napangiwi dahil masyado yatang malakas ang pagkakahampas ko.
"Aray masakit yun, tangina"-reklamo nya habang hinihimas ang balikat nyang hinampas ko.
Sinamaan ko naman sya ng tingin "Minumura mo ba ako?"
Naging balisa naman sya dahil sa tanong ko "Ano? Hindi ah"
" kala ko minumura mo na ako."
"Wala pa nga tayo pero pakiramdam ko ako kawawa sa relasyon natin pagnagkataon."-bulong nya ,pero dahil malakas ang pandinig ko ay narinig ko yun kaya napangiti ako.
"May sinasabi ka ba?"-mataray na sabi ko.
"Wala"-sabi nya.
"Bakit nga ba swot pang negosyo yun tsaka ang bantot pakinggan.".
Sinamaan nya naman ako ng tingin dahil sa sinabi ko pero kalaunan ay napabuntong hininga nalang sya at nagseryoso ng tingin.
"Swot, kasi ikaw na ang pagkakabalaan ko ngayon."
BINABASA MO ANG
The girl from the other WORLD (EDITING)
FantasyIsang hindi ordinaryong babae na galing sa ibang mundo na may kakaibang kapangyarihan na mapupunta sa mundo ng mga tao. Ano kaya ang magiging kapalaran nya pagkatapos yang mapunta sa lugar na yun. At ang mangyayari sakanya, makakabalik ba sya sa ka...