"Ang swerte mo talaga denisse"-sabi saakin ni lara na ngayon ay nakapalumbaba sa upuan.."Anong swerte yun, makakauwi ka nga pero dapat kasama sya."-nakasimangot na sabi ko, pagkatapos kasi nung eksena kahapon ay tinanong ako ni lucian kong gusto ko daw umuwi saamin kaya tumango ako pero ang kapalit nun ay ang pagsama nya saakin sa bahay.
"Yun na nga eh,pupunta si prince lucian sa inyo kyaaahhh ang swerte mo talaga girl akalain mo yun ,isang sabi mo lang sa prinsipe nasusunod na agad"-sabi nya pa...
"Aissshh...ewan ko sayo, alam mo kung wala kang gagawin tulungan mo nalang akong mag-ayos ng dadalhin ko no..."-sabi ko sakanya ..
"Oo na ang kj mo talaga kahit kaylan."-nakasimangot na sabi nya tsaka na sya tumulong saakin sa pag aayos..
tsk.. kahit kailan talaga napaka childish ng babaeng to, pag katapos naming mag-empake ay nagtungo na ako sa tagpuan namin ni prince lucian dahil ang damuho tumakas lang pala sya sa palasyo ang lakas ng loob na magkasabi na sasama sya tapos, ano tumakas lang pala sya tsk.....
"tsk ang bagal mo" inip na sabi nya saakin habang nakacross arms.
"wow, nahiya naman ako sayo, bakit sino bang nag sabing sumama ka aber.."-pagtataray ko sa kanya habang nakapamewang pa...
"ako, bakit may hangal ka dun huh, at galangan mo ako dahil ako ang prinsipe." - maangas na sabi nya.
"tsk ewan ko sayo , you know what pag talaga ako napagalitan ng mahal na hari sa pinag-gagawa mo nako humanda ka saakin....HOY LALAKI NARINING MO BA AKO AH...BWISIT...'-inis na sigaw ko dahil ang kinakausap ko pala ay wala na pala sa harapan ko, dahil nauna ng maglakad saakin ang sarap talaga nyang itapon sa ilog para matauan grrrr.......
"ano tutunganga ka na lang dyan .."sigaw nya saakin...
'grrr...ewan ko sayo tsk...' inis na sagot ko sakanya sabay pa padabong na sumunud .. napaka bossy talaga ng lalaking to.tsk kainis.
"Alam na ba nila nauuwi ka ngayon sa inyo?"-tanong nya saakin. Kaya naoatingin ako sa kanya.
"Hmmm., hindi gusto ko sanang isurprise sila,"-nakangiting sagot ko sakanya dahil naiimagine ko ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila ako.
"Im glad to see you happy now."-napatingin naman ako sakanya dahil sa sinabi nya, at ngayon ay may ngiting nakaguhit sa mukha nya kaya napangiti nalang din ako.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakbay namin dahil may kalayuan ang habay nila nanay menda sa palasyo idagdag mo pa na sa may bundok sila pero okay na din dahil mas makakasama ko pa ng matagal si lucian.
Ilang saglit nalang ay tanaw ko na ang bahay nila nanay menda kaya lalo akong nagalak , sa wakas makikita ko na ulit sila, tumingin naman ako sa katabi ko na nakakuno't noo ngayon, anong problema neto?.
"Asan ang bahay ng magulang mo?"-tanong nya saakin kaya bigla ko nalang naalala na ginamitan ko pala ng salamangka ang buong bahay para hindi ito makita ng masasamang halimaw dahil alam kong alam na nila kong saan ako tumuloy noong panahon na napadpad ako dito.
"Hah? Ayan oh hindi mo ba nakikita"- sabi ko sakanya tsaka pumitik , at doon na lumitaw ang bahay nila nanay menda.
"What the, wala yan kanina"-gulat na sabi nya.
"Tsk anong wala parang ano to, .. Nako gutom lang yan, tara na nga mukhang napagod ka sa paglalakbay natin kaya kung ano ano nalang yang napapansin mo."- paliwanag ko , tsaka na naunang naglakad narinig ko pa syang nag salita ngunit pinabayaan ko nalang sya.
"Nay Menda , ."-excited na sigaw ko at tuluyan ng pumasok sa loob.
*********
"Bakit hindi mo sinabi na kasama mong pupunta dito ang mahal na prinsipe ah."- bulong ni nanay menda saakin habang nasa salas kami, tapos na din kamin kumain nagulat nga sila sa pagkabiglaang uwi ko at mas lalo pa silang nagulat nung kasama ko prinsipe.
BINABASA MO ANG
The girl from the other WORLD (EDITING)
FantasiIsang hindi ordinaryong babae na galing sa ibang mundo na may kakaibang kapangyarihan na mapupunta sa mundo ng mga tao. Ano kaya ang magiging kapalaran nya pagkatapos yang mapunta sa lugar na yun. At ang mangyayari sakanya, makakabalik ba sya sa ka...