Nandito kami ngayon sa salas at pinapagalitan ni nanay menda dahil sa gulong ginawa ko kanina sa palengke hindi ko naman alam na magiging malaking bagay pala sakanila ito sa mundo nga namin kahit yata magpasabog ka dun wala mang magrereklamo dahil sanay na sila tapos dito isang napakaliit na gulo lang ang ginawa ko parang isang gera na ito para sakanya.
"Ano denisse nakikinig ka ba "-nabalik naman ako sa hulirat ng dahil sa tanong ni nanay menda.
"Ha? Ah,eh opo"-pilit ngumiti ako dahil hindi ko naman alam kung ano ang sinasabi nya saakin.
"Nako ikaw talagang bata ka, ilang araw ka palang dito may gulo ka ng ginawa."- panenermon na sabi nya, parang sya si mama isang simpleng maling gawa ko magagalit agad.
"wag napo kayung magalit ,pangako hindi ko na po gagawin yun."-sabay taas ng kanang kamay ko para na din matapos na ang usapang ito.
"Nako dapat lang, at wag na wag mo ng gagamit yang kapangyarian mo dito hanggat hindi kinakailangan maliwanag ba"
"Opo"
"Nako mabuti nalang naintindian mo. Hala sige tara na't kumain"-napangiti ako dahil natapos na din sabay kaming pumunta sa kusina para kumain na.
Nandoon na sina popoy para intayin kami. Napagalitan din sya dahil hindi nya daw ako binawalan sa ginawa ko kaya nagpaliwanag ako na wala syang ginawang mali kay ayon ligtas na sya.
Habang kumakain kami bigla naman ng salita si lucy kaya napatingin kami sa kanya.
"Nay, pwede ba ako pumunta sa may kagubatan kukuha lang po ako ng bulaklak."-pagpapaalam neto.
"Pwede naman pero sino naman ang kasama mo?"
"Si ate denisse po"-sabi nya kaya naman patingin saakin si nanay menda at ako naman ay napaturo sa sarili ko.
"Gusto mong samaan kita"-tanong ko kay Lucy. Tumango naman sya at ngumiti saakin kaya lumitaw ang ngipin nya na bungi.
"Opo para makita nyo po ang mga bulaklak sa kagubatan."- Napatingin ako kay nanay menda at tumango lang sya ibig sabiin nun ay pumapayag na din sya.
"Okay"- sabay ngiti.
"ate denisse kung may nakita din po kayong mga prutas doon kumuha nadin po kayo"-bilin ni wendy.
"okay"
Pagkatapos namin kumain ay nagpahinga lang kami saglit at umalis na para pumunta sa may loob ng kagubatan nagdala din kami ng maiinom at basket para sa lalagyan ng prutas at bulaklak ni lucy, magkaugali talaga sila ni Sisi dahil mahilig din sya sa mga bulaklak namiss miss ko na talaga sila.
Third persona POV.
sa kabilang banda, ay may nag-uusap ngayon ang mga taga palasyo dahil sa naganap na gulo kanina sa may bayan at nandito ang hari't reyna na sina haring Luke at reyna Julian kasama nila ang kanilang nag-iisang anak na si Prinsipe Lucian Piere ang taga pagmana ng kanilang palasyo. Kasama din nila ang ibang may matataas posisyon dito sa palasyo at isa na dun ang kanilang pinagkakatiwalaan na heneral na si heneral lopez na syang taong nakasagupa ni denisse sa bayan.
"Mahal na hari hindi po ako matatahimik hanggang hindi napaparusaan ang lapastangan na babaeng yun"-sumbong niya sa mahal na hari.
Napabuntong hininga naman ang mahal na hari dahil sa sinapit ng kanyang mga kawal at sa heneral.
"Hindi ba nakakahiya dahil natalo ka ng isang babae"-malamig na sabi ni prinsipe Lucian kaya napatingin lahat sa kanya.
"Prinsipe ,hindi naman sa ganon pero kasi yung babae-."-nauutal na sabi nya pero pinutol nya na ito sa sasabiin nya.
BINABASA MO ANG
The girl from the other WORLD (EDITING)
FantasíaIsang hindi ordinaryong babae na galing sa ibang mundo na may kakaibang kapangyarihan na mapupunta sa mundo ng mga tao. Ano kaya ang magiging kapalaran nya pagkatapos yang mapunta sa lugar na yun. At ang mangyayari sakanya, makakabalik ba sya sa ka...