kabanata 11

653 31 1
                                    

Makalipas ng ilang araw ay naging komportable na ako dito sa panahon na ito.  Marami na akong na tuklasan na iba't ibang bagay, katulad ng mga teknolohiya nila masyadong maunlad hindi tulad nung saamin masyadong  makaluma.

At araw-araw din ako binubwisit ni lucian , ayoko syang tawagan prinsipe dahil akoyo lang at ayun nga walang araw na hindi nya pinapainit ang ulo ko, nagtataka at kinikilig nga si lara dahil saakin lang daw ganon si lucian pero wala akong pakialam ang alam ko lang ay mainit ang dugo ko sakanya tsaka kasi si kuya pogi ang gusto ko.

Halos kasundo ko na din ang ibang tao dito sa palasyo lalo na si ginoong anthony sya si kuya pogi sya pala ang personal na taga bantay ni lucian,  pero syempre hindi natin maiiwas ang mga taong ayaw sayo tulad ni daisy ang napaka pilingerang babae sa mundong ito, akala mo kung sino ang maganda kung makapag-arte, tapos kung makapag-utos para sya ang prinsesa at ang masama pa sya daw ang magiging reyna ng prinsipe pag naging hari na ito diba ang kapal ng mukha katulad ko din naman syang taga silbi ng palasyo.

Habang nandito ako sa bakuran at nag-didilig ng halaman may nakita akong tao na papuntang kagubatan ng palasyo, pag kalagpas mo kasi sa may lawa ay kagubantan na yung makikita mo tapos sa dulo nun ay ang malaking harang ang makikita mo sa dulo hindi pa ako nakakalabas sa palasyo kaya hindi ko alam kung anong ang nasa likod nun.

Dahil nahihiwagan ako kung saan pupunta ang lalaking yun ay agad kong tinapos ang ginagawa at agad nang tumakbo para sundan sya, naabutan ko naman sya pero syempre hindi muna ako magpapakita, aba baka may katagpuan pala ang lalaking to tapos pag nakita ko sila yun ang gagawin kong pangpanakot sa kanya. Ang talino mo talaga denisse.

Sunod parin ako ng sunod sa lalaking to dahil kanina pa kami lakad ng lakad dito at ang masaklap ay ang bilis nyang maglakad, medyo mainit ang panahon tapos hindi nya ba alam na ang liit ng hakbang ko.

Masyado syang mabilis para abutan ko tsaka pagod na din ako kay napaupo nalang ako sa sobrang pagod dahil sa tagal ba namin naglalakad mga nasa isa't kalahating oras na siguro.

"Grabeng lalaking yun sumakit ang paa ko,"-reklamo ko sabay tinignan ang mga paa ko.

"Bwisit naman kasi yung lucian na yun, kung alam ko pala na ganito pala kahaba ang lalakarin nya edi sana hindi nako sumunod"-kausap ko parin sa sarili ko. Oo tama kayo si lucian nga ang lalaking sinusundan ko kanina pa, pero bigla nalang ako nagulat dahil ang sinusundan ko ay wala na sa paningin ko, tumingin ako sa kaliwa at kanan pero wala din sya.

"Hala, nasan na yon"-napatayo tuloy ako bigla at tumakbo papunta sa dereksyon nya kung saan sya dumaan kanina.

"Bwisit naman, bakit ba ang bilis lumakad nun, nagpahinga lang ako saglit wala agad sya sa paningin ko.-"naiinis na sabi ko habang napapakamot nalang.

Kainis pano ako babalik sa palasyo nya, hindi ko nga alam kung saan ako dito sa kagubatan, hindi ko na din alam kung saang daan kami dumaan kanina dahil paliko-liko yung dinaanan namin.

Ngayon nag-iisa nalang ako dito sa gitna yata ng kagubatan, naramdaman ko na naman na mag-isa lang ako dahil ayoko sa lahat ang iniiwan ako at isa lang ang nasa isip ko ngayon ang umuwi kina nanay menda dahil mabuti pa dun ramdam kong hindi ako nag-iisa, gusto ko naman lumipad para makaalis dito pero baka may makakita saakin, hindi ko naman maiwasan na maluha dahil sa inis sa sarili.

"Wag kang umiyak denisse kasalanan mo yan kaya ka naliligaw"-pagkumbinsi ko sa sarili ko ngayon habang naglalakad, lakad lang ako ng lakad dahil hindi ko naman alam kung saan ang daan pabalik sa palasyo.

"Bakit ba ang chismoso mo kasi yan tuloy, napapahamak ka dahil sa pag kachismoso mo"-sermon ko ulit sa sarili ko sabay punas nag luha ko dahil wala ding kwenta kung iyak lang ako ng iyak.

The girl from the other WORLD (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon