kabanata 16

527 24 1
                                    

Ilang araw na din ang nakalipas nung nag-sagutan kami ni lucian at hindi ko alam na magbabago sya ng dahil sa mg sinabi ko at hindi lang yun.

Talagang galit na galit nga si lucian sa akin ng dahil sa nangyari noong nakaraan na gabi at kung dati ay para syang yelo kung tumingin sayo ay mas naging grabe na ngayon, dahil wala ka ng makikitang bakas na emosyon sa mukha nya.

Dahil sa tuwing nakakasalubong kami  sa palasyo ay parang hangin lang ako sa kanya, hindi man lang sya nagtapon ng tingin saakin na kahit isang beses lang at alam ko kung kasalanan bakit sya nagkaganoon.

Ito naman ang gusto ko diba, na iwasan nya na ako pero sa tuwing nagkakasalubong at di nya ako kilala ay parang unting-unti binibiyak ang puso ko dahil sa sakit.

Napabuntong hininga nalang ako. Ano ka ba denisse natatapos din to, isipin mo nalang na walang lucian na nakilala sa buhay mo at walang pag-ibig kang nararamdaman para sakanya dahil ikaw din ang masasaktan.

"Ang lalim ng iniisip natin."-bigla naman ako ng may nagsalita sa likod ko.

"Ay palakang lumilipad na kumakain ng pating, bwisit ka bakit ka ba nagugulat "-gulat na sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko sa gulat at pag tingin ko sa taong nang-gulat saakin ay nakita ko si ginoong kulet na parang mamatay na sa kakatawa.

"Ahaha, anong palakang lumilipad na kumakain ng pating, kailan pa lumipad ang palaka at ang masama pa ay kailan pa kumain ng pating ang isang palaka." -natatawang sabi nya at may nakahawak pa sya sa tyan nya.

"Sige tawa pa, mamatay ka na sana sa kakatawa mo, bwisit ka."- inis na sabi ko sa kanya.

"Ikaw naman kasi ahaha."-lalong namang sumama amg mukha ko dahil hindi parin sya tumigil sa kakatawa.

"Ge pag patuloy mo yan."-sabay tapik ng balikat nya tsaka na tumalikod at nag-simula ng maglakad ulit.

Papunta kasi ako ngayon sa library dahil ako ang nakalaan para linisin yun at matagal tagal na din akong hindi na kakapunta dun at namimiss ko ng magbasa ng libro.

"Hoy sandali lang binibining sungit eto na titigil na ako."-sigaw nya saakin tsaka sya tumakbo at sumabay saakin sa pag lalakad.

Siya pala si Michael Collin anak daw sya ng bagong heneral na si heneral Marcos Collin, hindi ko pa nakikilala si Hereral Collin dahil bisi daw sya sa pagpapahensayo sa mga kawal ng palasyo at ang balita ko ay mahigpit daw ito.

"Bakit ka ba nandito."-tanong ko sakanya.

"Wala lang walang magawa sa palasyo, alam mo yun nakakabagot"-napaikot nalang ako ng mata dahil sa maikling panahon na nakasama ko si michael naging komportable agad ako sakanya.

At ang masasabi ko lang sa personalidad nya ay napakakulit nya, dinaig nya pa ang tatlong taon na bata sa sobrang kulit at para din syang kabute dahil kung saan saan sumusulpot sya.

"Alam mo kung wala kang magawa, lumayas ka na sa harapan ko baka masipa kita dyan."-naiinis na sabi ko sakanya.

"Ayoko nga ayokong iwan ang babaeng mapapangasawa ko, at tsaka wala ako sa harapan mo dahil na sa tabi mo ako no."-nakangiting sabi nya sabay akbay saakin.

Isa pa yun sa kinaiinisan ko dahil sa kakasabi nya na ako daw ang magiging asawa nya aba sabiin pa naman nya sayo na mahal na daw ako sa unang kita palang nya. Iba din ang takbo ng utak ng isang to.

Inis na tinanggal ko ang pagkakaakbay nya saakin at binilisan ko ang lakad ko para makarating na sa library at para matapos na din.

"Hala denisse, intayin mo naman ako. "-sigaw nya at humabol sa akin pero hindi ko nalang sya pinanasin.

The girl from the other WORLD (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon