Lutang ako ngayon araw dahil hindi ako masyadong nakatulog kagabi kasi naman paulit-ulit kung naiisip yung binulong ni lucian kagabi, para na nga akong sombi sa laki ng maga ng mga mata ko tapos dagdag mo pa ang aga naming gumigising tuwing umaga.
"Susmaryosep denisse anong klaseng mukha yan?"-gulat na tanong ni lara saakin.
"Pangit na ba ako? hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi ."-Matamlay na sagot ko sakanya. Naglalakad kami ngayon dito sa pasilyo ng palasyo para pumunta sa opisina ni ginoong anthony may sasabiin daw sya saamin.
"Nako, iniisip mo siguro kagabi si prinsipe lucian no."-panunuksong neto saakin, kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Anong iniisip ka dyan, bakit ko naman sya iisipin ang isang yun e palagi nga nya akong iniinis ".
"Nako wag kang magsinungalin saakin denisse, kung hindi ko lang kayo nakita ni prinsipe lucian kahapon"- nakangising sabi nya, kaya lalong nanlaki ang mga mata ko.
"Nakita mo kami?"-hindi makapaniwalang tanong ko.
"Ahaha, oo ang sweet nyo nga, may pahawak-hawak pa sa pisngi si prinsipe lucian sayo pero wag kang mag-alala seckreto lang natin yun"-nakangiting sabi sabay kindat nya, kaya nakahinga ako ng maluwag mabuti naman.
"Ngayon"- nakangising sabi nya ulit.
"Anong ngayon ka dyan?"-naguguluhang tanong ko pero sya tinaasan lang ako ng kilay.
"Nako ikaw denisse, ano na ang meron sa inyo ni prinsipe lucian?"-nakangising neto tanong.
"Ano meron dyan, wala namamagitan saamin "- totoo naman ang sinasabi ko kahit minsan ay bumibilis ang tibok ng puso ko kapang nakikita ko sya o kasama pero siguro dahil sa pagkainis ko sa tuwing iniinis nya ako.
"Nako denisse bakit di mo pa aminin na pumapag-ibig ka na dyan."-sabay sagi ng balikat ko kaya napasimangot ako.
"Anong pumapag-ibig ka dyan e halos wala yatang araw na di ako mainis sa lalaking yung kaya imposible ang sinasabi mo na gusto ko sya."- dahil imposible talaga na magkagusto ako sa lalaking yun. Tsaka magkaiba ang aming mundo kaya lalong di kami pwede.
"Hoy wala naman akong sinabi na gusto mo sya pero sana hanggang dyan nalang yan dahil alam mong hindi pwede."- makahulugan na sabi nya.
"Yun na din ang ibig mong sabiin tsaka wag kang mag-alala dahil alam ko dapat na kinalalagyan ko."-Dahil kung magmamahal ako dito sa mundong ito alam ko na masasaktan lang kaming dalawa masyadong komplikado ang aming kalagayan ang magmahal ng magkaibang mundo ay isang kahangalan.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad kwento pa ng kwento saakin si lara sa mga bagay-bagay hanggang sa nakarating na kami sa pupuntaan namin.
"Tumuloy kayo"-rinig namin sabi ni ginoong Anthony na nasa loob pagkatapos naming kumatok kaya binuksan na namin ang pintuan.
Pagbukas namin ay nandoon ang mga anak ng mga konseho, kaya yumuko kami sakanila pero anong kailangan nila saamin at bakit nila kami pinapatawag.
"Pinapatawag nyo po daw kami ginoong anthony"-magalang na tanong ni lara.
"Oo gusto ko sana kayo ang isama sa paglilibot ng mga senyorito at senyorita sa bayan."-paliwanag nya. Kaya nagtinginan kami ni lara bago tumango.
Nandito na kami ngayon sa lungsod nililibutan na namin ito o mas magandang sabiin na nakasunod ako ngayon sa kanila hindi na nakasama si lara dahil may iba pa daw pala syang gagawin sa palasyo kaya ako nalang ang pinasama nila dapat si daisy nalang ang pinasama nila mas gusto pa nun kay sa saakin.
Tapos naiinis na ako dahil sa tabi ko pa tumabinh maglakad si lucian binulungan ko na nga sya dun na sya sa unaan pero ang sabi nya lang mas gusto nya daw dito sa likod dahil mukha daw akong tanga sa likod nila nabubwisit nga ako sa kanya kung di lang namin kasama ang nasa unahan namin kanina ko pa to sinigawan.
BINABASA MO ANG
The girl from the other WORLD (EDITING)
FantasyIsang hindi ordinaryong babae na galing sa ibang mundo na may kakaibang kapangyarihan na mapupunta sa mundo ng mga tao. Ano kaya ang magiging kapalaran nya pagkatapos yang mapunta sa lugar na yun. At ang mangyayari sakanya, makakabalik ba sya sa ka...