Third persona pov
Tatlong araw na ang makalipas ng sinugod ng mga rebelde sina prinsipe lucian sa lungsod at hanggang ngayon hindi parin nila natutukoy kong sino ang nasa likod ng pagsugod na yun.
Nag-aalala ang lahat sa kanila at mabuti nalang at walang nasaktan sa mga royalties pero nagulat ang lahat nang makita si denisse na walang malay habang buhat ito ng prinsipe at may sugat pa ito sa kaliwang braso nya.
Agad syang dinala sa pagamuta at agad ito ginamot ng manggagamot ng palasyo at tatlong araw na din ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi parin nagigising si denisse, nag-alala na sila sakanya dahil tatlong araw na itong tulog.
Ngayon at nasa kwarto si lara upang biaitain ang kayang kaibigan na mahimbing na natutulog.
"Hoy, denisse nako tatlong araw ka ng hindi gumigising."- pagkakausap nito kay denisse habang tulog ito tapos na kasi ang kanyang gawain sa palasyo kaya naiisipan nyang dumalaw sa kaibigan.
"nako ikaw babaita ka , mukhang napasarap ka sa pagtulog ,kung ako sayo gumising kana dyan"- patuloy pa nito.
"Nako gumising kana dyan dahil may ikukwento pa ako sayo"- kausap ko pa ulit. Magsasalita pa sana sya ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang prinsipe doon.
"Magandang haposn po, mahal na prinsepe."-magalang na bati neto sabay yuko upang magbigay galang tumigin sya saakanya tsaka nalang ito tinanguha at dumaretso na sa kinaroroonan ng dalaga.
Bilib nako sa babaitang to, akalain mo simula ng mawala sya ng malay palagi syang dinadalaw ni prinsipe lucian at minsan nga dapat babantayin ko si denisse nung isang gabi pero hindi ko na naituloy dahil nandun si prinsipe lucian at kinakausap sya kaya hindi na ako natuloy at hinayaan nalang si prince lucian na sya ang magbantay sakanya. Ani ni lara sa isip.
"Mauuna na po ako mahal na prinsipe."-di na sya pinansin nga prinsipe kaya lumabas na ito ng kwarto.
"Alam ramdam ko na iba na ang nararamdaman ni prinsipe lucian sayo, kaya sana hindi ka magkakamali sa mga desisyon na gagawin mo, denisse"- bulong ni lara sa sarili habang may mga ngiti sa labi bago ito tuluyang umalis sa klinika.
Denisse pov.
Ano ba yan bat ang ingay kita naman may natutulog na tao dito o respeto naman.
"Hoy, babaeng tatanga-tanga"- rinig kong sabi nong boses. Tsaka ano daw tatanga-tanga isang tao lang ang tumatawag saakin ng ganoon kaya bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Ito na ang pangatlong araw mo pero di ka parin nagigising."- inis na sabi nya, kaya nagtaka ako. anong tatlong araw na akong tulog.
"Ginagantian mo ba ako para mag-alala ako sayo dahil sa mga pambubwisit ko sayo kung oo ay nagtagumpay ka."-para namang kumirot ang puso ko sa tuno ng pananalita nya.
"Nagiging bobo na din yata ako latulad ng isanh to. Bakit ba ako nakikipag-usap sa taong tulog"-medyo na inis ako dahil dinamay pa ako sa kaboboan na meron sya. Natahimik naman ang buong paligid baka umalis na ito kaya medyo nalungkot ako pero wala naman akong narinig na bumukas ang pinto, kaya lang ilang saglit lang ay may kamay ang biglang humaplos sa pisngi ko.
"Hoy denisse pakiusap gumasing ka na,pangako ko di nakita tatawaging tanga basta gumising ka nalang dyan. "-malumanay na sabi nya , pagkasabi nya nun ay bigla nalang ulit bumilis ang tibok ng puso ko at yung taong nagsasalita ay patuloy lang sa pag hahaplos sa pisngi ko.
Sigurado na ako kung kanino ang boses na yun at base sa tibok at kabang nararamdaman kong ito ay kay lucian ko lang yun nararamdaman, kaya para makasigurado ay daan daan ko na binuksan ang mga mata ko at sinalubong ang gulat na mata ni lucian.
BINABASA MO ANG
The girl from the other WORLD (EDITING)
FantasyIsang hindi ordinaryong babae na galing sa ibang mundo na may kakaibang kapangyarihan na mapupunta sa mundo ng mga tao. Ano kaya ang magiging kapalaran nya pagkatapos yang mapunta sa lugar na yun. At ang mangyayari sakanya, makakabalik ba sya sa ka...