Denisse pov.
"Ayos ka lang ba dito denisse?"-nag-alalang tanong saakin ni lara. Nginitian ko naman sya bago sumagot.
"Okay lang naman, okay naman dito kahit ipis at daga ang mga kasama ko."-nakangiting sabi ko at sya naman ay napangiwi lang.
"Baliw ka talagang denisse, bakit kasi hindi mo pinagtanggol ang sarili mo ayan tuloy nandyan ka sa selda, bwisit kasi na daisy at si michelle na yon pahamak talaga."-naiinis na sabi nya.
Pagkatapos kasi nung nangyaring yun ay sumunod ako kay heneral collin at eto nga kinulong ako bilang parusa sa kasalanan na hindi ko ginawa.
"Wala din naman mangyayari kung ipaglaban ko ang sarili ,dahil hindi rin nila ako pakikinggan"-matabang na sabi ko habang nakatingin sa pader .
Totoo naman ang sinabi ko , sino naman ang maniniwala saakin lung isang hamak na taga silbi lang ako at ang kalaban ko pa ay si michelle na anak ng heneral anong laban ko dun.
"Pero kahit na, nanggigigil na talaga ako sa babaeng yung ang sarap patulan kainis nako may araw din ang mga babaeng yun"-inis na sabi nya. Buti nalang at nandito si lara para gumaan ang loob ko.
"Oh kalam ka lang dyan, ayaan mo na sila"-natatawang sabi ko sa kanya.
"Oo na, pero ayos ka lang talaga dito, tignan mo nga ang dumi na ng kwartong tinutuluyan mo"-nang-alalang tanong nya habang nakatingin sa paligid ko.
Nandito kasi sya sa loob ng seldang kinaroonan ko ngayon, nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid.
Napakadumi nga neto at ang selda pa ay maliit pa para saakin, mayroon itong maliit na bintana na sakto lang para pumasok ang sinag ng araw tapos isang kama yun lang ang laman ng seldang to.
"Oo nga ang kulit mo talaga, ako kaya si denisse tuazon kaya wag ka nang mag-alala."-pagbibiro ko sakanya para hindi na sya mag-aalala saakin.
"Nag-aalala lang naman ako sayo, bakit ba kasi napakabait mo."- medyo naiinis na din sya sa pagiging mabaot ko.
"Alam ko, tsaka kailangan maging mabait para mapunta sa langit"-sabi ko sabay tawa sakanya kaya natawa na din sya saakin.
Marami pa kaming napagkwentuan ni lara at dahil noong oras na ng pahinga nila ay pumunta agad siya dito para kamustahin ako, napaka swerte ko dahil may naging kaibigan ako na katulad nya dito sa mundong ito.
"Nako may pagtingin ka kay ginoong anthony no."-panunukso ko sakanya, at sya naman ay bigla namula ang pisngi nya..
"Wala n-no"-nauutal na sabi nya .
"Naku bakit nauutal ka at tsaka namumula ang mukha mo."-sabi ko ulit at sya naman ay umiwas ng tingin saakin.
"Hindi no ,ano kasi mainit kaya dito kaya namumula ang pisngi ko."-palusot nya pa saakin,habang sa ibang dereksyon sya nakatingin. Buti nalang talaga at di ko na gusto si ginoong anthony kung hindi kaagaw ko pa sya sakanya.
"Palusot ka pa halata naman"-panunukso ko ulit. Sabay sundot sa tagiliran nya.
"Manahik ka nga dyan"-namumula paring sabi nya saakin..
May sasabiin pa sana ako ng biglang nagsalita ang kawal na taga bantay.
"Tapos na ang oras mo, kaya kailangan mo ng umalis."-sabi neto kaya bigla naman napanguso si lara.
"Ano ba yan, tapos na agad"-parang batang sabi nya.
"May bukas pa naman kaya umalis kana baka hinahanap kana nila dun, tsaka hindi naman ako mapapahamak dito"-nakangiting sabi ko.
"Oo na, sige alis na ako dadalaw nalang ako mamaya sayo."-sabi nya saakin.
"Sige mamaya nalang, mag-ingat ka madaming mga hayop sa paligid"-paalala ko sa kanya, pero tinawanan nya nalang ako nagpaalam na sya at umalis na.
BINABASA MO ANG
The girl from the other WORLD (EDITING)
FantasyIsang hindi ordinaryong babae na galing sa ibang mundo na may kakaibang kapangyarihan na mapupunta sa mundo ng mga tao. Ano kaya ang magiging kapalaran nya pagkatapos yang mapunta sa lugar na yun. At ang mangyayari sakanya, makakabalik ba sya sa ka...