"Go galingan nyo"-maarteng sigaw ni michelle, na parang linta na naman kung makakapit kay lucian kaya napaikot nalang ako ng mata.
"Go seniorito gerald at seniorito rafael ."-sigaw din nila daisy at ang kanyang mga alipores.
"Ano ba yan ang sakit sa tainga ang tili nila."-reklamo ko sabay takip ng tenga.
"Kainis nga tsaka ayaan mo na ang mga yan, mga papansin kala mo naman papansinin sila ng mga seniorito."- sabay iling ni lara.
Nandito kasi kami sa may luhar ng pinaghehensayo nila, para panuorin ang laban ng mga nakakataas at kanina pa naririndi ang tainga ko sa kakatili nila michelle.
Nasa gitna kasi ngayon sina seniorito gerald at si seniorito rafael dahil sila ang unang maglalaban ngayon at base sa mga galaw nila ay talagang makikita mo na mahuhusay sila sa pag-gamit sa espada, pero kahit ganon ay may nangingibabaw parin sa kanila.
"Sa tingin nyo sinong mananalo sa kanila"-tanong bigla ni seniorita christine habang seryosong nakatingin sa dalawang nagtutunggali.
"Ewan ko pareho silang magaling "-sagot naman ni seniorita anny shane.
"Denisse, ikaw satingin mo sino ang mananalo sakanila."- tanong saakin ni lara, tinignan ko muna ng mabuti ang dalawang naglalaban.
"Sa tingin ko ay si seniorito rafael."-sure na sabi ko.
"Talaga pero mas nalalamangan na ni seniorito gerald si seniorito Rafael. "- ayaw naman maniwala ni lara sa sinabi ko kaya nagkabit balikat ako.
"oo nga naman denisse, paano mo naman na sabi yun"-biglang singit michael kaya nag-asim ang mukha ko dahil nasa tabi ko na naman sya.
Kaya napatingin kami ni lara sa kanya hindi lang pala sila ang napatingin dahil lahat sila ay nakatingin saamin o sa akin pati na din si lucian ay nakatingin saakin kaya naglasalunig ang mata namin pero ako na din ang unang umiwas ng tingin."Oo nga po, kung titignan silang dalawa mas magaling gumamit ng espada si seniorito gerald pero kung titignan mung mabuti kung paano sya tumayo napaka malaking posibilidad na matalo agad sya ng kalaban nya."-paliwanag ko habang tinuturo ang tayo ni seniorito gerald kaya tumingin din sila doon.
"Ano naman ang mali sa tayo nya?"-naguguluang tanong ni christine..
"Oo nga, wala naman akong maling nakikita sa tayo nya."-maarteng sabi ni machelle. Nako ang sarap hilain ng dila nya para bakasakaling dumaretso ang pananalita nya.
"Napaka arte talaga."-inis na bulong ko..
"May sinasabi ka ba denisse"-maarteng sabi nya saakin .
"Wala po may sinasabi ba ako."-sabi ko sakanya, pero sya inisnob nya lang ako.
"Sabi ko nga kanina hindi maganda ang pagtayo nya, tignan nyo ang paa nya, dapat ang kaliwang paa nya nasa likod tapos yung kanan nya ay nasa harap na dapat ibaba ng kaunti ang kanyang katawan, katulad neto"-paliwanag ko sa kanila tsaka ginawa ang sinabi ko nilagay ko ang kaliwang paa ko sa likod tapos yung kanan sa harapan at bumaba ako ng kaunti.
"Ano naman kung mali ang kanyang pagkakatayo anong mangyayari sakanya."- mausisang tanong ni seniorita anny shane.
"Tingnan nyo sila at malalaman nyo kung anong mangyayari."-sabi ko ,tumingin din sila at ilang saglit lang ay nakita na nila kung ano ang ibig kong sabiin.
"Natumba si gerald, ayos ka lang ba"-nag-alalang tanong ni seniorita christine sa kanya tsaka sila lumapit doon sa kinaroroonan nila.
"Ayan ang ibig kong sabiin sainyo"-sabi ko sakanila, bumaksak kasi si seniorito gerald dahil napansin yata ni seniorito rafael na hindi balanse ang pakakatayo ni seniorito gerald kaya ang ginawa nya ay sinugod nya ng sinugod hanggang sa mawalang sya ng balanse sa katawan.
BINABASA MO ANG
The girl from the other WORLD (EDITING)
FantasyIsang hindi ordinaryong babae na galing sa ibang mundo na may kakaibang kapangyarihan na mapupunta sa mundo ng mga tao. Ano kaya ang magiging kapalaran nya pagkatapos yang mapunta sa lugar na yun. At ang mangyayari sakanya, makakabalik ba sya sa ka...