80

135 19 11
                                    

"Wala kang sinabi na lumipat ka." Sabi ni Dark nang maka pasok siya sa nirerentahan kong condo.

Nang maaresto kasi si tatay, napagdesisyunan kong manirahan ng sarili ko. Ayoko na dun sa bahay, feeling ko, nakakulong ako don.

"Nah, tinatamad ako." Sabi ko at parehas kaming nag tungo sa kusina para mag luto. Kaarawan ng kapatid ko so cake ang i b-bake namin.

"Ingredients. Hindi pa nakahanda yung ingredients?" Hindi makapaniwalang sabi ni Dark.

"Gago ka. Alam mo bang kakagising ko lang? Inexpect mo talaga na ganon ako kasipag para ihanda yan lahat lahat? Ang kapal pa ng muka mong pumunta kung kailan mo gusto, tapos—"

"Do you want me to help you? Or to kill you?" He said, his voice dominating mine. Napa tahimik na lang ako at nag simula nang ihanda ang ingredients isa isa.

Gusto kong murahin ang sarili ko nang makita kong nasa pinaka tuktok yung flour. Tumingkayad ako pero kahit tumalon ako, hindi ko parin maabot.

Napatili ako nang may nagbuhat sakin, causing me to unconsciously reached the flour with no problem.

Agad akong napa tingin sa baba sa kaba na asarin nanaman niya 'ko. Shet, hindi ako makatingin ng maayos!

Tumigil panandalian ang paghinga ko nang hawakan niya ng marahan ang pisngi ko. "Ang cute mo po." Sabi niya at pinisil nang marahan ang ilong ko, dahilan para masampal ko sakanya yung harina na hawak ko.

"Galawin mo na lahat lahat, wag lang ang ilong ko."

"Muka kang tanga mag lagay ng icing!" Natatawang sabi ni Dark. Eh kaya nga ako nagpapatulong sakanya diba?! Tignan mo kung anong ginagawa niya!

Asshead.

"Try mo kaya! Tutal ikaw na ang chef dito!" Padabog kong inabot sakanya yung icing bag pero umiling lang siya, walking forward towards me.

Yung gilagid niya, omg.

Ihinarap niya muli ako sa cake at marahan na hinawakan ang kamay kong may hawak ng icing bag. Bigla akong napapikit dahil alam kong namumula nanaman yung muka ko.

"I can't just do this alone. You need to do it, with me."

He glided his desired design with his hand attached to mine. Kada pisil niya ng kamay ko, hindi ko maiwasang manlambot sa kinatatayuan ko.

Ang init ng kamay niya.

Nang matapos na ang pag d-decorate niya, mabilis akong napa bitaw sa icing bag. "Uh, tapos na! Salamat sa pag tulong." Utal kong sabi habang tinatanggal yung naka buhol na apron sa likod ko. Muntikan na 'kong mag mura dahil ayaw matanggal nung buhol.

Nakakahiya shet.

"Ako na." Nanigas ang mga kamay kong pilit na tinatanggal yung buhol ng apron nang siya na mismo ang mag tanggal. Grabe, hindi naman siya ganito nung bata si Dark ah! Naku, napaka siga niyan nung nag lalaro kami.

But he changed. Ang sweet na niya, pero hindi parin natanggal yung pagka siga niya.

"S-salamat ulit." Utal kong sabi. Just to avoid the awkwardness, tinulak ko na siya kaagad sa pinto palabas.

"Teka—"

"Bye! Sa chat na lang tayo mag usap!" Sinaraduhan ko agad siya ng pinto at sumandal ako rito. Kinakapos ako ng hininga, at ang bilis din ng tibok ng puso ko.

The feeling is back.

I still love him don't I?

Shortcut | m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon