95

100 23 15
                                    

Dark

"All my ladies! Put cho hands up!"

Kasalukuyan akong nasa bar, nagpapa kalasing ano pa ba. Pinatay ko ang cellphone ko at lahat lahat dahil alam kong maraming naghahanap sakin ngayon.

Pero hindi ako hinahanap ni Yara. Sad life. 

Siguro nakaka ubos na ako ng dalawang bote ng whiskey. Patuloy ang maingay at lively ng atmosphere ng club. Nako, ang daming nagtitirahan sa mga sulok sulok diyan.

"Hoy! Dark! Lasing ka nanaman!" Napatingin ako sa gilid ko. Huh? Bakit nandito si Yara?

Inalog ko ng kaunti ang ulo ko pero si Yara parin talaga ang nakikita ko. Suddenly, bigla akong naiyak at niyakap siya. Ramdam ko ang malakas niyang pagpiglas sa yakap ko. Tangina, ang lakas na niya!

"Yara~ bakit mo ko iniwan? HUHUHUHU."

Naramdaman kong may bumatok sakin. "Gago! Siraulo! Hindi nga naging kayo eh! Si Nick 'to! Tama na nga sa pag inom!" Malakas niyang sigaw at inagaw ang whiskey sa kamay ko.

"Huh? Walang kami? HUHUHUHU!"

"Asa. Nireject ka nga diba?"

Right. Palagi naman akong nirereject eh. Ganyan naman lahat ng mga babae eh! Basta't may makitang pangit na parte sa lalakeng gusto nila, turn off kaagad! 

Sa inis ko, nahagip ng nga mata ko ang isang puno sa isang tabi. Agad ko itong nilapitan at doon ito pinagsusuntok.

Walang may pake.

Kahit ako, wala akong pake kahit mamatay ako dito.

Kada suntok ko, isa isang tumutulo ang mga luhang kahit kailan, ayokong pakawalan.

Nararamdaman ko kung paano bumaon ang maliliit na tangkay ng puno sa mga nagdudugo kong kamao.

I know I don't deserve this but heck, I really do dahil kailangan ko ng gumising sa katotohanan.

"Dark! Tama na! Mapuputulan ka ng kamay niyan!" What the heck?? Muka ba akong bata sa lagay na 'to?

Hangin nga lang kayang suntukin ng bata eh! Ako puno! Ang laki ng diperensya!

"Gago wala akong pake! Masakit na eh!" Iyak kong sabi habang tinulak siya.

Pinunasan ko ang mga luha sa muka ko at dinuro si Nick.

"Wag mo 'kong susundan." Malat kong sabi at naglakad palayo.

Mula ngayon, wala nang silbi lahat ng babae sakin. Pare parehas lang sila. Mga paasa.

Lalo ka na, Yara Kim.

Shortcut | m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon