83

103 15 5
                                    

4:28 am.

Dark: Gala tayooooo

Dark: bored akooi

Seen.

Yara: ulol.

Yara: may trabaho me.

Dark: huh, wala ka bang day off?

Seen.

Yara: di uso sakin yan -_-

Yara: sabik ka atang makita ako? ;)

Seen.

Yara: i mean, kakakita lang natin kahapon.

Seen.

Yara: miss mo na ko no? HAHAHAHA

Dark: di ba sabi ko sayo, kikilalanin pa kita?

Dark: matagal na nung magkasama pa tayo.

Dark: ang dami ko ng na miss sayo.

Seen.

Dark: lalabas tayo okay?

Yara: kilig ako shet | [Deleted]

Dark

Napangiti ako habang tinitignan siyang magtrabaho habang hawak hawak ang cellphone niya.

Kinikilig kaya yon? HAHAHAHA.

Nawala ang ngiti ko nang may lumapit sakanyang babae. Mukang pinapagalitan niya ito. Damn, dapat pala hindi ko na lang siya tinext!

Napahigpit ako ng hawak sa manibela nang makita ko kung paano niya abusuhin si Yara.

Mas lalong nag init ang ulo ko nang malaman ko kung saan siya nag t-trabaho. Ganito pala kami mag train ng mga boss ngayon?

Nakita kong binalibag ng employee namin yung cellphone niya.

I'm fucking done.

Yara

"Sorry po." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko nang ihagis niya sa harapan ko yung phone ko.

Crack na yung screen nito.

"Sa susunod, ayusin mo yung trabaho mo!" Sa halong galit at lungkot ko, napa luhod ako.

Kailangan lunukin ang pride. Mag sasalita na sana ako nang may pumasok sa shop.

"Wala ng susunod pa." Nagulat ako nang marinig ko ang boses niya.

Kinuha niya ang sira kong phone at pinagmasdan ito.

"Tayo." Nagmatigas ako at lumuhod parin. Madadamay lang siya sa problema ko. "Hindi pwede, Dark."

"Tayo!" Awtomatiko akong napatayo dahil hinatak na niya ako.

"Ang kapal naman—"

"Ikaw ang makapal rito. Ang lakas ng loob mong abusuhin ang sarili mong empleyado, samantalang tapos na ang working hours niya." Napakapit ako sa damit ko nang bitawan niya ang maiinit niyang salita sa harapan ng boss ko.

"Ni wala na ngang customers yet inabuso mo pa siya dahil sa paggamit ng phone during extended working hours! Sa tingin mo ba patas 'yon sa mga mata ko?"

Dahil siguro sa malakas at nakakatakot na boses ni Dark ay itinuon na lang ng boss ko ang atensyon niya sakin.

"Ikaw! Sesan—"

"No need, mag r-resign na siya." Muntik na akong matumba nang hatakin niya ang apron na nakadikit sa katawan ko at ibinato sa mismong harapan ng boss ko.

"Idedemanda na—"

"Sure, go ahead. Idemanda mo ang boss mo. Bukas na bukas, kapag nakita ko pa yung gamit mo rito, baka gusto mong baliktarin ko ang sitwasyon at ikaw ang idemanda ko?"

Siya ang boss ng boss ko?

"I am Dark Miralos, and I'm currently firing you from your position."

Shortcut | m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon