Nabitawan ko na lang ang phone ko at kusang napa takbo sa banyo.
Mga sampung minuto akong dumuduwal, at halos mapuno ko na yung lababo dahil sa walang humpay kong pag duwal.
Tinignan ko ang namumutla kong muka sa salamin at nag ayos na ng sarili.
Pagka upo na upo ko sa kama, inatake nanaman ako kaya bumalik ulit ako sa banyo para maglabas ng galit sa lababo.
Akala ko magkaka sakit ako, pero nagulat ako nang may makita akong dugo a lababo.
I quickly wiped my mouth at lumabas ng banyo.
Pumunta ako sa sulok ng kama ko at doon naupo. Nanginginig ang buo kong katawan at pinagpapawisan rin ako ng bongga.
Hindi ko na napansin ang pag vibrate ng phone ko dahil sa nakita ko.
Without a warning, naubo ako bigla. Kumuha ako ng bimpo at agad na ipinantakip sa bibig ko at doon tumahol ng ilang beses.
I was terrified to see blood.
Tumindi ang panginginig ng katawan ko at nagawa ko na lang ay kunin ang phone at jacket ko at nagmamadaling lumabas.
Anong nangyayari sakin?
BINABASA MO ANG
Shortcut | m.yg
Humor[TAGALOG] Si Him, ini-istalk si Her. Inistalk pa, magkakilala rin naman. Seen series [#2] Date started: 09/07/2017 Date ended: 11/12/2017 Book cover: Kweyrn Highest Rank Achieved: [#46] in Humor 11/11/2017