97

96 17 3
                                    

Dark

Naging suki na ako sa bar na 'to. Yet, nandito parin si Nick, Pinipigilan akong uminom.

"Bitaw nga! Sumayaw ka na lang don! Mag twerk ka! Bilis!" Iritang sabi ko bago inumin yung alak na hawak ko.

Pero tumapon ito sa muka ko nang agawin ni Nick yung alak.

"Puta!"

Nasuntok ko na lang siya sa halong inis at kalasingan ko. Agad kaming pinalabas at hindi na rin kami pinapasok.

Mas lalo lang akong nairita.

"Tignan mong ginawa mo! Wala na akong—"

"Shut your fucking mouth. Hindi porket nireject ka, eh parang pumutok yang utak mo at wala ka ng magawang tama."

Tama siya. Binigyan niya ako ng malakas na batok.

"Gago, move on na. Binigyan mo pa 'ko ng pasa sa muka. Pakyu."

Nang makatalikod siya, hindi ko na napigilang bumagsak sa lupa. Kahit yung lupa ayaw sakin~

"Ang saket! Ang sakeeet! Puta ang tigas!" Maktol ko. Nagpagulong gulong sa lupa. "MOOOO! Wala na si Yara!"

"Tayo nga! Ililibing kita diyan eh!"

Nang maiuwi na ako ni Nick, mas lalong lumakas ang tama ko.

"YARA? NANDITO KA PA? BABE! BABOY KO! NASAN KA?????" Malakas kong sigaw habang nagtatakbo sa buong bahay.

Nandito si Yara.

"Yara!" Tumakbo ako sa couch at niyakap si Yara. ANG LAMBOOT! Parang unan lang!

"Hoy gago! Unan yan ng aso manahimik ka!" Inis na sigaw ni Nick habang inaagaw ang unan sakin

No! Wag si Yara!

Inakyat rin niya 'ko sa kwarto ko at binato sakin ang kumot ko. "Puta, ayan si Yara! Yakapin mo na! Kahit gumawa ka ng milagro diyan! Bahala ka na dyan!" Narinig ko lang ang pagsara ng pinto ng kwarto ko.

Bigla akong nanahimik.

Umiiyak ako habang malayang niyayakap ang kumot ko.

"I really wished, na si Yara talaga ang kayakap ko ngayon." Hikbi ko.

I wish.

Sino nag v-volunteer para ihatid si Dark sa mental? 😂

Shortcut | m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon