"Ang init mo. Kanina ko pa yan napapansin." Nag aalalang sabi ni Dark habang hinihimas ang noo ko. Nakahiga kasi ako sa hita niya. Oo na, kinikilig ako. HAHAHAHA. Kahit nilalagnat ako.
"Ang hot ko kasi." Kahit nauubo ako, nasabi ko parin 'yon. Tawa naman ng tawa si Dark, luh. Bentang benta? Basically, pinanggigilan niya ko.
Sa hindi inaasahan, hinalikan niya ang noo ko, dahilan para mapabangon ako.
"A-anong ginawa mo?" Namumula kong sabi.
"Uhh, ano-"
"Anong ginawa mo??" Pag uulit ko dahil hindi ako makapaniwala.
"Kasi-"
"Kasi ano?!"
"KASI GUSTO KITA! Hindi ko lang napigilan yung sarili ko." Nagkakamot niyang ulo at tinalikuran ako. Huh? Paki ulit nga? Gusto niya ako?
Suddenly, bigla siyang humarap sakin, still looking red. "Uhh, gusto mo ba 'ko?" Bigla akong napangiti sa tanong niya?
Magsasalita na sana ako nang may maalala ako.
"You are suffering from a stage 3 lung cancer. Kailangan ng operahan ang baga mo. Kung hindi, ikakamatay mo."
Biglang bumagsak ang ngiti ko at tumingin sa kung saan. Mag d-desisyon na ako.
Masasaktan siya kapag nalaman niyang may sakit ako. Mas mabuti nang hindi ko muna sabihin sakanya. Kapag gumaling na ako, saka ko sakanya sasabihin. Mukang tanga man ang desisyon ko, this is how my life goes.
Bumuntong hininga ako, at mag sasalita na sana, pero nabigo ako. Mahal na mahal ko siya, yet malalayo nanaman ako sakanya? May posibilidad na hindi ako maka abot sa operasyon.
"Hindi kita gusto, hindi kita mahal, kaibigan lang kita na mahilig mag shortcut sa chat."
Napaka sakit bitawan ng mga salitang 'yon, yet I mustered up all the courage left in me para itulak siya palabas ng bahay ko. He tried to insist, pero pinuputol ko lang siya.
"You're kidding me."
"No I'm not. Labas. Kung ayaw mong putulin ko pati ang pagkakaibigan natin."
Puwersahan niyang inalis ang kamay ko sa magkabilaang braso niya, sending a death yet, broken glare.
Gusto ko siyang yakapin, pero hindi makaya ng katawan ko. Dahan dahan siyang umatras habang pinupukol niya ang mga nakaka lungkot niyang titig sakin.
"If you're going to reject me like this, ano pa nga ba ang silbi ng pagkakaibigan natin? Sabihin na lang natin na hindi kita kilala, at hindi mo ako nakilala. Kalimutan mo na rin na pumunta ako dito." Nag igting ang mga panga niya at ang mga kamao niya at kusang umalis ng bahay ko.
I saw him crying, sobrang sakit na makita siyang umiiyak. "D-Dark..." Nanghihina kong bulong.
Kanina lang nandito siya, ngayon wala na siya. At kailangan kong tanggapin na hindi na siya babalik, kahit kailan.
Nandito lang ako sa likod ng pinto, nagmumukmok. "I'm sorry. But telling you the truth will just hurt you more, than you are now."
I'm broken, and it's okay. As long as it's for his happiness, I will continue break myself. Hanggang sa wala nang matira.
-
I cri ;-;
BINABASA MO ANG
Shortcut | m.yg
Humor[TAGALOG] Si Him, ini-istalk si Her. Inistalk pa, magkakilala rin naman. Seen series [#2] Date started: 09/07/2017 Date ended: 11/12/2017 Book cover: Kweyrn Highest Rank Achieved: [#46] in Humor 11/11/2017