76

134 22 17
                                    

Yarra

Nagpa gulong gulong ako sa kama, mukang hindi ako mapakali ngayon. Nabasa na kaya niya yung last entry?

Ang tanga ko naman para mahulog ko yung diary sa jeep! Wala pa naman akong gaanong pake sa mga gamit ko kaya hindi ko napansin. Pinagsisisihan ko ring bumili ako ng ganong klasing Dora na diary.

Nabasa niya kaya yung mga time na hinahanap ko siya? HALA.

Baka nalagay ko sa diary na siya yung first love ko!

Pero, wala naman siyang nabanggit kaya safe pa 'ko.

Hindi naman kasi ako mahilig magsulat tungkol sa sarili ko, pero pinilit lang ako ng mga kaibigan ko.

Naitakip ko na lang yung unan sa magkabilaan kong tenga. Sino ba kasi yung kumakatok sa ganitong madaling araw?

Mas lumakas pa ang katok nito kaya naman nairita na 'ko. "SANDALE!" Inis kong sigaw at patakbong tinungo ang pinto.

"Ano bang problema mo at—"

Naputol ang sinabi ko nang yakapin ako nung nasa pinto. Puta— sino ba 'to?! Marahan kong tinapik ang likod niya para alisin siya sa pagkakayakap sakin.

"Sino ka ba?! Al—"

"Why didn't you tell me?" Nanlulumo nitong sabi. Naririnig ko rin ng buo ang paghikbi niya. Kahit naguguluhan ako, pinilit kong iwasan kung gaano ka awkward ang posisyon namin.

"Uh, kung sino ka man, siguro may mabigat kang problema. Pero—"

"Ang slow mo parin." Dahan dahan siyang kumalas sa yakap. Hindi ko mapigilang magulat.

My droopy eyes widened, and my whole body tensed up. Pati ang naka kubo kong likod, dumiretso rin sa nakita ko.

He's... He's really here? For real?

"D-dark..."

Shortcut | m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon