100

111 16 10
                                    

Note: ito na yung time sa kalagitnaan ng operation ni Yara~

Saka, gagawin kong salit salitan yung scene nila Dark at Yara. Kapag italic, kay Yara, at kapag normal lang, kay Dark.

Author

Halos banggain na lahat ni Dark ang lahat ng nadaraanan niya sa daan. He was going insane, dahil kasalukuyan nang ino operahan si Yara.









Malas niya, naabutan pa siya ng traffic.

"Tangina, usod naman!"

"Doc, ready na po ang pasyente."


















Malapit ng masira ang busina ng kotse ni Dark kaka suntok niya sa kotse niya. Hanggang ngayon,  hindi parin umuusod ang walang hanggang traffic.

Napagdesisyunan niyang bumaba,  at tinakbo na lamang ang ospital.

Hindi man niya habit ang tumakbo, ginawa pa rin niya. Makita lang si Yara.

























Tagaktak ang pawis niya, habang tumatakbo sa ilalim ng tirik na araw. Wala siyang pake, ang gusto lang niya ay ang makitang humihinga ng buhay si Yara.

Sana lang matanggap niya ang bulaklak na dala dala ni Dark habang tumatakbo sa initan.

"Hintayin mo 'ko. Wag kang selfish."

"Paabot ng scalpel. Maghanda kayo, masyadong fragile ang katawan ng pasyente."























Halos manghina si Dark kakatakbo papunta sa ospital. At dahil sa kasipagan ni Dark, mabilis  siyang naka apak sa ospital.

"Yung room ni Yara Kim?"

"Doc! Humihina ang pulso ng pasyente!"



















Dahil mali ang impormasyon na nakuha ni Dark mula sa tangang receptionist, pinuntahan niya ng diretso ang kwarto ni Yara.

Masyadong mainipin si Dark kaya tinungo na lang niya ang hagdan at hindi na nag elevator.

"Defibrillator! Bilis!"

Kanina pa tumutulo ang mga luha ni Dark sa takot na baka kung ano na ang nagyari kay Yara.


















"Please be okay."




























Patuloy niyang sinasabi ang mga ito habang hinahanap ang room number ni Yara.

699

Ngunit nasa mga room 630 palang siya.

663...

665...

669...

Muntikan nang malagas ang mga bulaklak para kay Yara. Buti naman, may naka survive.

"Time of death,"


























Nahulog lamang ang mga dalang bulaklak niya nang makitang walang tao sa kwarto ni Yara.

Malinis na naka tupi ang mga kumot at mukang bakante na ang kwartong pinasukan ni Dark.

Napaluhod na lang si Dark at doon nagmukmok.



















"11:36 am."
























Biglang may tumapik sa balikat ni Dark at nakitang si Nick iyon. Si Nick na wala pa ring emosyon sa muka.

"Dude, nasa operating room siya. Wag kang mawalan ng pag asa."


























"Doc, bumalik ang heart beat ng pasyente."


-The End-

Shortcut | m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon