Dark
Masaya akong naka akbay kay Yara habang nag lalakad kami sa kahit saan. Kilalang kilala ko 'to. Alam ko kung okay siya oh hindi. Kaya ko nga siya inaya ulit dahil gusto ko siyang pasayahin. Para naman maka bawi ako sakanya.
She's been working her ass off para sa tatay niyang basagulero. What' the point?
Pero kanina ko pa gustong alisin to sa dibdib ko.
Bakit parang kinakabahan ako? Also, kanina pa namamawis ang kamay ko kaya inakbayan ko na lang si Yara. Iba talaga kapag pasmado ang kamay mo. Para ka na ring naghugas ng kamay. Pawis pa gamit, ewwww.
"Restroom lang ako." Awtomatiko akong napabitaw kay Yara. "Geh, tignan mo kung may tagos ka." Natatawa kong sabi. Agad akong namulubi sa palo niya sa likod ko. "Huh, wala kaya ako ngayon! Tignan mo pa-"
Agad kong tinakpan ang bibig niya. "Oh, ayan ka nanaman sa kainosentehan mo eh. Sige na! Alis na!" Pagtataboy ko sakanya.
Mabilis niyang tinaas ang middle finger niya at nag flying kiss bago tumakbo papunta ng restroom. Aba, proud ang ina.
Napa talikod na lang ako at napa hawak sa dibdib ko. "WHOOOO! PARA AKONG SINASAKAL!" Nababaliw kong sabi.
Baliw na ba 'ko? Baliw sakanya? Looool.
Kanina pa talaga ako hindi mapakali. Feeling ko, matatae na ako eh. Sa tuwing makikita ko siya parang gusto kong tumakbo palayo at tignan siya sa malayo.
Ilang minuto na akong naghihintay. Natatanaw ko na siya sa pinto ng restroom, pero bigla siyang nawala ulit. Biglang bumalik ang pakiramdam ko kanina.
Nasaan siya?
She looks pale as fuck, at mukang hindi niya alam kung anong gagawin sa buhay niya kanina.
Halos tumigil na ang pintig ng pulsuhan ko kakahanap sakanya. At nakita ko na siyang hila hila ng isang lalaki. Anong problema sakanya?! Bakit ayaw niyang lumaban?
Mabilis ko silang hinabol habang sumisigaw. "SANDALE!!! WHOOOO!"
Kailangan kong paalisin yung lalake nang hindi gumagawa ng gulo. Basta, walang suntukan! Kung gusto niya makipag suntukan siya sa puno! "Sino ka? May kailangan ka ba sa jowa ko?" Patay malisya niyang sagot.
Pinagkrus ko ang mga braso ko at kinunutan siya ng noo. "Sinong inuuto mo? Kapatid mong panot? Kanina lang ako kasama niyan eh! Saka alam mo ba, MAY CANCER YAN!"
Wala, yun yung lumabas sa bibig ko eh. May magagawa ba 'ko?
"Ano?! Kaya pala ang putla! Diyan na nga kayo! Mahawa ka sana!" Tinulak niya palayo sakanya si Yara at agad ko siyang nilapitan para tignan ang kalagayan niya. Pinakyu ko yung lalaki dahil sobrang putla na talaga ni Yara.
"Oo! Alis na! Ako lang mahahawaan nito! Kaibigan ko 'to eh!"
"Mahal ko rin toh!"
-
Natagalan 'to kasi na delete ko. :<
BINABASA MO ANG
Shortcut | m.yg
Humor[TAGALOG] Si Him, ini-istalk si Her. Inistalk pa, magkakilala rin naman. Seen series [#2] Date started: 09/07/2017 Date ended: 11/12/2017 Book cover: Kweyrn Highest Rank Achieved: [#46] in Humor 11/11/2017