82

103 16 1
                                    

Yara

"Tara na?" Aya sakin ni Dark palabas ng bahay. Again, the familiar tingling sensation was back nang akbayan niya ako.

Wag ka namang ganito oh.

Pumunta kami sa pinak malapit na sakayan ng jeep. Sa kasamaang palad, halos lalaki ang mga pasahero.

Pipito lang ang mga babae.

I looked over to Dark who was listening to music habang naka pikit ang mga mata. Buti pa siya, relax relax lang.

Medyo napa usog ako kay Dark nang may umupong lalaki sa tabi ko. I assumed nagising si Dark sa ginawa ko.

"Naiilang ka?" Tanong niya. Napahawak ako sa pulsuhan niya nang maramdaman kong sumisiksik yung lalaking tumabi sakin. Mukang may umupo sa tabi niya.

"Dahan dahan naman." Biglang sabi ni Dark ng medyo mataas na boses sa katabi kong lalaki.

Hindi na niya siguro napigilan ang temper niya at nakipag palit ng pwesto sakin sa pinaka dulo.

Wala na akong katabi, bukod sakanya.

Siya lang.

Ipinasok niya sa tenga ko ang isa niyang earphone. "Mahaba pa ang biyahe." Sabi niya at ipinikit ang mga mata niya.

How can you act so natural?

"Happy birthday, Yubi!" Nag ingayan kami sa kusina at nag simula ng kumain.

"Ate sino yung kasama mong lalake?" Tanong ni Yubi sakin. Walang sabi akong napa tingin kay Dark na kumakain ng tahimik sa isang tabi.

As if like he heard what Yubi said, pumunta siya sa pwesto namin dala dala ang hawak niyang pagkain.

"Dark ang pangalan ko bakit?" Maangas nitong sabi na para bang nakikipag laro. Nginisian lang siya ng kapatid ko.

"Well, Yubi ang pangalan ko at gusto kong sabihin na malaki ang gilagid mo! Bleh." Tanginang batang 'to. Lakas maka pang asar.

"Aba, Manang mana ka sa ate mong—"

"Sa ate kong honest sa gilagid mo?" Natawa na ako ng tuluyan. Grabe, nabara pa siya ng kapatid ko.

Mana nga sakin. Lol.

Sa inis siguro ni Dark, napitik niya yung noo ni Yubi. At awtomatikong umiyak si Yubi, at patakbo akong niyakap.

"Tss. Isang pitik ka lang pala eh."

Agad kong tinakpan ang tenga ni Yubi at agad na nagsisigaw.

"Ikaw, para kang bata! Pikon na pikon ka! Gusto mong pitikin ko yang gulagid mo?! Birthday na birthday nito, pinapaiyak mo!"

Nagkibit balikat siya. "Happy birthday." Sarkastiko nitong sabi. Inirapan ko siya saka sinimulang patahanin si Yubi.

"Sorry na si kuya Dark okay? Eto, regalo." Nagmamaka awang sabi ni Dark at inabot ang isang robot.

Awtomatikong sumilay ang ngiti sa labi ni Yubi at masaya nitong pinag laruan ang regalo sakanya ni Dark.

Napangiti ako. Siguro ang saya na ni Yubi ngayon.

"Salamat po!"

Nandito lang ako sa terrace, pinapanood kung pano sila magka ayos. Nakita ko na lang na nasa tabi ko na si Dark.

"Bangis ng kapatid mo." Natawa ako sa sinabi niya.

Bumilis ulit ang pag hinga ko, at tibok ng pulsuhan ko nang hawakan niya ang kamay ko, softly rubbing circular motions.

"I'm looking forward to know you more."

Ako rin.

I want to know you more.

Shortcut | m.ygTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon