Chapter 1

19.7K 215 6
                                    

A HOME IN YOUR HEART
By: Vinzie Agustin

CHAPTER ONE

“TAKBO! Dali na…!” Kulang na lang na pumadyak si Kayna de Rivera sa harap ng pinto ng apartment na inuupahan niya kasama ang ever-loyal alalay na si Dalya. “’Pag na-late ako, baka sipain na tayo dito. Ang dami nating bayaran this coming month.”

“’Andiyan na, ate!” halos tumitili na ding sagot nito na tangay-tangay ang kanyang two inches strappy sandals na nakalimutan niyang isama sa kanyang back pack. Naaalala lang niya iyon nang mapansing bukas pa ang zipper ng bag at wala sa kalumpunan ng mga isinuksok niya doon.

Nasarapan kasi siya ng tulog palibhasa napuyat sa ginawang pagsasaayos ng final plan sa ipapasa niyang interior design ng ire-renovate na corporate office ng isang distributing and manufacturing company na nakabase sa pusod ng Laoag City, Ilocos Norte. Naghihingalo na ang kanyang savings kaya kailangan niyang masungkit ang naturang kontrata kung ayaw niyang sa kangkungan sila pulutin ni Dalya.

Halos hablutin na niya ang sandals pagkaabot pa lang sa kanya ni Dalya. Takbo siya sa garahe. Dalya hot on her heels. Pinaikot ang itim na Honda XRM 125 na motor niya paharap sa gate. Pinindot agad ang starter pagkasuksok ng susi kasabay ng pagpihit sa accelerator. Saka niya hinarap ang kikay na alalay na may dalawang pony tail na parang sungay, mukha na hiniram sa bida ng Diary ng Panget with matching three big pimples in triad form at makulay na mga kasuotan.

“I-off mo lahat ang mga ilaw at kung anu-ano pa’ng nakasaksak maliban sa ref, ha? At huwag mo’ng damihan ng luto. Sa labas na ako kakain ng lunch mamaya. ‘Yong gripo, tignan mo kung tumutulo. At higit sa lahat, huwag na huwag ka’ng magpapapasok ng kahit sino dito sa bahay. Got it?”

“Opo sa lahat, ate.”

“Good girl.” Agad na siyang sumampa na muling pinihit ang accelerator para mapainit pa nang husto ang makina nu’n. Inabot ang helmet at isinuot.

Agad namang binuksan ni Dalya ang gate. “Ingat sa biyahe, ate.”

“Thank you. Ikaw din. Pero huwag ka’ng kakain na naman masyado, ha? Ang taba mo na. Mamaya hindi ka na kumasya sa pinto. So, stick with your diet,” bilin pa niya ulit.

Sunod-sunod itong tumango.

  A little later, kasama na rin siya sa hugos ng mga sasakyan sa lansangan pahantong sa siyudad ng Laoag City. Sa bayan ng San Nicolas lang siya, unang barangay pa kaya it only take several minutes pasugod sa naturang siyudad. Pero this time, kailangan niya nang maaga-aga’ng makarating kaysa sa napag-usapang oras for allowances sakaling may aberya pa.

Masakit na sa balat ang sikat ng araw. Pero masarap sa pandama ang may kalamigang dapyo ng hangin. Napapabuntong-hininga siya.

Namalayan na lang niya na unti-unting naging usad-pagong ang mga sinusundang sasakyan. Huminto din siya sabay sulyap sa relo. Twenty-eight minutes na lang before her meeting.

    Sumingit-singit na tuloy siya lalo nang magsipagbabaan na ang mga tao mula sa mga jeepney. Tuluyan na ring nagsihintuan ang mga sasakyan.

Ang dahilan: may bumalandra’ng container van sa gitna ng bungad ng Gilbert Bridge sukat para epektibong mapigil ang mga sasakyang may tatlo pataas ang gulong papunta ng Laoag City.

“Talk about bad timing!” gigil na naibulalas niya kasabay ng paghahaba ng leeg niya para tignan kung saan pa siya puwedeng lumusot.

    Hindi siya dapat ma-late.

“SOMETHING’S wrong?”

Nag-angat ng ulo si Tristan del Mar mula sa binabasang files sa laptop na nasa kandungan niya and peered on his personal driver nang muli itong pumasok sa loob mula sa pagtanaw-tanaw kanina para alamin kung ano ang nangyayari.

A Home In Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon