Chapter 5

6.4K 116 10
                                    

This chapter is dedicated to Mailee12345 and NorayhaMonawal...

NAGISING si Kayna sa tila komosyon sa paligid. Pagmulat niya tuloy ng mga mata, bigla siyang napabangon nang wala sa oras nang makitang nakapaligid sa kamang kinahihigaan niya sina Tita Delly, isang babaeng nurse, si Noel na katabi ang isa ring babaeng maganda pero morena—his fiancée, no doubt—at si Tristan, na kaagad niya na namang iniwasang tignan.

Napasandal siya sa headboard. “H-have I done something wrong?” she asked in bewilderment.  “Natulog lang naman ako, ah.”

Sumenyas sa kanya si Noel. Nang sundan niya ng tingin ang inihimatong nito, napasinghap siya.
May batang tila anghel na natutulog sa tabi niya paharap sa kanya. One look at him and there was peace and contentment in his sleeping stance. At sa sarap ng tulog nito, parang noon lang ito nakaranas matulog.

Napakurap siya nang may kung ano’ng damdamin ang kagyat na lumukob sa kanya.”I…I have no idea. Hindi—“

“Iha,” malumanay na sabad kaagad si Tita Delly. Tumabi ito sa kanya kasabay ng paghuli nito sa kanyang mga palad. “Be still and let him sleep. He needed it that much.” Bumaling ito sa mga nakapaligid. “Please give us a moment.”

Isa-isang lumabas tuloy ang mga ito. Sa gilid ng kanyang mga mata, natanto niyang hinuhuli ni Tristan ang kanyang tingin pero hindi siya nagbaling hanggang sa ipinid nito ang pinto.

Hinarap naman siya ng ginang. “Siya si Ralion, hija. Apo ko. May post-traumatic disorder siya ayon sa mga doctor. ”

Ikinuwento na tuloy nito ang puno’t dulo ng lahat at ang mga sintomas na nagpapahirap dito.

“B-but he’s here. At hindi ko din alam kung paano siya nakarating ditto,” nalilitong saad niya. Pero dinakma na rin ng awa ang puso niya. Kumilos ang isang kamay niya at mabining dumantay iyon sa ulo ng bata.

Humaplos.

Iglap, tila siya nabalik sa panahon na hinahaplos din niya ang ulo ng kanyang anak at kinakausap kahit nasa loob ng incubator. Doon namasa ang kanyang mga mata.

Ralion stirred just then. Bigla niyang nabawi ang kanyang kamay. Pero bumuntong-hininga lang ito ng pagkahaba-haba bago muling bualik sa pagtulog.

“There are miracles that at times, even the keenest of human mind can’t understand, hija. Sakali’t maintindihan man, nangingibabaw doon ang pag-focus sa outcome kaysa kung paano iyon nangyari lalo kung maganda iyon. And this one, maganda para sa akin, hija. Because it tells me concretely that sooner, Ralion will come around and be back to his old self again. I miss his old self, hija. I really do.” Yumakap ito sa kanya. “Thank you, hija.”

Napayakap na rin siya dito.
“But I never did anything.”
Naguguluhan pa rin siya.

“You don’t have to do something. Miracle do happen when we least expected it. I believe God gave you a miracle to bring it here kaya nangyari ito. I’m thankful. Iyon ang mahalaga.”

That should be comforting.
Pero ang hindi okey ay ang kaba na kataka-takang biglang gumuhit sa kanyang dibdib at hindi na mapigil sa pag-usbong.

Napatingin siya ulit kay Ralion. May ngiti ang mga labi nito kahit tulog. Siguro nga’y kailangan niyang gayahin ang way of thinking ni Tita Delly. Para wala na ding magsisulpot na katanungan sa kanyang isipan.

Simple logic.

Pero sa kabilang dako, hindi matanggap ni Tristan ang simpleng lohiko na iyon. He was too stunned to believe it. Patunay na ang wheelchair na nasa tabi ng nakapinid na pinto. It was Ralion’s. How in the world did he get there and even sleep beside Kayna? Hindi makalakad si Ralion at iniwan niya si Kayna kagabi na sarap na sarap sa pagtulog. He just dropped by to make sure she was okey. And now, this?

A Home In Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon