This chapter is dedicated to user43016584....
THERE’S something wrong with their family. Sa una ay hindi niya pansin iyon dahil focus siya sa pag-aaral. And then, nagkasakit nang malubha ang Mommy Naty niya. Nang gumaling naman ito, lagi ito sa labas at kapag nakauwi ay parating nakainom o kaya’y lasing.
Noong una, hindi siya umiimik. Pero nang dumalas, hindi na siya nakatiis at natanong nang diretsahan ang Mommy niya kung ano ang problema. Tila bomba ang sumabog sa harap niya when she learned the truth: Nangangaliwa ang Daddy Jose niya.
Doon na nagsimula’ng mag-iba ang buhay-pamilya nila. Wala na halos araw na hindi nagbabangayan ang kanyang mga magulang. May mga pagkakataong di na din umuuwi ang kanyang Daddy Jose. Naging lasengga ang kanyang Mommy Naty. Hanggang pati siya’y nalilito na sa takbo ng pamilya nila. From there, inayawan na niyang pumasok sa paaralan. Wala namang pakialam sa kanya ang mga magulang. Nagmakaawa na siya’t lahat, nagpatigasan lamang ang mga ito. At siya ang kawawang naiipit sa gitna.Sa bandang huli, nagrebelde na din siya. Sa gitna ng gabi, tumakas siya papuntang Baguio City, hoping against hope na matagpuan niya roon ang kanyang dating kaklase at kaibigan na si Mitos. Bumalik kasi ang pamilya nito sa Baguio City pagkatapos lang ng graduation nila sa hayskul. Sa una, may komunikasyon sila until it died a natural death a year later.
Ang masaklap, sa lawak din ng Baguio City at dami na ng pinag-ibahan doon the last time na nagawi siya roon, wala siyang napala sa paghahanap dito. Instead, she found a beautiful young woman who befriended her and take her home.
Pero hindi niya akalain na ito din pala ang magpapahamak sa kanya. Palihim nitong nilalagyan ng droga ang iniinom niyang tubig o dili kaya’y pagkain. Dumating iyon sa punto na hinahanap-hanap na din iyon ng bubot pang katawan niya. Kaya minsan, kasa-kasama na rin siya ng grupo nito sa pot session na siyempre pa’y mga anak- mayaman din.
Nagugumon na siya.Isang araw, niyaya siya nito sa isang party daw ng kaibigan nito. The carrot she dangled: ang droga’ng hinahanap-hanap niya. Marami daw iyon doon.
What does an innocent debutante could do but to go along?
Humantong sila sa isang exclusive condominium. Bukod sa droga, may alak pang kasama. Things went out of hand nang tuluyan siyang tamaan and go out with a lanky boy na noon lang din niya nakilala. Kapwa sila bangag at lasing na nagtungo sa isa pang kuwarto roon. At bago mag-umaga, her virginity was lost and he never saw the lanky boy since then. Lalo pa nang malamang pinagpustahan pala siya.
When she confronted Ali, the beautiful woman she thought was a friend, she admitted in a heated argument na nadala daw ito sa pangde-dare dito kaya nagawa ang nagawa nito sa kanya.Worst, everything was a sham. Hindi siya tinulungan nang bukal sa loob nito kundi parte rin pala iyon ng dare. It all started nang makita daw siya kasama ang mayayaman pero spoiled brat na mga kaibigan nito sa Burnham Park like a lost kitten. That was the time na lumong-lumo siya nang hindi niya mahanap ang kaibigang babae na si Mitos.
Ayon, pinagtripan siya.
Mula roon, umuwi na lang siya sa kanila na baon ang mapait na sinapit at nagmukmok. Nilabanan ang tawag ng droga sa pamamagitan ng hindi niya paglalabas. Saka niya natuklasang buntis siya. Sa takot niya naman, inilihim niya iyon sa mga magulang kagaya ng paglilihim niya sa nangyari sa kanya sa Baguio City. It was only too late nang bandang huli ay nalaman ng kanyang mga magulang ang pagdadalang-tao niya. Nagalit ang mga ito. Nasampal pa siya ng Daddy Jose niya. Pero natakot din ang mga ito sa kahihiyan at eskandalo na maaaring dulot ng pagkakaroon ng nag-iisa nilang anak ng anak na hindi rin kilala kung sino ang ama.
While her mother put all the blame to her father, his drastic move brings her all the way to Samar. Inilagak siya kay Yaya Meding, ang yaya niya noon pang sanggol siya hanggang noong isang taon lang nang magkasakit ito at kinakailangang magpahinga na sa pagtatrabaho sa kanila.
BINABASA MO ANG
A Home In Your Heart
General Fiction"Hayaan mong mahalin kita. Let me be the home you have been searching for so long..." Sisinghap-singhap na ang savings ni Kayna de Rivera at ang tanging makasasalba sa kanila ng kanyang alalay ay ang proyektong hindi pa sigurado kung sa kanya nga ma...