This part is dedicated to the following readers:
1. Alleijahkate001
2. leiRamhye
3. bhoyem
4. hannamaejurilla
5. jhopajado
Thank your for reading and voting😊
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤HINDI pa yata naging sapat ang rebelasyong nakuha ni Kayna sa araw na iyon. Dahil pagbalik nila ni Tristan sa pinag-iwanan nila kina Tita Telly, umiiyak ito na yakap-yakap nang mahigpit si Ralion. Pati si Mommy Naty ay nakayakap dito habang nagpupunas ng luha ang kanyang Daddy Jose sa tabi ng ina.
Tuluyang gumuho ang galit at hinanakit sa mga magulang nang makita niya ito sa ganoong hitsura. The years seem not too good to them. Tabingi ang mukha ng daddy niya at pansin niya na parang hindi nito maigalaw nang maayos ang isang paa at kamay. At tumanda nang sobra pa sa totoong edad nito. May mga puting buhok na rin. Something happened to him.
Ganoon din si Mommy Naty. Habang nasasalamin pa rin ang dating ganda nito noon, hindi na maitatatwa ang kulubot ng mga balat nito sa mukha. At ang mga mata nito, parang nawalan ng kinang. Nakasalamin na din. At hindi na mapustura ang damit.
Napatakbo na siya payakap sa mga ito. Humahagulgol ng iyak. “Mom, Dad, I’m sorry. I’m really sorry. Sa kabila ng lahat, mahal ko kayo. Mahal ko kayo…”
“A-anak…anak ko!” bulalas ng daddy niya sabay yakap din ng mahigpit sa kanya, umiiyak din. “Patawarin mo din kami ng mommy mo, anak. Marami kaming naging pagkakamali at pagkukulang. Kami ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sa iyo. We are not good parents enough to offer you the best of what we could. Kami pa ang naging sakim and drive you out. Patawarin mo kami, anak.”
“Oo, anak. Please come home. Magsisimula na tayong muli,” anang mommy niya naman na tinagtag siya sandali. “Nandito din ang anak mo, anak.”
Bigla siyang natigil sa pag-iyak na napalingon sa kanyang ina. Napalayo siya sa kanyang daddy.
“A-ano ang ibig niyong sabihin?”
“Iha, si…si Ralion. S-siya ang anak mo. I have doubts. I really do. Pero nang ikuwento ang mommy at daddy mo ang nangyari, I was convinced,” Tita Telly said between tears. “Heto, iha, look.” Pinatalikod nito ang nakahubad na si Ralion and saw it for the first time ang malaking birth mark na itim na itim malapit sa gilid ng kilikili nito. “Your dad saw it, too. And your mom showed your pictures noong bata ka pa. May ganito ka rin. Ngayon, hindi na ako magtataka kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ni Ralion sa iyo, iha. Ramdam niyang ikaw ang ina niya,” patuloy nito. “Iha, ampon lang ng namatay na anak at manugang ko si Ralion. At nasa akin ang mga papeles ng pagkakaampon sa kanya mula sa isang bahay-ampunan sa Samar.”
“Oh, God….oh, God! Kung sana’y nalaman ko agad.” Tila na siya sibat na agad-agad dinaluhong ng yakap si Ralion. “A-anak ko…anak ko!” At pinupog niya ito ng halik sa kahit saan na lang.
Yumakap naman sa kanya si Ralion. May nginig ang mga kamay nito na tumaas iyon at naglanding sa kanyang magkabilang pisngi. Sinubukan nitong punasan ang kanyang mga luha. “M-mama, n-no cry,” bulol na wika nito sabay ngiti.
Lalo lang siyang umiyak. Noon naman lumapit si Tristan at hindi na din nasagkaan ang sarili na umiyak. Niyakap din nang mahigpit si Ralion bago inilayo nang kunti ang sarili at tinignan ito na parang noon lang din nito nakita. Inabot ni Kayna ang pisngi nito at pinunasan ang mga luha ng lalake.
“Now, I understand kung bakit sa tuwina parang lumulukso ang dugo ko kapag nakikita kita. And feel those pain sa kaalamang nagsa-suffer ka. Kiddo, I’m you father. Call me Papa, too, will you?”
“I-iho…tama ba ang nadinig ko?” Si Tita Telly, gulat na gulat ang anyo.
Maging ang mga magulang niya ay tila hindi makapaniwala sa narinig nang balingan niya ang mga ito.
Hinarap tuloy nila ang mga ito. In between tears and laughters and hugs, ikinuwento tuloy ng mga ito kung ano ang nangyari.
BINABASA MO ANG
A Home In Your Heart
General Fiction"Hayaan mong mahalin kita. Let me be the home you have been searching for so long..." Sisinghap-singhap na ang savings ni Kayna de Rivera at ang tanging makasasalba sa kanila ng kanyang alalay ay ang proyektong hindi pa sigurado kung sa kanya nga ma...