Chapter 9.2

5.4K 108 3
                                    

This part is dedicated to xtinvilla27 and KeishaHailey...
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

NAPAPIKIT si Kayna nang mariin. Habang pakiramdam niya ay waring umiikot ang paligid sa mga rebelasyong nagsisabog sa kanyang harapan, ang halik na iginagawad ngayon ni Tristan ang waring preno para huminto ang inog at hayaang maramdaman niya ang tila pag-usbong ng kapayapaan sa kanyang dibdib.

Yumakap na siya dito. Walang alinlangan na tinugon ang lalake. Buong puso. She loves him. Kailangan niyang aminin ngayon iyon sa kanyang sarili.

Pero nang maisip na may iba itong minamahal, parang muling nayanig ang mundo niya nang pilitin ang sarili na humiwalay dito. Sinundan na rin niya iyon ng agarang pagtayo.

“I…I guess, I need to take your advice. Time to face the truth. And hoping for the best.”

Huminga siya nang malalim kasabay ng pagbaling niya ng tingin. Pinipilit ni Tristan na arestuhin ang kanyang mga mata.

“Kayna, please,” lapit nito na hinuli ang kanyang mga palad bago tumaas ang isa at humawak iyon sa kanyang baba. “Nakikiusap ako’ng huwag mo ako’ng iwasan. Tignan mo ako. Wala ka bang nakikita sa mga mata ko?” Tila maiiyak ang ekspresyon nito. “naiintindihan ko na ngayon kung bakit biglang-bigla ang dating ng mga ala-alang iyon sa tuwinang hinahagkan kita. Ipinaparating na pala na natagpuan na kita. Kayna, mahal kita. Iyon ang nandito,” turo nito sa tapat ng puso. “Dati, kailangan ko’ng pigilin dahil natatakot ako’ng hindi ko kakayanin ang isa pang daluyong sa buhay ko sakali at mawala ka rin. Pero kailangan ko’ng sumugal. Ang damdaming nararamdaman ko sa iyo ang nagpapalakas ng loob sa akin. Dahil kahit ano pa’ng pagtanggi ang maaari mo’ng sambitin ngayon, hindi ako maniniwala. Your kisses told me so. Dama ko’ng mahal mo rin ako. Hindi ba? Hindi ba?” Nayugyog siya nito nang marahan.

Muli tuloy siyang napaluha, mapait. “Pero may mahal kang iba.”

“Kung totoong mahal ko siya, hindi ko na din sana nasumpungan ang sarili ko’ng umibig sa’yo. Alam ko’ng mauunawaan niya ako. Tayo. Kayna, hayaan mo’ng mahalin kita. Let me be the home you have been searching for so long.”

Iglap, napayakap na siyang muli dito. “T-tristan…oh, God. Sana nga. Sana nga. Dahil mahal din naman kita,” amin na niya.

A Home In Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon