MATAPOS niyang bilinan nang maayos si Dalya, she just grabbed her purse and her ladies sweater at agad na siyang sumakay sa kotse ni Tristan. They travelled in silence. Pagdating sa ospital, nadatnan nilang nagkakagulo sa loob ng kuwarto ni Ralion.
Ralion was awake but he was crying so violently again. May nurse at doctor doon. They are trying to calm him down.
Si Tita Telly ang agad na nilapitan ni Tristan. Umiiyak ito sa isang sulok din while hugging herself. Siya nama’y tila natuod nang makita ang ayos ng bata. There are tubes connecting through him. His gas mask was dangling on his chin.
At pumayat.Hawak pa ng nurse ang dalawang kamay nito habang ang doctor na kasama’y tina-try na iturok ang hawak na syringe.
Agad ang sikad ng pagka-ina niya roon. “Doctor, stop that. Nakikita niyo ba ang emosyon sa mata niya? He was afraid. Please just let him go. Just let him go!” At hindi na siya nagdadalawang-isip na lumapit sa mga ito. Walang pakundangan na iniharang ang sarili, protecting him. “Alam ko’ng ginagawa niyo ang nararapat. Pero kung maaari, hayaan niyo muna. Please.” Naiiyak na din siya.
Napatingin ang mga ito kay Tristan. Pati siya. Nagkagirian ang kanilang tingin bago ito nagbaling. Tumango ito. “Tatawagin ko na lang po kayo, doc.”
Pinanuod niya ang pag-alis ng mga ito bago niya hinarap si Ralion. Awang-awang niyakap niya ito. “Sshhh…it’s okey now. It’s okey now. Huwag ka nang umiyak.” She cradled him.
As if he understand, Ralion’s cry slowly ebbing. What shocked everyone in the room was when his shaking hands was slowly but surely snake its way into her back and hugged her, too! Nagulat siya roon na biglang natigilan sa paghimas sa likod nito. Nang ma-realize kung ano ang nangyari, naiyak na siyang niyakap pang lalo ito nang mahigpit.
That’s when Tita Telly approached them at umiiyak pa rin na niyakap silang dalawa. Nang lingunin niya si Tristan, waring nagpipigil lang din sa sarili na bigla itong napalabas ng kuwarto.
A little later, kumalas si Tita Telly. Noon lang din niya napansin na nakatulog na din pala si Ralion. Inayos naman ni Tita Telly ang unan at doon niya ito unti-unting inihiga. Hinalikan niya ang noo nito bago niya inayos ang kumot.
Nagulat pa siya nang pagtayo niya, agad-agad na yumakap sa kanya si Tita Telly. Naiiyak na naman.
“Iha, salamat. Kung alam mo lang kung gaano ang paghihirap ng dibdib ko sa nagyayari sa apo ko. It is a relief with you being here. And my God, he responded with you, hija. He did!”“Wala po iyong anuman. Halikayo muna at maupo. Nanginginig po kayo,” aniya na nag-aalalang inalalayan niya ito. “Okey po ba kayo?”
Tumango-tango ito nang sunod-sunod. “Emosyonal lang, hija.” She tried to smile amidst her tears. “But I am okey now. Don’t worry.”
Noon ulit pumasok si Tristan. He looked at her pointedly. “I’m afraid but I think, dito ka na sa hospital magpalipas ng gabi.”
“Okey lang. Wala ka’ng alalahanin,” sagot niya, trying to sound casual kahit ang totoo gusto niya itong lapitan at himasin ang noo nito nang mawala ang animo mga linyang gumuhit doon. Pagod na pagod ang anyo nito.
“Hijo, bakit hindi muna kayo bibili ng kahit kape man lang? Sige na, ako nang bahala dito. I needed those caffeines right now,” singit ni Tita Telly.
Sa kabila ng nangyari kanina, parang gustong matawa si Kayna sa reaksiyon ni Tristan. Napangiwi ba naman ito saka tila inirapan ang ina bago nito isinentro ulit ang tingin sa kanya at waring nagtatanong kung kakagatin ba niya ang lantarang pambubuyo ng ina nito.
Tumayo na lang siya at tahimik na sumama rito palabas at baka kung ano pa ang maaaring gawin ng ginang.
Tumingin siya rito nang nasa hallway na sila. “Ako na lang. Minsan na akong nagpunta rito noong ipa-check up ko si Dalya dahil sa lagnat. I know my way around here. May vending machine sila ng kape sa canteen.”
Subalit hinuli nito ang isang kamay niya at halos hilahin na siya. “Tara. Gusto ko’ng samahan ka para ako na ang magbubuhat mamaya.” Noon ito ngumiti.
Kung tsinito na ito nang nakapormal, mas naging tsinito pa lalo ang mga mata nito ngayong nakangiti na. Pero tila nahihiya naman ang dating ng pagkakapunit ng ngiti sa mga labi nito.
Hindi niya tuloy naiwasang magkomento. “Keep smiling like that. Life is too short to keep on frowning. Kung hindi mo pa napapansin, you look younger when you do that. I already gathered that you are in your early 30’s.”
Bigla tuloy itong tumigil sa paglalakad. At dahil hawak pa rin nito ang isang kamay niya, pati siya’y tumigil din.
“Am I that old?” anito na inayos ang postura ng mukha. He touched his forehead and kneed it a little bago ngumiti ng todo.
Hindi na tuloy niya nasagkaan ang sarili na humagikgik na nahampas ito sa braso. Nang itinuloy-tuloy lang ang pagme-make face, pinagkukurot na tuloy niya ito.
Nagpakaiwas-iwas naman ang lalake na tumatawa na rin. Pinaghuhuli nito ang dalawang kamay niya hanggang sa mapansin na lang nila kapwa na nakayakap na pala sila sa isa’t isa.
Nagkatinginan sila bago bigla ding nagkalasan ng yakap. Lalo pa nang mapansing pinagtitinginan na pala sila ng mga dumadaan sa pasilyo. One male nurse even warned them not to make too much noise. Lumayo pa sila nang kunti sa isa’t isa. Pero pagdating sa pinto ng canteen, tumigil siya sa bungad at sumulyap dito.
Nakatingin na din pala ito sa kanya. Nagsalubong tuloy ang kanilang mga mata.
That’s when they laughed again na ikinagising ng aantok-antok na food attendant sa counter.
BINABASA MO ANG
A Home In Your Heart
General Fiction"Hayaan mong mahalin kita. Let me be the home you have been searching for so long..." Sisinghap-singhap na ang savings ni Kayna de Rivera at ang tanging makasasalba sa kanila ng kanyang alalay ay ang proyektong hindi pa sigurado kung sa kanya nga ma...