Chapter 8

5.2K 95 2
                                    

SOMETHING changed in the atmosphere. Iyon ang napansin ni Kayna pagdating pa lang nila sa Pagudpud. Ralion gave the indications of what they could expect the coming days. For that, everyone is grateful enough. Tristan somehow seemed to be distant. Tita Telly kept her thought to herself.

Like before, inukopa niyang muli ang kuwarto na dati na niyang tinulugan noong una siyang pumunta roon. May bay window iyon na nakaharap sa dagat at sa bundok. At sa mismong pool kung saan nang mga sandaling iyon ay nandoon si Tristan. Nakatayo ito malapit sa gilid na dinudulasan ng tubig paharap sa dagat. He seems in deep thought. And the tensions in his shoulders are visible. Dama niya iyon lalo na nang hindi na ito umimik matapos siyang magkuwento.
It makes her nervous.

Napabuntong-hininga na lang siya na tumalikod at inayos ang mga gamit.
That night, si Ralion ang kasama niyang natulog. Sa gitna ng gabi, bigla siyang naalimpungatan sanhi ng panaginip na tila naglahong parang bula nang tuluyan siyang magising. She felt disoriented nang mapansing wala siya sa sariling kuwarto. Pero nang maalalang nasa Pagudpud pala siya, bigla siyang napayakap kay Ralion. Iglap, a part of her dream came into her mind. Buhay daw ang anak niya and she cradled him in her arms.

Napaiyak siya roon. Hindi na iyon naalis sa isip niya kahit nang kinabukasan ay sama-sama ulit silang nagbiyahe papunta sa Hannah’s Beach Resort and Convention Center for a much needed breather sabay pasyal na rin.

Ang hindi lang niya inakalang mangyari ay ang biglaang pagkikita nila roon ng kanyang mga magulang. Nasa lilim sila ng niyog malapit sa baybayin nang mga sandaling iyon. Akmang tatayo siya para tulungan si Ralion na isubo ang kinakain nitong slice ng apple. Noon niya nakita ang mga ito na magkahawak-kamay naman na naglalakad.

Sa una, akala niya naghahalusinasyon siya lalo na nang makitang natigilan ang kanyang ina kasunod ng panlalaki ng mga mata nito mayamaya. Nang bigla na lang na napasugod ng yakap sa kanya ang kanyang Mommy Clementine at umiyak nang umiyak, noon niya natantong tunay ang mga ito at kaharap na niya!

For some wild seconds, nahiling niya na sana’y bumuka na ang lupa at lamunin siya nang buong-buo. Pero tila na siya tuod doon na hindi nakakilos sa kinatatayuan. Kahit nang paulit-ulit siya nitong hagkan habang hindi na mapigil ang pag-iyak nito. Pero nang lumapit naman ang kanyang daddy, nailayo niya kaagad ang sarili sa ina bago siya nagtatakbo palayo roon. Hindi niya pinansin ang mga ito kahit nang pasigaw ding tawagin siya ni Tristan. Parang nababaliw na tumakbo siya kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta. Ang alam lang niya ay kailangan niyang makalayo sa mga ito.

Bago pa niya nalalaman, malayo na pala ang natakbo niya. Katunayan ay iilan lang ang nakikita niyang tao sa paligid.

Noon na siya umiyak.

Noong una ay impit lang pero nang animo isang buhusan na dumating sa kanya ang mga mapapait na alaala, yumuyugyog na ang mga balikat na lumakas nang lumakas ang pag-iyak niya. Agad-agad siyang nangabay sa isang puno ng niyog nang maramdaman ang panginginig ng katawan. Pero napaupo na rin siya mayamaya. She tried hard to stop herself but the tears kept flowing. Kung tutuusin, marami nga siyang kailangang iyakan.

It was too much.

And she realized na kahit pala galit na galit siya sa mga magulang, hindi niya maitatatwa sa sarili na na-miss niya ang mga ito. Four years of not seeing them was like eternity.
Ngayong nakita niya ang mga ito, may kung ano’ng mabigat na dalahin sa dibdib niya ang naparam doon. At ang pagmamahal niya sa mga ito na pilit niyang sinisikil dahil sa nangyari ay kumawala rin. Kaya hindi niya alam kung matatayuan pa niya ang sinabi niya kay Tristan na hindi niya mapapatawad ang mga ito.

“Here, take this. It might help,” bigla na lang na may nagsabi sa likod niya.

Sa pagkagulat niya, lumagutok pa ang leeg niya nang mapalingon dito. Tristan was there, may iniaabot na pep bottle ng tubig na gaya noon. Pero this time, may kasama na iyong isang rolyo ng tissue paper.

Pero hindi niya inabot iyon. Napapaiyak lang siya na tumayo at lumayo rito patumbok sa dalampasigan na puti ang buhangin. Sumalampak siya ng upo sa lilim ng isang niyog na nanganganib mabuwal sa pagkakahilig.

Subalit sinundan siya ng lalake. Tahimik itong tumabi ng upo. Pero nang waring hindi nakatiis sa pag-e-emote niya, walang pag-aalinlangan na niyakap siya nito. Humaplos ang mga palad sa likod niya habang mabini nitong hahalik-halikan ang bumbunan niya paminsan-minsan. Ang nangyari, hindi niya tuloy matukoy kung ano ang dahilan at napatahan siya.

Nang mapansin nito iyon, inilayo siya nito sa sarili at pumitas ng tissue paper. Walang sabi-sabi na pinunasan nito ang mukha niya. Sa sumunod na pitas nito, itinapat nito iyon sa ilong niya. “Come on. Singa,” utos nito.
Napasimangot siyang inagaw iyon na lumayo ng kunti rito at patalikod siyang suminga. “T-thank you. And I’m sorry, I took off like that.”

“No problem. Ngayon, hindi na ako magtataka kung bakit kung magpatakbo ka ng motor ay para kang nakikipagkarera sa bilis. You run the same. I cannot keep up on you kaya huwag mo ako’ng yayayain sa takbuhan if ever, ha? Hindi kakayanin ng guwapong katabi mo.”

Umingos siya rito. Pero napatawa na rin siya. “Hindi lang bangko ang binuhat mo, buong sala set pa.”

“Kinaya naman,” kindat nito sabay tawa. “You ready to get back now?”

Noon siya nag-alinlangan. “Nandoon pa rin sila, ‘di ba?”

“I’m afraid so. But maybe kailangan mo na silang harapin. Avoiding them will only prolong that agony you feel inside. Palayain mo na.”

“Ikaw?”

Tila ito natigatig na biglang nag-iwas ng tingin sa kanya. Tumingin sa kawalan.

“I already laid it to rest. Only that, may mga katanungang kailangan ko din munang masagot. At kapag natagpuan ko na, maybe then, hindi na ako susulyap pa.” Noon ito nagbaling sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang mga balikat at pinilit na arestuhin ang kanyang paningin. The resolve in his eyes seemed so urgent kaya walang pag-aalinlangan na hinayaan niya ito sa nais na gawin. Huminga muna ito nang malalim bago nagsalita. “Kayna, ako ang lalake’ng nakaniig mo noon sa Baguio City at nakabuntis sa’yo. I am the lanky boy.”

Parang may bulkang sumabog sa pandinig niya. Even her breath was caught in her lungs. When goosebumps attacked her skin, nanginginig na ang buong katawan na nailayo ang sarili dito.

“N-no. No!”

A Home In Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon