Chapter 9.1

5.3K 106 6
                                    

“I’M sorry…I’m sorry!” Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Tristan habang pilit niyang niyayakap ang nagkukumawalang babae. Parang pinipiga ang kanyang puso sa bawat yugyog ng katawan nito sanhi ng hagulgol. She cried so hard. Nang makawala ito sa kanya, bumayo ang mga nakakuyom na palad nito sa dibdib niya. Hinayaan lamang niya ito kahit nang maging sampal naman iyon sa magkabila niyang pisngi.

That discovery was a shock to him na pilit niyang inaapula ang tindi. Iba nga kung maglaro ang tadhana. Hindi niya akalain na ang madilim na kahapon sa buhay niya ay muling bumulaga. Malamang nga’y oras nang magbabayad siya. Siya ang lalakeng tinutukoy ni Kayna na lanky boy na kasama nitong nagpunta sa isa pang kuwarto sa condo. Talagang nahulog nang husto ang katawan niya noon sa pagkalulong sa alak at droga. Para siya buhay na bangkay noon sa kapayatan. Alak at droga ang napagbalingan niya sa pagnanais na makatakas sa mapait na sinapit niya sa pag-ibig. At kumporme na lang kung ano ang puwedeng mangyari kapag lasing at bangag na siya.
And sex was just a part of it.
Na siya nga’ng nangyari nang sumama siya sa pot session na isinagawa sa condo ng barkada niyang anak-mayaman. Incidentally, isinama naman ng girlfriend ni Rob si Kayna. They call her as the lost kitten.

Pumapasok pa lang ito sa pinto noon pero hindi na niya ito hiniwalayan ng tingin. He stalked her in a distance. Hindi nga lang niya noon alam kung bakit ganoon ang pakiramdam niya nang makita ito. Ang tingin niya rito ay parang isang diwata’ng nawawala lang ng napuntahan. Sa gitna nu’n, umeksena naman siya at tinignan kung kaya ba niyang paamuin. Sa una ay waring hindi siya noon pinapansin. Iniiwasan siya. But he kept on dodging her.

Napansin naman marahil iyon ng mga kasamahan nila, nagkanya-kanya na ang mga ito ng kapartner. Sila tuloy ang naiwang magkasama. Hindi sila nag-usap. But their body language did so. He gave her some beer. To make it more potent for her, tinataktakan pa niya iyon ng shabu. They shared the same beer somehow. Sa bandang huli, humulagpos ang inhibisyon nito. Nagsayaw sila. Maharot. Kikiwal-kiwal ang kanilang pawisang katawan. Nang tangkain niya itong halikan, para ito’ng bata na handang makinig. Nang maunawaan ang nais niya, ninenerbiyos itong napahagikgik at tinularan ang ginawa niyang paghalik. Sa gitna ng pagtuturuan nila, their primal instinct kicked in just then. Kaya hinila na niya ito at pumasok sa kuwarto. Doon tuluyang nangyari ang hindi dapat mangyari. Tanghali na kinaumagahan nang magising siya. Lahat ay tulog pa rin. But the woman he make love all night was gone.
Napatakbo siya palabas ng condo. Hindi niya mawari kung bakit nagpa-panic ang damdamin niya sa isiping iniwan na lang siya nito at sukat. Hubad-baro siyang naghanap sa paligid. Pero wala talaga. Nang bumalik siya sa condo, tila siya talunan na pabagsak na umupo sa sofa. Nasabunutan ang sariling buhok saka siya napasigaw na lang nang basta. Bigla tuloy nagising nang wala sa oras ang mga naroon. Akala ng mga ito may sunog kaya nagkatarantahan. Pero nang tignan siya ng mga ito, umiiyak na lang siya at sukat.

But that same day, noon niya rin nalaman na namatay ang Daddy niya sa aksidente. Hindi na daw matiis ang ginagawa niya sa kanyang sarili. They understand that he was just letting out the anguish and pain after what happened to him. Pero sobra na. Ayon sa Mommy niya, he was on his way to Baguio City to get him home pero nawalan daw ng preno ito kaya nahulog ang sasakyan nito kasama ang driver sa bangin malapit sa Sablan, Benguet. Sa takbo ng magulong utak niya nang mga sandaling iyon, wala na rin siya sa tamang huwisyo kaya naglaslas siya ng pulso. Only to find out later na nasa ospital na siya ang her mother was crying. He was the infamous prodigal son. Nakiusap ito sa kanya nang paulit-ulit. Kailangan niyang magbago at ayusin ang takbo ng buhay niya, iyon ang pakiusap nito. Nabagbag ang damdamin niya roon. Kaya nang makalabas siya ng ospital, diretso naman siya sa isang rehabilitation center para tuparin ang pakiusap ng kanyang ina.
At dire-diretso ring inayos niya ang buhay mula roon.

“Kayna,” mahinang tawag niya sa babae mayamaya. Inilayo niya ang sarili para tignan ito. Sumisigok na lang. Subalit panay pa rin ang tulo ng luha sa mga mata nito. “Please look at me. Please…”

Pero tumungo ito. Inalis ang kanyang mga kamay sa pagkakahawak niya sa magkabilang balikat nito. Pinagkurus ang dalawang palad at ipinatong ang siko sa magkabilang tuhod. Doon nito iniangkla ang noo.

“H-hindi ko alam ang iisipin ko. I am still trying to grasp everything. But really, Tristan, wala ako’ng makapa ni kahit katiting na galit o anupamang damdamin na kahalintulad nu’n. In fact, I felt relieved that…t-that it’s you. Kahit noong nalaman ko na pinagpustahan lang tayo. Ang iniiyakan ko na lang, habang nagkurus ang landas natin, ang anak ko…a-ang anak natin. Hindi ko alam kung nasaan. Kung buhay pa siya o hindi. Ang damdamin ko dito, damdamin ng isang ina. It hurts…it hurts when you know, hindi mo na siya mayayakap, mahagkan, maalagaan, masabihan ng pagmamahal…For that, it felt I am lost and was homeless since then.”
Muli itong napahagulgol.

Hirap ang kaloobang napalapit na ulit siya dito at niyakap nang mahigpit. Kahit man lang sa paraan na iyon ay maiparating niya ang pakikisama sa anumang nararamdaman nito. He ended up showering her some featherlight kisses.

In her head.

In her ears.

In her face.

That inching its way towards her lips.
Nang tuluyang magsalubong ang kanilang mga labi, alam niyang kailangan na din niyang palayain ang totoong nararamdaman. God, she loves this woman. At patatawarin din siya ngayon ng Maykapal dahil alam niyang may masasaktan sa gagawin niyang iyon.

A Home In Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon