THAT same night somehow, hindi kuntento ang kapalaran sa naging kinalabasan ng buong araw na iyon sa kanila.
Habang kilig-kiligan si Dalya sa isang tabi sa pinapanood nitong pelikula ni Sarah Geronimo sa kanyang laptop, siya nama’y pinipilit ang sarili na ma-excite at madama muli ang kilig na dati nang naroon habang nakatutok ang mga mata sa TV. Kasalukuyang ipinapalabas ang Master Chef Korea at naka-focus kay Chef Leo Kang ang camera habang nagbibigay ng komento sa isang master chef aspirant who cooked some kind of a steak. For some reason, it turned out na nagkamali ang paraan ng pagluluto niyon kaya katakot-takot na komento ang ibinigay nito.
Napasimangot siya. Meron pa nga ang dating nadarama sa dibdib, it does not died down actually dahil mukha pa rin siyang engot na teenager na bubunto-buntong-hininga kapag ngingiti ang naturang judge/chef sabay ngiti rin at tili nang impit.
Pero ang pinoy version nito ang naiisip at agad ngayong umuukilkil.
Bigla siyang napatayo nang maramdaman ang unti-unting pagdaklot ng kirot sa puso niya nang maisip din na may nagmamay-ari na rito. Saka naman nakatok ang nakapinid na pinto.
Gulat pang napatingin siya roon.
Muling naulit ang pagkatok. This time ay tila na ito may hinahabol. And the voice that she thought she won’t hear it again followed.“Kayna, open the damned door!” tila gigil na sabi ni Tristan sa kabilang pinto.
Tumingin sa kanya si Dalya. “Ate, may tao. Kailangan ka yata.”
Agad niyang pinatay ang TV. Her feistiness kicked in. Taas-kilay na humalukipkip lang siya. Magsawa ang tinamaan ng kulog sa pagkatok. Hindi niya ito pagbubuksan. Nagka-girlfriend lang, pormal na pormal na siyang tinawag ng ‘Miss de Rivera’, nakalimutan pa ang pangako nitong date daw. Ano na kaya ang kailangan ng kumag na iyon at sumugod nang ora-orada?
Bago pa niya nasabihan na huwag nitong bubuksan, nakalapit na si Dalya sa pinto at binuksan na rin iyon. Iglap, bigla itong tumili at tumatakbong lumapit sa kanya. Excite na excite. Sa panlalaki ng mga mata nito, puwede nang kumasya ang saucer.
“Ate, si Judge Leo, si Judge Leo, nasa pinto!” huli nito sa kamay niya sabay hila. Iimpit-impit ulit na sinabayan iyon ng tili.
Pero hinila niya ang kamay at halos padaskol na lumayo. “Dalya, tumigil ka nga. Mamaya, bumbero na ang sumugod dito.” Saka siya tumalikod. “Sige at inaantok na ako. Feel free to talk with him. Pero kapag lalayas na, huwag mong kalilimutan na i-lock nang maigi ang pinto, ha?”
“Kayna, sandali,” pigil ng lalake at walang patumanggang pumasok na. Inabot siya sa unang baitang ng hagdanan.
“Hep, hep,” pigil niya nang hahawakan sana siya nito. “Stay there. Kung hindi mo alam, you are trespassing. I wonder, did Miss Valderama give her blessings sa pagpunta mo rito? Just so you know, wala ako’ng ambisyong masabunutan. Bagong rebond kaya ang buhok ko.”
Sa pagkabigla niya, bigla na lang itong napatawa. Siya nama’y napahakbang ng dalawang baitang pataas palayo rito.
“That’s interesting. Thank you.” Nag-bow ito saka siya kinindatan. His laughed was subsided and chase by a devilish smile.
“A-ano ba’ng sinabi ko?” Napapreno siya nang may kumudlit kaagad sa utak niya. Oh, my God. No, no. Not again! But that devilish smile said so. She gave herself away and revealed her true feelings.
Nagseselos siya!
Nag-init kaagad ang mukha niya.
Ah, never siyang aamin nang diretso.
Bigla na tuloy siyang tumalikod at ora-orada na ding tumakbo papanhik. Sunod si Tristan. Bago pa siya nakarating sa pinto ng kuwarto niya, naabot na nito ang isang braso niya.Napasinghap siya kaagad nang hinila na din siya at ikinulong sa mga bisig nito. Bago pa niya nalalaman, hinahagkan na siya nito.
Parang nagka-out-of- the-body experience pa siya na natigil sa pagpalag and instead gave in to that warm, tingling sensations na kaagad dumaklot sa pandama niya. Lalo na nang pumasok ang dila nito sa loob ng bibig niya and linger there, teasing her own tongue, tasting her.
Bago pa siya nakatugon sa mapangrahuyong halik nito, muling sumundot ang alaala na iyon. This time, she saw her own self, giving in to the power of the moment.
Nagkasalyahan sila bigla. And both staring to each other in disbelief. The way he looked at her, she knew that something happened to him, too. Tumaas-baba ang dibdib ni Tristan, dark passions still in his eyes mirroring her own.
Napaatras siya nang ilang hakbang palayo rito. Nanginginig ang mga tuhod niya kaya nangabay siya sa dingding. Parang hindi niya alam ang iisipin na tuluyan na lang din siyang napasandal doon. But when she slowly slid down, Tristan immediately on his heel and held her.
“P-please. B-bitiwan mo ako,” sa mahinang boses ay pakiusap niya.
“But—“
“Please,” she cut in, fighting for composure. “J-just tell me why you are here and then leave,” buntot niya na hindi tumitingin dito.
Napasandal na din ito sa dingding sa tabi niya. Bumuntong-hininga muna ito bago sumagot.
“Nasa ospital si Mommy. She wanted you to come kaya nagpunta ako rito para kaunin ka sana. Ralion…” His voice trailed off.
Bigla tuloy siyang napabaling dito. Her heart went out to him when she saw those emotions na kahit isang tingin lang sa mukha nito ay kaagad nang mapansin. He was in pain for that little kid. He felt his deep love for him. It touched her. Muli, nadama niya ang kakaibang pakiramdam na iyon nang maalala ang tagpong iyon sa kuwarto’ng tinulugan niya noong naroon siya sa kanila sa Pagudpud.
“I-is…is Ralion okey?”
Umiling ito. “Mas lumala pa ang sitwasyon niya. He doesn’t want to eat. Kailangan pang ipilit. In fact, nasa ospital siya ngayon. Ngayon lang. Isinugod namin kanina dahil bigla na lang nawalan ng malay habang ipinapasyal nina Mommy sa mall.”
“D-diyos ko!” Naitakip niya ang dalawang palad sa labi. Hindi na siya nag-iisip na kaagad nang nagpasya. “Halika na.”
“What?” tila ito nalito na napatingin kaagad sa kanya.
“I’m coming with you.”
BINABASA MO ANG
A Home In Your Heart
General Fiction"Hayaan mong mahalin kita. Let me be the home you have been searching for so long..." Sisinghap-singhap na ang savings ni Kayna de Rivera at ang tanging makasasalba sa kanila ng kanyang alalay ay ang proyektong hindi pa sigurado kung sa kanya nga ma...